Nicole's POV.
Pagkababa ko dumiretso ako kina mom.
"Maiwan ko muna kayo" Sabi ni mom at ngumiti sakin. Nung wala na si mommy agad ko siyang tinignan.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"Andito ako para kamustahin ka" Naka ngiti niyang sabi.
"Okay lang ako, pwede ka ng umalis. Diba kinakamusta mo lang ako?" Sabi ko. Aalis na sana ako kaso nga lang pinigilan niya ako, hinawakan niya ang wrist ko. "What?!" Naiinis kong tanong.
"Sorry" Sabi niya. "Di ko na kasi mapigilan yung nararamdaman ko sayo kaya sinabi ko na sayo" Sabi pa niya at may tumulong luha sa mga mata niya.
"Umalis ka na" Wala sa mood kong sabi..
"Nicole, So---" Hindi ko na pinatapos yung sasabihin niya kase nagsalita na agad ako.
"Get out! Gusto mo tumawag pa ako ng securities para umalis ka dito?!" Naiinis kong sabi at pumunta nalang ako sa garden.
Nakita ko si mommy namimitas siya ng mga rosas. Umupo nalang ako sa bench at binuklat ko ang dala kong libro.
"Oh bakit ka nandito Nicole? Nasan na yung bisita mo?" Nagulat ako kase may nagsalita. Si mommy lang pala.
"Mom, umalis na po siya" Sabi ko habang nakatingin pa din sa librong binabasa ko.
"Sayang naman, pinag luto ko pa naman yung mga maids ng meryenda." Malungkot na sabi ni mommy.
Bigla kong naalala si grandma at dad. Siguro galit pa den si daddy saken. Bigla kong sinara yung librong binabasa ko.
"Mom naka usap niyo na po ba si daddy?" Tanong ko.
"Pumuntang Laguna ang daddy mo kasama si grandma mo" Sagot ni mommy. "Wag kang mag alala, Im sure bukas hindi na galit sayo si daddy mo" Sabi ni mommy at ngumiti kaya napangiti din ako.
Pinagmasdan ko yung garden. Malaki ang garden namin maraming nakatanim na bulaklak tulad ng Roses, Sampaguita at Daisy. Kaya nagpatanim si daddy ng mga bulaklak dito kasi mahilig si monmy sa mga flowers. May playground din dito sa garden. Hindi ko alam kung bakit nagpalagay pa dito si daddy ng playground, malaki naman na ako e. Siguro pag bumalik na kami sa Paris mami-miss ko tong garden na toh. Yung mansiom kasi namin sa Paris wala masyadong mga bulaklak dun.
"Mommy bakit kailangan pa po natin bumalik sa Paris? E masaya na tayo dito sa Pilipinas" Nalulungkot kong sabi.
"I dont know, bigla nalang kasi sinabi yun ng dad mo kaya wala akong magagawa tsaka hayaan na natin si daddy mo ang mag desisyon para satin" Sabi ni mommy. "Pero sa totoo lang masaya ako na babalik tayo sa Paris. Namimiss ko na kase yung mga pamangkin ko syempre pati si ma at pa" Dagdag pa ni mommy.
"Mom bakit pati po si lola at lolo galit din sakin? May nagawa po ba akong mali?" Naiiyak kong tanong.
Lahat kasi ng kamag anak ni mommy galit sakin kaya ayoko bumalik sa Paris.
"Dont say that Nicole mahal ka nila" Sabi ni mom at yinakap ako.
"Omg ang sweet niyo namang mag ina" Natatawang sabi ni tita Louisse.
Biglang napatayo si mom at sinampal si tita Louisse.
"What are you doing here?!" Naiinis na tanong ni mommy. "At paano ka nakapasok dito?!" Dagdag pa ni mommy.
"Andito ako para sabihin sayo at kay Nicole na, makikipag divorce na sayo si Troy" Sabi ni tita Louisse.
"Divorce?" Naiiyak kong tanong.
"Oo makikipag divorce na si Troy jan sa mommy mo" Ulit pa ni Tita Louisse at tumawa pa ito.
"Oh my god magiging step sister ko na si Nicole" Sabi ni Lauren, nasa likod siya ni tita Loiusse.
"Hindi totoo ang sinasabi mo! Mahal ako ni Troy!" Sabi ni mom at bumalik na sa loob nga mansion.
"Hindi mo ba kami titigilan tita Louisse?! Ano?! Masaya ka na?! Masaya ka na kasi makikipag divorce na si daddy kay mommy?!" Naiinis kong sabi.
"Oo masaya na ako, kase ako na ang magiging sunod na Mrs. Cervantes kaya ikaw igalan mo na ako" Sabi ni tita at umalis na sila ni Lauren.
Ano naman ang dahilan ni daddy? Bakit makikipag divorce siya kay mommy? Kailangan kong mapigilan si daddy sa balak niya. Hindi ko hahayaan na masira ang pamilya ko.
madaling araw na ng maka uwi sina daddy at grandma galing sa Laguna. Pumunta agad ako sa office ni dad. Im sure nandun pa si daddy.
Kumatok muna ako bago pumasok, baka kase magalit si dad pag pumasok ako ng walang katok katok sa office niya.
"Nicole bakit gising ka pa?" Tanong ni dad.
Lumuhod ako sa harap ni dad at umiyak. "Dad, wag niyo po ituloy yung pakikipag divorce kay mommy. Mahal ko po ang pamilya natin, kaya please lang dad wag niyo po itulo yung binabalak niyo" Sabi ko habang nakayuko.
"Buo na ang desisyon ko" Sabi ni dad at lumabas na ng office niya.
Tumayo na ako at sinundan ko si daddy. Pumasok na siya sa kwarto at linock iyon. Linapit ko sa pinto yung tenga ko para marinig ang pag uusapan nila ni mommy.
"Troy wag hiwalayan please, mahal ko kayo. Kayo ni Nicole, kayo lang ang nag papasaya sakin. Hindi ko kakayanin na mawala kayo sa buhay ko" Halata sa boses ni mommy na naiyak siya.
"Hindi na kita mahal Sheena! Kaya makikipag divorce na ako sayo! Ngayon ko lang narealize na mahal ko pa rin si Louisse!" Sabi ni daddy.
Mahal ni daddy si tita Louisse? May nakaraan ba silang dalawa? Bat hindi ko alam.
"Napilitan lang naman ako na mahalin ka dahil pinagkasundo tayo! Ginawa yon ni mom dahil sa kalokohan na nagawa ko noon! Alam mo naman yun diba? Alam mo naman na nagtanan kami ng prinsessa at nabuntis ko siya!" Sabi ni dad.
Nakipagtanan si dad sa isang prinsessa? At mabuntis yun ni dad? possible kaya na may kapatid ako?
"At ano?! Si Nicole ang pinagbubuntis ng prinsessa na yon?! Tsaka ano connect non na mahal mo pa rin si Louisse?!" Sabi naman ni mommy.
Anak ako ng prinsessa? Hindi ko tunay na mommy si mommy Sheena? Naguguluhan na ako! Impossible naman na nagkamali lang ako ng rinig na ako yung anak ng prinsessa.
"Pag nakipag divorce ka saken, sasabihin ko sa lahat na hindi ko anak si Nicole at anak siya ni prinsessa Alice!" Sabi ni mom.
Totoo nga! Anak ako ng isang prinsessa. Narinig ko ang footstep ni mommy, magtatago na sana ako kaso nga lang nakita ako ni mommy.
"A-anak? May narinig ka?" Gulat na tanong ni mommy.
"O-opo, Hindi ko naman po sinasadya na marinig yung usapan niyo ni dad" Sabi ko. "Mommy sabihin niyo mga po sakin yung totoo, anak po ba ang ng isang prinsessa? Totoo ba ang lahat ng sinabi mo kay daddy?" Tanong ko at tumingin ng diretso sa mata ni mommy.
"Ahh---" Hindi na natuloy ni mommy ang sasabihin niya kase biglang nag salita si daddy.
"Oo anak ka ng prinsessa" Seryosong sabi ni dad.
Anak ako ng prinsessa? Totoo nga hindi ako nagkamali sa mga narinig ko.
"Bakit hindi niyo agad sinabi saken yung totoo?!" Naiiyak kong sabi.
"Nicole natatakot lang kasi kami na baka pag nalaman mo hahanapin mo yung totoo mong nanay" Sabi ni mommy.
"Kaya pala! Kaya pala galit sakin lahat ng kamag anak mo mommy kase hindi nila ako kadugo!" Sabi ko at bumalik na sa kwarto ko.
Itutuloy....
BINABASA MO ANG
Nerd into Princess Season One
Genç KurguHi Im Marie Nicole Cervantes, oo nerd ako... Wala akong ibang ginawa kundi mag aral pero sa isang iglap biglang nagbago ang buhay ko, may nakilala akong isang lalaki na nagpabago sa buhay ako, hindi ko alam na part pala siya ng royal families. Aamin...