Chapter 25 {Sorry Nicole}

26 5 0
                                    

Nicole's POV.

Kakalabas ko lang sa hospital, kala ko talaga patay na ako kasi all white yung background, yun pala nasa hospital lang pala ako.

"Wala bang masakit sayo Nicole?" Tanong ni mommy.

Nandito kami ngayon sa kotse at pupunta daw kami sa isang hotel kung nasaan si grandma at grandpa.

"Wala po mom" Sagot ko.

"Sabihin mo kung may masakit sayo ha? Dadalhin agad kita sa hospital" Sabi ni mommy.

"Opo" Matipid kong sagot.

Tumingin ako sa bintana at umuulan pa rin hanggang ngayon. May bagyo ba? Bakit hindi pa rin natigil yung pag ulan? Sa bagay May pa pala kaya maulan.

"Ma pag babalik po ba kayo sa Paris isasama niyo na ako?" Tanong ko kay mom.

"Oo nak, mga June 2 tayo aalis dito. Para pag June 5 dun ka mag bi-birthday" Naka ngiting sabi ni mom.

Oo nga pala malapit na birthday ko pero hindi ako excited.

"Mom pano po yung mansion? Hindi ko po pwedeng pabayaan yun kasi sakin yun ipinamana ni dad" Sabi ko at tumingin kay mommy.

"Well I have a plan" Naka ngising sabi ni mom.

Parang hindi maganda ang idea ni mommy.

"What is your plan mom?" Kinakabahan kong tanong.

"Dont worry Nicole, idedemanda lang naman natin sila pag hindi nila binigay sayo yung mansion" Sabi ni mom at yinakap ako. "Wala akong gagawing masama Nicole, pangako" Dagdag pa ni mom.

"Pangako mom ah? Kahit anong mangyari wag mong pagbabantaan yung buhay nila kasi pamilya ko pa rin sila mom" Sabi ko at ngumiti.

"Promise" Naka ngiting sabi ni mom.

*Hotel*

"Mom kinakabahan po ako" Sabi ko habang nakakapit sa braso ni mom. Nakasakay kami ngayon sa elevator para pumunta sa 16th floor dun daw kasi yung suit nila.

"Nicole wag kang kabahan, mabait naman si ma at pa" Sabi ni mommy.

Pagkadating namin sa 16th floor hindi ko pa rin maiwasan na kabahan kasi eto yung unang kita ko sakanila. Pagkadoorbell ni mommy may nagbukas kaagad isang katulong ata toh? Feeling ko nasa 30+ na siya. Pumasok agad kami sa suit at nakita ko ang dalawang matanda isang babae at lalake.

"Oh your back Alice! Where's my grand daughter?" Na eexcite na sabi nung matanda na maputi at color blue ang mata niya yung buhok niya naman ay naka pusod at color brown pa din ang kulay ng buhok niya.

"Ma, she's Nicole. Your grand daughter ma" Naka ngiting sabi ni mommy.

"Oh my god! Your Mary Rose?" Gulat na gulat na sabi ni grandma?

"Yes madam I'am" Naka ngiti kong sabi.

"Dont call me madam im your grandma" Sabi ni grandma at yinakap niya ako bigla kaya yinakap ko din siya pabalik.

Humiwalay ako sa pagkayakap at nakita ko naman ang isang matandang lalake na naka ngiti sakin. Siya siguro yung papa ni mommy? Kasi kamukha ni mommy e.

"My grand daughter!" Masayang sabi ni grandpa at yinakap din ako.

Sobrang saya ko kasi hindi ko toh naranasan kina grandma. Welcome na welcome ako dito.

"DAAAAAAAD!" Narinig naming sigaw ng isang babae.

Lumabas sa kwarto yung babae. Shocks ang ganda niya! Color blue din yung mata niya at color yellow yung buhok niya para siyang barbie! Ang puti niya pa.

Nerd into Princess Season OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon