Chapter 2 : Rude and Midget

388 14 0
                                    


"Vaklaaa ka! Bat ka nakasalampak dyan?" Napasimangot ako at tinuro ang likod ko nang hindi lumilingon. Sinundan naman ng tingin ng babaeng may red lipstick ang tinuro kong direksyon.

"Huh? Anong meron don?" Tanong nya ulit kaya Iritado akong tumayo at napadaing din sa muling pagbabalik ng sakit sa pang-upo ko.

"Ayo-- teka asan na yon?" Itinuro ko sakanya ang buong hallway nang wala na ang lalaking nakabanggaan ko kanina.

Muli kong binalingan ang katulong. Inirapan nya ko at umiling "Baliw! Tawag ka ni Manang Ofelia" sabay talikod nya ,napatitig na lang ako sa palayo nyang bulto ,habang pakendeng kendeng syang naglakad sa mahabang pasilyo.
Hindi na ako umihi at Sinundan ko na lang sya. naabutan namin sila Manang na nag kukumahog sa paghahanda at pagpupunas ng mga makikinang na kopita.

"Andyan na pala kayong dalawa ,halika hija dalhin mo itong miryenda sa taas,second floor at ika-apat na pinto. Kumatok ka at andon na si Señorito at mga kaibigan nya " nagulat ako sa sinabi ni Manang. Hindi ko pa nasasabing kamutikan na Kong maligaw tapos ito na naman tayo sa pasikot sikot na pasilyo ng mansyong ito!

"Truelaley Manang?Naku baka hagardo verzosa na ang fes ko sa pag aayos ng garden kanina ! Hindi man lang ako aware na nagarrive na ang mahal na hari, teka sino ba sa kanila?"

Nakikinig lang ako sa usapan nila habang hinihintay kong mayari si Ate Rosa sa paglalagay ng kung ano mang gatas sa salad ng mahal na hari daw.

"Si Tres,naku Jona ikaw talaga ang harot harot mong bata ka"umiiling na sambit ni Manang Ofelia "tiyak na pagod sila Tres kadarating lang din non ,pagkahatid ko kay Amanda ay sya namang pagdating nila."
Dugtong pa nya.

"Manang baka naman , ibalato nyo na sakin to ! Kiber na kiber ko si Tres" lito akong napatingin kay Jona dahil hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nya. Ano bang klaseng lenggwahe yon?

Sabay na umiling ang dalawang Manang
"Kumain na daw sila sa sasakyan drive thru chuchu kaya konti lang tong pinahanda nya hindi naman daw sila gutom. Sige na Amanda ikaw na ang magdala"utos sa akin ni Manang Rosa at inabot ang trey na puno ng pagkain.

Sinalo ko ito agad at natanawan ko din ang pag-ikot ng mga mata ni Jona.

"Vakla talaga hmp!"

Naglakad lang ako palabas ng kusina laking pasalamat ko lang na mula kusina ay tanaw ang mahabang hagdan ng Mansyon.

Kabado akong tumuntong sa bawat palapag,takot na baka malaglag ko ang isang trey na puno ng pagkain.

Pagod na agad ako nang mayari ko ang hagdan ,naglakad ako tungo sa direksyon na sinabi ni manang .

Hala! Ang problema pano naman ako kakatok sa ganitong sitwasyon? Dahil na nga ngalay na din ako ay sinipa sipa ko ang pinto nang katamtamang lakas lang.

Agad naman itong bumukas at isang lalaking may hikaw sa labi ang sumalubong sa akin naka simpleng itim T-shirt lang sya at may logo ng Nike at nakashort.

Nag-angat sya sa akin ng kilay pero may mapaglarong ngisi ang nababasa ko sa mata nya. Nakaramdam ako ng hiya at kaba kaya na payuko ako, marahil ito si Señorito.
Mukha syang isang modelo ng mga sikat na magazine para syang spanyol sa mga batik batik na brown sa ilalim ng mata nya at Ilong.

"S-señorito ito na po ang mir-ryenda nyo"
Nagkanda utal utal ako sa sobrang kabog ng dibdib ko pero tumawa lang sya! Para akong nahihipnotismo sa tawa nya, lalaking lalaki ang dating at tila isa syang anghel na masaya.

"What's your name?" Tanong nya sa baritonong boses at tuluyan nya nang binuksan ang pintuan ,sa magarbong kuwarto na may malaking kama ay mayroon pang tatlong lalaking nakaupo sa sofa at sahig habang hawak ang kani-kanilang gadgets.

"Damn you M.A! I'm going to punch you if we lose in this game" napatalon ako sa gulat ng sumigaw ang lalaking nakaupo sa sahig.
Halos lahat sila ay pinagpala ng kagwapuhan at kakisigan . tumawa lang ang dalawa sa badtrip na turan ng isa.

Kanina pa ko natitimang dahil sa mga gwapong nilalang na ito? Bwiset nagiging maharot na din yata ako?!

"Hey gorgeous, thanks for this"nagulat na lang ako nang may kumuha na ng tray sa kamay ko. Nginitian nya ko kaya ngumiti din ako.

"Ah señorito walang anuman po sige po maunana ko "paalam ko sakanya mukhang sobrang abala naman ang tatlo sa paglalaro.
Akamang aalis na ko ng pigilan nya ko.

"Wait. You did not answer my question earlier" ang bait naman ni Señorito grabe sya itong boss pero inaalam nya pa talaga ang pangalan ng mga empleyado nya.

"Ako po si Amand--"

"Her name is boneheaded" napatingin kaming lahat na Lima sa lalaking kalalabas lang ng C.R may towel sa ulo at jusporsanto naka short lang sya at walang damit . kitang kita ang tattoo nya sa leeg--teka! Ito yung antipatikong nakabunggo ko kanina.

Sinamaan ko sya ng tingin at nangugumigil na sasagot sana nang inunahan ako ni Señorito.

"That's a rude remark dude!"sagot nya tumango tango ako.

"Oo nga!"sabat ko sakin naman napatingin ang mga iba pang kaibigan ni Señorito habang napatigil sa pagpunas ng buhok si Rude. Tama !rude ang dapat ipangalan sa kanya. Dahil masama ang tabas ng dila nya.

"Jesus!"napahalakhak naman ang lalaki na nakaupo sa kanan.

Matalim akong tinitigan ng kaibigan ni Señorito.

"What did you just say?" Kunot noong tinignan ako ng mga abong mata nya,kamuntikan na naman akong mahipnotismo pero dahil sa sama ng ugali ng Rude na ito ay iwinaksi ko iyon sa aking isipan.

"What did you just nye nye "pangloloko ko sa magandang accent mya sa English. Lalong nagtawanan ang mga kaibigan ni Señorito kaya matalim silang tinignan ni Rude!

"Shut it idiots or I'll throw you out of my room"nagzip sign ang mga lalaking nakaupo habang ngingiti ngiti lang ang katabi ko. Ako naman ang binalingan nya.

"Now, boneheaded midget girl, who gave you the permission to mock your master?" Mariing pagkakatanong nya.

Tinawag ka nyang midget Amanda! Tinawag ka nyang midget!!!

"HINDI AKO MIDGET!" Sinigawan ko sya sa sobrang iritasyon mukhang nabigla silang lahat "hindi kita master FYI ang pagsisilbihan ko lang ay si Señorito ,hindi kasama sa kontrata ang pagsilbihan ang kaibigan ni Señorito ,hindi mo ko pinapasweldo"tinuro ko sya " wag mo Kong tawaging midget ! Nagpapageant ako FYI ulit sayo ,matangkad ka lang hindi ako maliit" humihingal ako sa pagsigaw sa kanya.

Habang takang taka silang nakatitig sa akin

"Whom do you think is your master?"
Tanong ni Señorito. "Ikaw"agarang pagsagot ko.

Napailing silang apat pwera sa lalaking nakatayo.

"Bakit?Mali ba?"tanong ko

"Cute girl, I'm not the boss here, I'm not your Señorito though I want too be but nah"

"So hindi ikaw, sino?"tumango lang sya bilang sagot. Tinuro ko ang tatlo sa sofa at sahig ngunit puro pag-iling lang ang naging sagot nila.

Dahan dahan akong nagangat sa abs ay sa mukha pala ni Rude. Isang malaking ngisi ang sinalubong nya saken.

"Look who messed with the wrong person?"

Napakagat ako sa aking pang ibabang labi

"Shet"napabuntong hininga ako nang malalim

"Shet talaga " sagot ng lalaki sa sahig.

Laurenttius Series #1: Taste of Her VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon