Chapter 10: Her number one type

241 6 2
                                    


Amanda

 Nadadarang ako sa init ng labi niya na tila tinutupok ang buong pagkatao ko. Ang mga kamay nya na kanina ay nasa mukha ko ay ngayong,sabay yumayapos at gumagapang sa katawan ko. Para akong nakukuryente sa pagdadampi ng aming mga balat.

 Mabilis ko syang naitulak ng marinig ko ang biglang pag lalag ng kung ano mang bagay sa sahig.Pareho kaming hinahabol ang aming hininga at pawisan. Kasabay nito ay ang paglingon namin sa isang bulto.Ang babae ay mukhang kaedaran ni Señorito Tres namumutla ang makinis nyang mukha at nakaawang ang mapula nyang labi. Mukhang nabigla sya sa nakita.

 Nilingon ko si Señorito na ngayon ay mukhang nabigla din at bakas ang takot sa mata. 

"I, I-Im s-sorry. I ,I..." Hindi na natuloy ng magandang babae ang sasabihin nya ng biglang pumatak ang luha sa mata nya at tumakbo paalis ng silid.

 "Tanya!" Natulos ako at nanlumo nang tinawag sya ni Señorito at hinabol palabas.Napatuptop ako sa aking bibig. 

    Sino sya? Ano sya ni Señorito?Anong ginawa ko?anong ginawa namin?Napaupo ako sa malamig na sahig at malalim na huminga. Hindi ko na pansin ang mga luha sa aking pisngi, kung hindi pa nadama ng kamay ko sa bibig ang umaagos na luha ay hindi ko pa mamamalayang umiiyak na ako.

  Napahikbi ako habang nakatakip ang kamay sa aking bibig.Naninikip ang dibdib ko at hindi makahinga sa tila may mabigat na bagay sa aking puso. Patuloy na dumadaloy ang luha sa mata ko. Hindi ko alam namamanhid ang puso ko.Sa anong rason?napasabunot ako sa aking buhok at pilit pinipigilan ang luha sa mata ko.

 Ngayon ay napagtanto ko na. Gusto ko sya ,nagkagusto ako sa taong hindi dapat. Sa taong alam kong yuyurakan lang ang puso ko. Tangina bakit sya pa? 

 Pinunasan ko ang luha ko at tumayo. Mabilis Kong tinahak ang daan patungo sa kwarto ko. Naririnig ko ang halakhakan sa ibang bahagi ng bahay, marahil ang mga bisita.Pumasok ako sa kwarto namin ni Jona at nakita ko syang nakaupo at tahimik na nagbabasa ng pocket book.Agad akong humarap sa salamin sa kwarto.


Namumula ang ilong at mata ko. Bakas pa ang basa ng luha sa pisngi ko. 


 "We are busy looking for happiness in their soothing embraces that we neglected the idea of being crushed inside of it." Napatingin ako kay Jona. Nakahiga na sya sa taas ng double deck habang hawak pa din yung libro.

 Mahinhin akong umupo sa kama ko at kalaunan ay humiga. "Tama ka" tama si Jona. 

 Marahil ganito ang mga tao, ganito ako. Naging abala tayo sa lasap ng kasiyahan sa mga yakap ng sandali na nakalimutan na natin ang magiging kapalit.

 Rinig ko ang malakas na pagbuntong hininga ni Jona. Ramdam ko ang pareho naming kalungkutan. Kung ano man ang sakanya ay sigurado akong may kinalaman kay Señorito Dos. Samantalang wala akong ideya kung alam ba nya ang namamagitan sa amin ni sir Tres. 

Tumawa ako ng pagak sa aking isipan, wala nga palang kahit anong namamagitan sa amin. Pero bakit nya ko hinalikan kung may girlfriend sya? Bakit nya ko pinalalayo sa iba? Ang hirap pala. Ngayon ay lubos ko ng naiintindihan ang mga kaklase ko noon. Kung bakit sila umiiyak kapag nagbbreak sila ng mga kasintahan nila. Lagi kong sinasabi ang bata pa namin para sa ganoong pagseseryoso. Pero wala pala talagang pinipiling edad ang pag-mamahal.

"Hanggang kailan tayo magkukulong?"tanong ni Jona sa itaas. 

 "Hindi ko alam"bulong ko sa hangin. 

 Nanatili kaming nasa ganoong desposisyon. Ang maririnig lang ay ang hangin na nanggagaling sa electric fan. At hindi ko namalayang hinila na ako ng antok. 

Laurenttius Series #1: Taste of Her VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon