Chapter 8: good morning

226 9 1
                                    



Warning:slightly spg

Puyat akong bumangon mula sa higaan. Tinignan ko ang wall clock. Alas 7 na nang umaga kaya bumangon na ako at nagayos ng sarili pati na rin ang aking higaan.

Agad akong dumiretso sa garden ng bahay para magdilig ng bulaklak ni Madame Bethany.

Hawak ko ang hose na patuloy ang agos ng tubig at itinapat sa ibat ibang kulay ng bulaklak.

Sa pagdidilig ko ng halaman at bulaklak ay narinig ko ang matinis na paggalaw ng metal na upuan. Ito ay ang kulay puting upuan sa garden para sa pag papahinga at pagmumuni muni.

Nilingon ko ito at nahiya ako nang makita ko si Señorito Tres na seryoso at matiim na nakatingin sa akin .

"Good morning" una syang bumati .

Binuksan ko ang aking bibig para sa muling pagbati ngunit parang nangangapa ang dila ko sa mga salita.

Nakatanaw lang sya sa akin ,hinihintay ang magiging sagot ko.

"What? I said good morning!" Napipikon ang boses nya at nakakunot na rin ang kanyang noo.

Sa halip na bumati pabalik ay napangiti ako sa naiinis nyang itsura. Ang gwapo gwapo nya sa kahit anong reaksyon. Nagkakacrush na ata ako sakanya. Dama ko ang pamumula sa aking pisngi.

"Midget. I greeted you good morning and all I've got is your weird smile, damn unbelievable." Napabuntong hininga pa sya.

Nakasuot sya ng itim na tsinelas ,sando at grey na sweatpants.

Napatingin ako sa pangibaba nyang suot at birheng Mariya hindi ko po sinasadya.

Nahagip ng mata ko ang umbok sa kanyang suot kaya mabilis akong tumalikod at hinarap ang halaman na lunod na lunod na sa tubig. Shet ka Amanda! Nanginginig ang kamay kong itinapat ang gripo sa ibang halaman.

Gusto kong maghilamos dahil sa init na nadarama ko sa aking mukha.

"You arrogant little girl. How dare you turn your back on me?" Napaharap ako sa kanya nang hilahin nya ako paharap.

Sa halip na mapaharap kami sa isa't isa ay napahiga sya sa Bermuda grass dahil sa lakas ng impact ko sa mainit at malaki nyang katawan.

Nabitawan ko ang hose at napatitig sa lalaking nasa ilalim ko. Nasa tapat ng dibdib nya ang aking mukha ,nang mag-angat ako ng tingin ay nagtama ang aming mga mata. Seryoso sya at tila inaaral ang bawat detalye sa mukha ko sa lalim at tindi ng pagkakatitig nya sa akin.


Ilang segundo kaming nagtagal sa ganoong posisyon.

"Hey, hey, hey Little Brother what are you two doing there?"
Nanlaki ang mata ko at ipinatong ko ang kamay sa lapag at nagangat patayo.

Habang mukhang walang pakialam si Señorito Tres tumayo lang sya kagaya ko at sabay naming hinarap si Sir Dos.

Okay Amanda , ano pang kahihiyan ang gagawin mo sa mansyong ito?

Iiling iling sya at tinapunan ng tingin si Señorito Tres na mukhang nasa ibang Mundo ang isip pero nanatiling blangko ang mukha.

"Tsk tsk tsk Tres you don't do that thing on the grass okay?" Akmang magsasalita ako para linisin man ang kung anong iniisip nya sa amin ngunit mabilis na tumakip sa bibig ko ang malaking kamay ni Señorito Tres.

"Just leave us alone Dos. Don't ruin my morning will you?" Napalabi ako habang nakatakip pa din ang bibig.

Wala ba syang respeto sa kuya nya? Argh nakakainis sya bakit nya ba ako pinipigilan.

 Humalakhak lang si Señorito Dos. Tumalikod sa aming dalawa. Iwinagayway ang kabilang kamay habang nakapamulsa ang isa pa.

"Be careful, Manang Ofelia might see you. You don't want to give her a hear attack right?" Sabi nya at umalis na.

Hinampas ko ang kamay ni Señorito Tres na nasa bibig ko. Ibinaba nya naman to agad at niyuko ako ng tingin.

Tinaas nya ang makapal nyang kilay.

"Why are you giving me that look?" Tanong nya nang mapansing masama ang tingin ko sakanya.

"Bakit mo po ako pinigilang magsalita? Hindi mo po ba alam na baka ano ang isipin ng kapatid nyo po?" Naiirita ako sa kanya at sigurado akong namumula ang pisngi ko sa iritasyon at mukha akong galit na dwende sa tingin nya pero wala akong pakialam .

Mangha syang nakatingin sa akin ,bahagyang nakaawang ang kanyang bibig at ang kulay abo nyang mata ay nakatuon sa akin.

'Ano sumagot ka!!?' Gusto ko sakanyang isigaw ang tanong na yon kaso naalala Kong sya nga pala ang boss dito.

"I don't give a fuck, let him think what he wanted to think of us. Dos is an asshole ,don't mind him" balewala nyang sagot.

"S-si Manang Ofelia..."

"She's probably in the kitchen right now, I asked for breakfast" tumango ako ng ilang beses at huminga sa kaginhawahan ng bigla Kong maisip na

"Teka wala naman tayong ginawang hindi maganda ah?" Tanong ko sa señoritong ngayon ay nakahalukipkip na at mukhang masama na naman ang tingin sa mundo.

"Inaano ka dyan?"dugtong ko pa na parang magkumpare lang kami at walang nangyaring masama sa amin nung mga nakaraang araw.

"I didn't do something wrong, Ewan ko lang sayo. I saw you looking at my friend earlier"
Namula ulit ako at yumuko.

"A-ano ka?! W-wala ,h-hindi kay-ya" muntik ko ng sampalin ang sarili ko nang mautal ako sa pagdidipensa sa sarili ko.

"really? Midget , you know its okay. I'm used to see girls checking my buddy down there."

Kung magiging prutas lang ako ay nasisiguro kong kulay mansanas na ako.

Halos magdugo ang labi ko sa diin nang pagkakakagat ko dito at nangingnginig ang kamay ko sa kaba.


Unti unti syang lumapit sa akin kaya kinabahan ako lalo at tinulak sya palayo. Mabilis ang mga kamay nya at agad akong hinapit palapit sa kanya.

Malaki ang ngisi nya kaya nagpumiglas ako at pinakawalan din naman nya ako agad.

Tunakbo ako palayo sa kanya habang naririnig ko ang maganda nyang tawa.

"He just want to say good morning midget!"

Sumigaw ako sa pagkadisgusto at hiya .

"Ang bastos mo po Señorito!!"

Laurenttius Series #1: Taste of Her VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon