Chapter 16: Lie

256 11 0
                                    

Amanda

"Vaklaaaa! Tignan mo to ,dali!"

Napahinto ako sa pagtutupi ng eksraherada akong tinawag ni Jona.

"Ano ba yan?" Lumapit ako sa kanya at sa dumungaw sa cellphone nya.

"Ang ganda naman nya"

Nasa litrato ang sopistikadang babae na tingin ko ay nasa 40 anyos na o mas bata pa. Ang ganda nya , makapal ang eye shadow nyang kulay pula at talaga namang ubod ng pilantik ang mahahabang pilikmata nya.
Hanggang baywang lang ang nakuhanan ng litrato pero halata ang kaseksihan sa kanya. Sa unang tingin ay humihiyaw sa yaman ang kanyang itsura mula sa suot nyang kumikinang sa diyamante at handbag na may branded na marka.

"Sya si Abejana Alejar"
Abejana alejar? Hindi ko pa kailanman nadinig ang ganoong pangalan.

"Sino sya Jona?"
Nakakacurios ang dating nya. Nakikita ko sa mga mata nya na bagamat nakangiti ay may lungkot pa rin.

Umirap si Jona sa hangin na para bang katangahan kung hindi mo kilala ang babae sa litrato.

"Isa sya sa pinakamayaman ,pinakamaganda at pinakaruthless na Babae sa balat ng business world"

"Ruthless? Parang di naman, mukha syang.." Huminto ako at pinakikitagan ang larawan, sa mga mata nya.
"Malungkot at nangungulila" bulong ko ,hindi Kay Jona kundi sa sarili ko.

Naninikip ang dibdib ko sa ideyang malungkot sya, hindi ko maintindihan kung bakit ganoon. O baka pati din si Jona ganon ang nararamdaman.

"Huh? Anong malungkot? Ang sabi nya sa mga interview nya ay ' I'm in ecstasy to see the unsinkable, in the ocean of success ,sinking' "wika ni Jona habang ginagaya nya ang pananalita at boses nito.

"Sagot nya yan nung tinanong sya kung anong masasabi nya sa paglubog ng kumpanya ng mga Romualde!"

Gusto kong maintindihan ang mga sinasabin nya pero pakiramdam ko ay hindi ko din magegets kung hindi ko kilala ang mga taong binabanggit nya.

"Bakit naman sya magiginga mamaya?"
Sigurado akong may pinaghuhugutan sya, ang sabi ng nanay hindi naman daw magiging masaya ang tao sa pagbagsak ng iba kung hindi ito nakadarama ng inggit o kaya ay poot "Bakit naman sya magiging masaya?"

Sigurado akong may pinaghuhugutan sya, ang sabi ng nanay hindi naman daw magiging masaya ang tao sa pagbagsak ng iba kung hindi ito nakadarama ng inggit o kaya ay poot.

"Ewan, ganon naman kase talaga sa business. Pasamaan payamanan"

"Eh bakit ang mga Roswell?"
Pagkontra ko.

Nginisihan ako ni Jona.
"Hindi ibig sabihin ng mabuti sa panlabas ganoon na rin sa loob"kahit na mukhang seryoso sya sa sinasabi nya ay hindi pa rin ako sangayon.

"Grabe ka! Pano mo naman nalaman na ganon sa business world, siguro anak ka ng business man na kabilang sa business world no?" Panunukso ko sakanya.

Ngunit nabahala ako ng mukhang hindi nya nagustuhan ang Biro ko.

Magsosorry na sana ako ng ngisihan nya ako.

"Baliw!" Sabi nya " pinag-aaralan ko lang kase nga inireready ko yung self ko para pagkinasal kami ni Señorito Uno may katuwang na sya" napanguso ako, niloloko na naman ni Jona yung sarili nya.

"Bakit si Señorito Uno naman ngayon?"

"Eh ano gusto mo ?inagaw mo si Tres sa'kin eh" sabi nya sa pagalit na boses.

Hala?! Sinasabi ko na nga ba may sama ng loob sa akin si Jona.

"Jona, naku sorry. Hindi ko naman sinasadya na magkagusto sa kanya. Patawarin mo ko wag mo putulin ang pagkakaibigan natin" si Jona lang ang kaisaisahang kaibigan ko at malulungkot at masasaktan talaga ako ng sobra pag nagalit sya sa akin.

"Charr lang tanggap ko naman! Mas malaki dibdib mo eh, mas may k ka maginarte."

"Alam mo masaya ako para sainyo ni Sir Tres. Halata naman kasing mahal na mahal ka nya kahit sa maikling panahon, isa pa ilang months na rin mula nung naging kayo, naku mukhang matatalo mo na ang record ni Tanya santita na 6 months contra--" naiwan sa ere ang sasabihin nya nang maaalala nya ako.

Agad syang nagtakip ng bibig.

"Tanya? Yung babaeng kasama nila sir Dos noon?" Kung ganon ay may naging relasyon sila?
Bakit ang sabi ni Tres ay wala lang yon.

Parang nahigop ang lakas ko at tila lumubog na barko ang puso ko hindi sa tubig kundi sa lungkot.

"Shet! Vakla ano"peke syang tumawa " wala naman yon ! Wag mong isipin ang sinabi ko. Alam mo kase ikaw a-ano ikaw yung mahal,past naman na yon"
Kahit nagkakanda utal utal na sya sa sinasabin nya ay hindi pa rin nabawasan ang bigat na nararamdaman ko.

Hindi dahil sa kaalamang may ex si Tres kundi dahil sa katotohanang wala syang sinabi. Sabi nya ay wala lang si Tanya ,bakit sya magsisinungaling sa bagay na iyon?

"Ilang buwan sila naging magkasintahan?" Sa huli ay naitanong ko ang unang tanong na pumasok sa isip ko.

"6 months" samantalang tatlong buwan pa lang kami ni Tres.

"Yun lang? Ilang buwan sya niligawan ?"

Nanlaki ang mata ni Jona at kabado akong binalingan ng tingin

Anim na buwan, hindi ba?

"Ahm wag na nating pagusapan, diba past is past never come back, ikaw lang Amanda sapat na bente kwatro" alam Kong sinusubukan nyang paggaanin ang sitwasyon pero hindi iyon ang kailangan ko, gusto ko lang naman ng sagot. Kahit pa nga Alam kong maiinggit lang ako.

"Jona please" ni di ko napigilan ang lungkot na bumabalot sa akin at nailabas ito sa aking boses.
Halos magmakaawa na ako Kay Jona.

"S-since college days, childhood sweetheart sila since grades school . Nung maghighschool ay lumipad paibang bansa sila Miss Tanya pagbalik nya sa kolehiyo ay niligawan sya ni Sir Tres. Ilang taon ,hindi ko alam. Pero alam ko ay 6 na buwan lang ang tinagal"

Gusto kong tumawa ng pagak, walang wala ka Amanda. Anak mayaman, may tinapos at pinaghirapan pa. Ikaw ilang buwan lang bumigay ka!

Nagsimulang magtubig ang mga mata ko. Shit ambabaw lang non! Pero hindi eh, ito ang unang beses na nakadama ako ng ganitong kalalim na inggit.
Ito ang unang beses na hiniling ko na sana ako na lang sya, na ibang tao ako.

"A-amanda , hindi naman ako sigurado kase alam mo na ilang taon pa lang din ako dito naikwento lang nila inday . wag ka ng malungkot dyan oh" nagsusumamo ang boses ni Jona subalit parang hangin lang sya sa akin.

"Ah m-mag babanyo lang a-ako" tuluyan nang nangarag ang boses ko.

Laurenttius Series #1: Taste of Her VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon