Chapter 35: Show

273 7 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Ruthless

Irritable akong naglakad pabalik ng tent.
Ni Hindi ko na nacheck ang buhok ko basta ang alam ko ay gulo gulo ito dahil sa pakikipagsabunutan.

Nang pumasok ako sa tent ay sya namang gulat ko.

What the he'll is he doing here?

"Why are you here Tres ? "Tanong ko na nakadikwatrong si Tres. Tila kagagaling lang nyang opisina at tinanggal lang ang suit.

Nakatitig sya sa buhok ko, Nakatitig sila ni Niel sa itsura ko. Fuck!

"What happened to you?" He asked me back.

Kagagawan to ng impaktita mong ex. But instead of saying those ay naupo na lang ako sa aking upuan malayo sa kanya.

Doon ko lang napansin ang bouquet ng red roses sa tabi nya na nakabalot sa pink.

Umarko ang kilay ko, para kanino naman?

"Paki mo?"pabulywa Kong sagot.

Takang tinititigan lang kami ni Niel. Lumapit sya sa akin at kinuha ang upuan tsaka suklay.

"Goodness San ka ba nagsuot?" Nagaalalang tanong nya.

Habang sinusuklay ang maikli Kong buhok.

"Are you okay?" Nagaalalang tanong din ni Tres. Inirapan ko sya.

"Bat ka ba andito?"napipikong Tanong ko.

Dapat ay mamaya pa sya dahil judge sya at mamayang gabi pa ang start.

Tanghaling tapat andito sya, don't tell me sinusupport nya si Tanya?

"I just want to personally give this to you.." inabot nya ang bulaklak at nagtungo sa akin.

Tumili si Niel at nagngising asong tumingin sa akin.

I tried to remain Stoic but my heart says otherwise. Naghuhurumentado ako sa kilig at kaba. Tangina!

"Bakit may paganyan? May pageant ba?!"pambabalya ko sa kanya, nagcriss legs ako at humalukipkip.

Kunwariy nagtataray upang itago ang nagpipintong kilig.

Kinamot nya ang kanyang batok at parang nahihiyang inabot sa akin ang bulaklak.
Mabilis na nagbago ang ekspresyon nya. Nginisihan ako at nginitian.

"Wala. Even if there's no pageantry ,you will still be my Ms. Universe "

 Narinig ko ang malutong na halakhak ni Niel. Masama ko syang tinignan at pekeng nginitian si Tres na nakahawak sa batok.

"Corny!" Pambabara ko. "Diba sabi ko may boyfriend na ko?bat ka pa lapit ng lapit?!" Kunwariy napipikon na ako sa kanya.

Ngumisi sya sa akin "Who? You have no boyfriend, Ruth" simple nyang sabi.

Nanlitt ang mata ko "meron! Si Maven nga Diba?!" Naiinis na saad ko.

Ngumuso sya na parang bata, cursed that sexy lips of yours boy! "Gusto mo pala ng boyfriend, available naman ako nangaakin ka pa ng iba. Tsk tsk very wrong Ruth" umiling iling pa dya kuwari ay dissapointed.

"Smooth.." tawa ni Niel.
Nang tinignan ko sya ay nagzip sya ng bibig.

Hinila ko ang bulaklak sa kanya at Akmang ihahampas ng bigla syang umiwas at mabilis na lumabas ng tent.

"Bwiset ka talaga!" Sigaw ko.

Dinig na dinig ko pa din ang presko nyang halakhak na masarap pakinggan sa tenga.

"Arghh!" Pikong sabi ko at napatitig sa bulaklak sa aking kamay.

sumipolsipol si Niel.

"Ano yon ha?"mapangasar nyang sabi.

Inirapan ko sya.

"Ang peste talaga ng lalaking iyon!" bwiset na sabi ko sakanya.

"ikaw ha?! May papable ka pala dyan di ka pa man lang nagkukwento"kuwariy nagtatampo pa sya.

Umirap ako "ill tell you later. Wag ka ng maginarte its so gay!" iritable kong sabi.

"Bakla naman talaga ko!"sigaw nya.

"Can you shut up? I want to take a rest for a while."sabi ko

"Asus hindi mabitawan madame?"asar nya pa.

Para akong napaso at binitawan ang bulaklak. Peste!

ilang oras din akong nagmunimuni hanggang sa magalas 5 at lahat kami ay aligaga sa pag aayos.

"Ano na?!" Iritable kong sigaw kay Niel. He was busy calling camilla.

Kanina pa hindi mahanap ang babaeng yon.

She's the designer here!

Halos ready na ang lahat even the stage, nakaset up na.

Mula sa tent ay kitang kita ang ibat ibang kulay ng ilaw na nagmumula sa stage.

"On the way na daw sya!"
Sagot ni Niel at ibinaba ang telepono.

Sarkastiko ko syang tinignan.

"Well she should be! Kanina pa sya, san ba kase sya nagpunta?"

I thought everything is settled.

"Tinangay sya ng body guard mong jowable! "Naghihisterikal na sabi ni niel. Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

"What do you mean na tinangay?!" sigaw ko.

It's not as if im jealous but Maven is not a type A asshole para manghila na lang basta basta ng babae.

"Ewan ko! Basta nadidinig ko ang pangalan ni Maven. she was like 'Maven! Dalian mo,nagagalit na si Ruth' " tapos umirap sya.

Hindi pa din ako makapaniwala.

Nakarobe lang ako.

Kinakabahan ako, the jerk will surely going to watch me dahil judge sya. Bakit ba Kase judge yung pesteng yon.

"I'm sorry I'm l-late" humahangos na sabi ni Camilla.

Kung kanina ay nakatalikod ako sa harap ng tent ngayon ay humarap na ako.

Nakaangat ang kilay ko at humalukipkip.

Nasa likod nya ang malaking Taong si Maven.

"We will talk later!" Mataray na sagot ko.

Pagkaraan ay tinitigan ang namumulang si Camilla.

"Whatever your reasons are. Just drop it." Sabi ko.

Kitang kita ko ang kaba Kay Camilla. Hanggang ngayong inaayos nya ang Lacey bikini na kulay pink.

Nakaheels ako na 7 inches at nakamake up. Smokey eyes at may koronang itim. At kapang black.

Hinatid lang ako nila sa back stage kurtina lang ang harang ay makikita na ako ng madaming kilalang tao at media.

Kasama ko ang kapwa modelo. Maayos na si Tanya. Si melody ay hindi nakasama.

Iba din Talaga ang lakas ng babaeng to, biruin mo nakasurvive pa. May sa demonyo Talaga

Red na red ang suot nya at aminado akong maganda nga sya ngayon at may Laban ang suot nya lalo na ang pakpak nyang angel.


Napailing ako, Wala akong ganon.

Tumugtog ang Girls like you ng maroon 5.

Ang mga kasamahan namin ay isa isang lumabas na wearing their bikinis.

"Goodluck, I will win this battle no matter what.."nginisihan nya ako at rumampa na.

Sa ngisi pa lang nya ay alam ko ng may Hindi sya magandang gagawin.

Ako na lang ang naiwan at praktisado ko na ang rampa ko na sasabay sa beat ng kanta.

Nang dumating na ang beat na ako na ang susunod ay nagulantang ako.

Pinalitan ang kanta!

Nagpanic ako at Hindi lumabas, na huli na ako sa kanta sigurado ako. Sumilip ako sa kurtina and everyone is whispering at nakakunot ang noo.

This cant be! Hindi ko alam paano ang Gagawin.

Just like that ng biglang dumating ang hinihingal na si Niel.

"Ruth!"

Naiiyak akong tumingin sa kanya.

"What happened Niel? Oh my God. I'm gonna lose! I-I c-cant.."tulirong sabi ko.

"No you won't. Wear this!"

Umiling ako.

"Hindi pwede! Naiiba na ako sa theme!"
Tumalim ang tingin nya.

"Ruthless abejar always wanted a show! Then give them the show they never expected. Wear this!"

"Ako ng bahala sa lahat!"

Mabilis kong sinuot ang inaabot nya at nang dumating sa chorus...

Laurenttius Series #1: Taste of Her VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon