Chapter 18: his touches (warning!)

271 6 0
                                    

Amanda

Lumuhod ako sa sementong sahig na napuno na ng tubig. Mukha akong kaawaawa ,mukhang isang musmos na pinagkaitan ng pamilya. Sa muling pagkakataon ay nilingon ko ang malaling gate sa likod ko.

'Bakit mo ko pinabayaan?' Hikibi ko sa gitna ng malalaling patak ng ulan.

Nangako kang poprotektahan mo ko pero asan ka? Asan ako? Bakit ba kase kailangan natin magbitaw ng mga salitang sa hulo ay di rin natin mapaninindigan?

Nilunok ko ang mga hikbi at hapdi tsaka dahang dahang tumalikod at naglakad palayo sa kanila, sa kanya.

Para akong nasa prosisyon sa bagal ng mga lakad ko. Ang init ng mga luha ay pinawi ng lamig ng sandali.

Hanggang sa hindi ko namalayan, ang pagdampi ng isang malaking telang itim. Niyakap nito ang nilalamig kong katawan.

"Im sorry, mahal. Im sorry" Ngunit parang hindi na yata sapat ang kahit yakap nya sa panlalamig ng katawan o ng puso ko.

Eto na naman kami, paulit ulit.

Wala akong naging reaksyon sa mukha, nanatili akong kalmado at pagod. Kahit pa nga muntik na akong matumba nung sya na ang yumakap sa akin. Mukhang minahal ko na ang lamig at kinalimutan ang init.

Pareho kaming naliligo sa ulan. Rinig ko ang lakas ng paghinga nya kaysa sa malakas na pagbabagsakan ng ulan. Nanlalabo ang mata ko , sa pagkakataong ito. Hindi sa luha kundi sa ulan.

Kumalas ako sa yakap nya at hinarap sya. Takot at sakit ang nakarehistro sa mukha.
Sadyang mapanlinlang ang mga bagay bagay at pagkakatao. Kung nanlalabo ang paningin ko kanina ay tila luminaw naman sa itsura nya. Tumutulo ang tubig sa mga hibla ng buhok nyang nalunod na sa tubig.

Sa pagkakataong ito ay nasilayan ko ang nakakamangha nyang itsura. Ang tattoo sa leeg nya at pagbakat ng matipunong dibdib nya sa basang damit. Nakayuko na sya para bang tinitimbang kung ano ang magiging reaksyon ko.

"Bakit ka pa lumabas? Nabasa ka tuloy. Baka magkasakit ka nyan" oo galit ako pero hindi ko na itago ang pagaalala sa taong labis kong mahal.

Kahit pa alam kong darating yung araw na may magaalala na sa kanyang iba, may magaalaga at magmamahal, yung katulad nya ,yung kapantay nya at yung kabilang sa mundo nya, si Tanya.

Tumingin sya sa akin, Sakit. Ang nagiisang bagay na makikita sa mata nya. Tanga ba ako pag sinabi kong nakakalimutan kong nasasaktan ako dahil nakikita ko syang ganito? Oo nga tanga nga siguro ako.

"Im sorry Mahal, for being a coward and not fighting for you. Im sorry for being an asshole ,for being a fucker ,for leaving you ." At sa tuwing nakikita ko syang ganito ay nauubos ang galit ko.

Kahit siguro gaano kasakit papatawadin at papatawadin ko sya ng paulit ulit hanggang buo pa ako.

Ako na ang lumapit sa kanya . Tumingkayad ako para mayakap sya at mahawakan ang buhok nya.

"Shhh... tama na, bumalik ka na sa loob magkakasakit ka dito." Ewan ko ba nakalimutan na din yata ng katawan kong nasa ulanan ako. Hindi ako nautal. Nanginig ang boses, nanatili itong kalmado at buo.

Para syang batang nakakalong sakin. Hindi sya umiiyak pero kita ko ang pagbigat ng damdamin nya.

Ganito pala talaga, pagnagmahal ka hindi mo pwedeng sukatin na 50% sa kanya at sayo. Kase pagnagmahal ka malalasing ka sa bawat tibok ng puso nyo para sa isat isa at hindi na magiging mahalaga kung may matitira.

"I know youre hurt ,i know youre in pain .please let me heal it ,please,please. Mahal. Patawarin mo ko. Please dont act like this, like you can handle it. Its okay hurt me too, hurt me please. Just ...j-just don't leave me. I'm so fucking selfish to ask for this but please, don't break up with me. I can't..."
Sunubomsob sya sa leeg ko at nagdampi ng marahang halik.

Laurenttius Series #1: Taste of Her VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon