Nicole's POV.
Ngayong araw na uuwi sina grandma sa Paris, sasama sana ako sa paghatid kina grandma pero sabi ni dad mas mabuti daw kung dito nalang daw ako sa mansion para daw makapag pahinga daw ako sa mga nangyari last week. Well tama naman si dad dapat magpahinga nalang ako.
Pero ang inaalala ko baka magtampo sakin si lola kasi hindi ko sila hinatid. Sa totoo lang hindi pa rin mawala sa isip ko yung babaeng nakita ko sa park. Sino ba siya? Simula non hindi na nagpakita sakin yung babae na yun. Makalabas nga lang muna ng kwarto.
Pagkalabas ko ng kwarto naabutan ko sina grandma sa salas nag uusap pa sila nina dad. Agad akong bumaba at yinakap si tita Celestina.
"Mamimiss kita tita" Sabi ko at ngumiti, pero sa totoo lang malungkot ako kase kaming dalawa nalang ni dad ang nandito sa mansion. Nagtaka nga ako kasi parang naghigpit si dad marami ng bodyguards sa bawat sulok ng mansion. Siguro nag aalala siya sakin baka kasi makuha daw ako ni mommy.
"Mamimiss din kita Nicole, promise ko sayo sa graduation mo babalik ako dito. Basta ikaw ang valedictorian. Pag ikaw ang valedictorian pupunta tayong Maldives" Sabi ni tita Celestina. "We have to go, bye Nicole" Dagdag pa ni tita at lumabas na sila sa mansion at sumakay sila sa van.
Parang may mali, may nararamdaman akong kakaiba bigla akong kinabahan nung umalis sila. May mangyayari bang masama? Aissshh wag mo isipin yan Nicole, walang mangyayaring masama okay? Babalik na sana ako sa kwarto ko pero parang may pumigil sakin. Habang wala sina dad pumunta ako sa isang secret room. Never pa akong nakakapasok dito, bawal daw kasi ako pumasok dito sabi ni dad.
Ano kayang tinatagong sikreto ni dad sakin?
Nasa 4th floor pa ng mansion ang secret room kaya pagkarating ko dun pagod na pagod ako at pinag papawisan ako kahit naka aircon ang buong mansion. Bubuksan ko sana yung secret room kaso nga lang naka lock kaya bumaba ulit ako sa 2nd floor kung nasan ang susi ng kwarto na yun. Pagkabalik ko sa 4th floor binuksan ko kaagad ang pinto at sumalubong sakin ang isang malaking picture frame ng babae na nakasuot ng korona at naka blue gown ito, sobrang bongga ng suot niya at totoong diamond ang suot niyang korona.
May nakasulat sa baba.
Princess Alice
Siyang siya yung nakita ko sa park, ibig sabihin nakita ko na yung totoo kong mommy. Biglang tumulo yung luha ko, naiyak siguro ako sa sobrang saya kasi di ko inaasahan na nakita ko na pala si mommy last week sa park. Linibot ko ang buong kwarto at nakita ko ang mga pictures nila ni dad at mom. Sobrang saya nila pala noon. Nasira lang yung relasyon nila ng malaman nila na buntis si mommy at ako yung pinag bubuntis niya.
May nakita akong isang sobre ay may pangalan na nakalagay.
Mary Rose Quintos
Sino si Mary Rose? may iba pa bang anak si dad maliban sakin? Binuksan ko yung sobre at may baby picture. Teka parang ako tong baby na toh ah? Hawig na hawig siya sa baby pictures ko. Posible ba na ako toh? Pero Marie Nicole yung pangalan ko.
"What are you doing here Nicole?" Boses yun ni dad. Lagot!
"D-dad?" Kinakabahan kong sabi at unti unting lumingon sakanya. "Napadaan lang po ako dito dad. " Sabi ko at yumuko.
"Diba sabi ko sayo wag kang papasok dito?!" Naiinis na sabi ni dad.
"Bakit po ba bawal akong pumasok dito dad? May tinatago po ba kayong sikreto sakin na bawal kong malaman?!" Sigaw ko. Hindi ko na mapigilan yung emosyon ko. Naiinis ako, naiiyak ako, natutuwa ako.
"Kailan mo pa akong natutunan sagutin ha?!" Naiinis na sabi ni dad at sinampal ako. "Tatay mo ako! Kaya wala kang karapatan na pagsalitaan mo ako ng ganyan" Dagdag pa ni dad.
BINABASA MO ANG
Nerd into Princess Season One
Teen FictionHi Im Marie Nicole Cervantes, oo nerd ako... Wala akong ibang ginawa kundi mag aral pero sa isang iglap biglang nagbago ang buhay ko, may nakilala akong isang lalaki na nagpabago sa buhay ako, hindi ko alam na part pala siya ng royal families. Aamin...