Chapter 3 {Confession}

42 10 4
                                    

Nicole's POV.

Ilang buwan na kami palaging magkasama ni Jake, pero araw araw nakakatanggap ako ng letters mula kay Queen. Hindi niya pa rin ako tinitigilan. Siguro oras na para sabihin ko kay Jake na kalimutan na namin ang isa't isa? Lagi nalang kasi siya napapahamak sa away namin nina Lauren.

Si dad nakausap ko na siya pero buo na talaga ang desisyon niya na pumunta kami sa Paris, dun na daw ako mag co-college kahit ayaw ko. Ayokong suwayin ang utos ni dad kasi nakakatakot siya pag galit siya.

Sa tuwing kasama ko si Jake laging bumibilis yung tibok ng puso ko. Abnormal na siguro tong puso ko. Sa mga naging crush ko naman normal lang naman tong puso ko pero pag dating talaga kay Jake iba. Gusto ko na siguro siya? Aishhh ano ba tong naiisip ko???

Nicole bawal ka pa mag boyfriend

Sabi ko sa sarili ko. Pero sigurado ako hindi naman ako gusto ni Jake para mag assume na magiging boyfriend ko siya. Ano ba naman tong pinag iisip ko!!! Puro boyfriend!!! Lagot ako nito kay daddy ihhh... Hay nako kalimutan ko na nga yang BOYFRIEND na yan sakit lang sa ulo.

Sa totoo lang ang bilis ata ng panahon??? 4 months ko ng kaibigan si Jake, 4 months niya na akong pinag tatanggol kina Lauren sa tuwing inaaway nila ako. Siguro oras na talaga na iwasan nanamin yung isa't isa? Ayoko kaseng may dumagdag na kaaway ko. Feeling ko talaga yang Queen na yan nandito lang sa school...

Biglang nag ring yung cp ko si dad tumatawag.

"Bakit po kayo napatawag dad?" Tanong ko habang naglalakad sa hallway ng school.

{I want to meet your friend} Seryosong sabi ni daddy.

Friend? Alam ni daddy na may kaibigan ako? Sabihin ko nalang na wala.

"Daddy alam niyo naman po na wala akong kaibigan dito sa school" Sabi ko.

{Wag kang mag sinungaling sakin Nicole, alam kong may kaibigan ka at si Jake iyon}

Muntik ko nang mabitawan yung mga dala kong libro. Paano nalaman ni dad na kaibigan ko si Jake? Siguro sinabi ni Lauren kay dad?

"Pa-paano niyo po nalaman dad?" Nauutal kong sabi.

{one of your classmates told me. So do not worry I'll just talk to him} Sabi ni dad at inend call na.

Buong klase hindi ako nakapag focus. Sabi ni dad wag daw akong mag alala pero nag aalala pa rin ako baka kasi anong sabihin ni daddy kay Jake. 'Di ko namalayan na uwian na pala kaya agad agad kong hinanap si Jake. Nakita ko si Jake sa gymnasium ng school at naglalaro ito ng basketball kasama ang mga kaibigan niya.

"Jake!" Tawag ko sakanya at agad itong lumingon sakin at ngumiti.

Feeling ko biglang nag slow motion yung buong paligid habang papalapit sakin si Jake. Pagkalapit ni Jake sakin bumalik sa normal at hindi na slowmotion.

"Why?" Tanong nito.

"Gusto ka maka usap ni daddy" Sabi ko.

Jake's POV.

"Gusto kang maka usap ni daddy" Sabi ni Nicole.

"Bakit daw?" Kinakabahan kong sabi.

"I dont know. Basta sumama ka nalang sakin, magpalit ka na puro pawis ka" Sabi niya sabay iwas ng tingin.

Ang ganda talaga ni Nicole, oo aaminin ko gusto ko siya. Pero 'di ko inaamin sakanya baka kase iwasan niya ako pag sinabi ko yun.

"Bilisan mo!" Naiiritang sabi ni Nicole kaya natawa nalang ako at pumunta na sa locker ko para mag palit.

"Tara na?" Yaya ko sakanya.

Habang nasa byahe kami tahimik lang kami. Ni-isa walang nag sasalita samin.  Nag salita agad ako para naman may mapag usapan kami.

"Jake"
-Nicole
"Nicole"
-Ako

"Sige ikaw muna" Sabi niya at tumingin sa bintana.

"Ikaw na" Sabi ko naman habang deretsong nakatingin sa labas.

"Sige. Ano kasi Jake this past few months may nagpapadala sakin ng letters, at ang code name niya Queen. Did you know her?" Tanong niya.

"Hah? Letters? About? At sinong Queen yon?" Sunod sunod kong tanong.

"Ang sabi niya sakin layuan na daw kita para tigilan niya na ako" Sabi niya, hindi naman na ako sumagot. "Ano pala yung sasabihin mo?" Tanong niya.

"Forget it" Sabi ko, sakto nandito na kami sa mansion nila kaya bumaba agad ako ng sasakyan at pinagbuksan ko siya.

Umakyat kami sa 2nd floor ng bahay nila at pupunta daw kami sa office ng dad niya. Pagkadating namin sa tapat ng office ng daddy niya bigla akong kinabahan. Nakita ko na kasi yung daddy niya 5 years ago nung nasa Paris pa kami. Kumatok agad si Nicole at narinig kong nagsalita yung dad niya.

"pasok" Sabi nung dad niya.

Pagkabukas ng pinto ni Nicole naabutan namin na nag ta-type sa laptop niya ang daddy ni Nicole.

"Dad siya po si Jake" Pag papakilala niya sakin.

"You may take a sit. Nicole go to your room" Sabi ng daddy niya at sumunod naman si Nicole.

Pagkalabas ni Nicole sa office ng daddy niya umupo ako sa magkabilang upuan katapat ng table ni tito Troy.

"Its been years nung huling kita ko sayo nung nasa Paris pa tayo" Sabi nito sabay tingin ng seryoso sakin.

"Ah oo nga po e" Sagot ko sabay yuko.

"You like my daughter?" Tanong niya.

Bigla akong kinabahan ng todo sa tanong ni tito Troy.

"Ano po kasi...."

Naghihintay ng sagot si tito Troy kaya napaiwas ako ng tingin.

"Oui. Je veux ta fille" (Yes. I want your daughter) Seryoso kong sabi at nabigla naman ang daddy niya.

"Kung gusto mo siya sabihin mo sakanya, pero hindi ko pa siya papayagan magkaroon ng boyfriend. Understood? You may go." Sabi nito at lumabas na si tito sa office niya kaya lumabas na din ako.

Pagkalabas ko ng mansion nila tinext ko si Nicole para makipagkita sa park dito lang din sa village nila.

Nag hintay ako ng 20 minutes pero wala pa rin siya. Siguro hindi siya pinayagan ng daddy niya? Grabe naman kasi si tito Troy sobrang strict kay Nicole, sa bagay nag iisang anak niya lang si Nicole. Wala pang limang minuto dumating na si Nicole kasama ang alaga nitong aso na chowchow.

"Sorry natagalan ako nakatulog kasi ako pagkapasok ko sa kwarto ko e," Sabi niya. "Bakit mo nga pala ako pinapunta dito? May sinabi ba sayo si dad na hindi mo ginusto?" Nag aalala niyang tanong.

"Wala, may sasabihin lang ako sayo. Sana hindi ka magalit at sana hindi mo ako iwasan sa sasabihin ko sayo." Seryoso kong sabi.

"Ano yung sasabihin mo?" Tanong niya.

Hinawakan ko yung isa niyang kamay at sinabi ko sakanya yung nararamdaman ko para sakanya.

"Je te veux Nicole." (I like you Nicole.)

Nabigla siya sa sinabi ko kaya tumakbo siya papalayo sakin.

"Nicole!" Tawag ko sakanya pero 'di niya ako liningon.

Itutuloy.....

Nerd into Princess Season OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon