Chapter 2 {Queen?}

49 9 0
                                    

Nicole's POV.

"Ipapatawag ko ang mga magulang niyo ngayon din" Sabi nung principal.

"Pero po, wala na po akong magulang" Sabi ni Lauren.

"Your guardian?" Seryosong tanong nung principal kay Lauren.

"Im just joking, otw na dito si mommy" Sabi ni Lauren at tumingin sakin ng masama. Siguro kung nakakamatay lang ang masamang tingin siguro patay na ako.

"Where's your parents ms. Cervantes?" Tanong nung principal.

"Papunta na po dito si daddy" Sabi ko sabay yuko.

Shet mapapagalitan ako nito ni daddy kasi napa-office ako. Hay nako puro sermon nanaman ang maabutan ko pag uwi ko sa bahay. Dapat si mommy ang papapuntahin ko kaso nga lang sabi ni mommy papunta siya sa Batangas para sa meeting kaya si dad nalang ang pinapunta ko kahit labag sa kalooban ko.

Biglang dumating si dad kaya siya ang unang kinausap ni principal sunod naman yung mommy ni Lauren, si Tita Louisse. Bestfriend siya noon ni mommy pero isang araw nag away kami ni Lauren kaya nag away na din sila ni tita Louisse at mommy.

"Anak are you okay?" Nag aalalang tanong ni tita Louisse sabay tingin sakin ng masama. "Hoy ikaw! Hanggang ngayon ba hindi mo titigilan ang anak ko?" Naiinis niyang tanong.

"Diba dapat ako ang magtanong kung kelan mo ititigil ang pang gugulo samin?" Palaban kong sagot.

"Aba bastos kang bata ka!" Sasampalin na sana ako ni tita Louisse pero pinigilan agad siya ni dad.

"Subukan mong saktan ang anak ko, ako ang makakalaban mo" Seryosong sabi ni dad.

"Sabihin mo sa anak mo na yan na matutong gumalang!" Sabi ni tita Louisse at umalis na kasama si Lauren.

"Go to your room now" Seryosong sabi ni dad.

"Dad I just want to say sorry" Sabi ko at yumuko ako.

"Sa susunod wag mong kalabanin si Lauren" Nagulat ako sa sinabi ni dad. Wag ko daw kalabanin si Lauren? Bakit? Bakit natatakot si dad sa family Olivia? E mas mayaman kami sakanila.

"Why dad?" Nagtataka kong tanong.

"Wag ka ng magtanong, mas lalo kang maguguluhan" Sabi ni dad at lumabas na sa principal office.

Hindi ko maintindihan si dad. Bat ganun siya magsalita? Parang natatakot siya. Siguro may kasalanan si dad sa pamilya ni Lauren. Sana wala, oo mahirap kalabanin ang pamilya Olivia kasi ang daddy nito ay isang mayor.

Lunch na kaya pumunta ako sa cafetiria para bumili ng pagkain. Pagkaupo ko sakto namang dumating si Jake at may dala pa itong Lasagna.

"Wow Lasagna, favorite ko toh ihh" Sabi ko habang naka ngiti.

"Sabi ko na nga ba favorite mo toh e. mahilig ka siguro sa italian foods?" Sabi niya sabay kain ng Lasagna.

"Taga Paris kasi yung mom ko kaya dun ako lumaki tsaka mahilig talaga ako sa Italian foods" Sabi ko.

"Parehas pala tayo, pero ako pure Italian" Sabi niya.

"OMG?! Talaga? Pero ang galing mong mag tagalog!" Sabi ko habang manghang mangha sakanya.

"Yung yaya ko kasi noon Pilipina kaya tinuruan niya ako mag salita ng tagalog" Sabi niya sabay subo ng Lasagna. "Yung kanina pala nabalitaan ko, na office ka daw?" Nag aalala niyang tanong.

"Sinampal kasi ako ni Lauren kaya sinampal ko din siya, 'di ko nga alam kung bakit ko yun nagawa sakanya, e noon naman 'di ako nalaban. Siguro hindi ko lang matiis yung mga pinag sasabi nila sakin" Sabi ki at tumulo nanaman ang mga luha ko.

"Si Lauren?" Gulat niyang tanong.

"Oo. Bakit? Kilala mo ba siya?" Tanong ko.

"Ang totoo kasi niyan ex-girlfriend ko siya" Nahihiyang sabi ni Jake.

"Ah kaya pala kung ano ano ang pinag sasabi niya sakin. May nakakita kasi sa kaibigan ni Lauren na magkasama tayo kanina" Sabi ko.

"Anong sinabi nila sayo?" Nag aalala niyang tanong.

"Sinabihan kasi nila akong malandi" Sabi ko at umiyak na. "Sa totoo lang yun yung pinaka masakit na narinig ko kaya 'di ko napigilan yung sarili ko na lumaban" Dagdag ko pa.

"Lauren look nag papa-pansin si Nicole sa EX-BOYFRIEND mo" Sabi ni Anne. Tinigasan niya talag yung pagkasabi ng ex boyfriend.

"Dont mind them, ako na ang bahala sa kanila" Sabi ni Jake at tumayo, pumunta siya sa pwesto nina Lauren. Sa totoo lang gusto kong pigilan si Jake pero hindi ko magawa.

"Oh hi baby did you miss me?" Sabi ni Lauren sabay hawak sa braso ni Jake.

"Wag mo nga akong tawaging baby! Hindi na kita girlfriend!" Sabi ni Jake sabay alis ng kamay ni Lauren sa braso ni Jake.

"Ahh nabalitaan mo na pala yung nangyari kanina kaya ka nandito" Sabi ni Lauren at bumalik na sa inuupuan niya.

"Wag na wag niyong saktan si Nicole" Seryosong sabi ni Jake.

"Nakaka-kilig ka naman pinag tatanggol mo ang isang nerd na tulad niya, alam mo kung ako sayo hindi ko na ipagtatanggol ang nerd na yan kasi magiging malas lang ang buhay mo" Sabi ni Chelsea sabay tawa.

tumayo agad ako at hinila papalayo si Jake sakanila.

"Jake hindi mo toh kailangang gawin para sakin. Hayaan mo nalang ako kaya ko naman toh, kaya ko na ang sarili ko. Thank you nalang sa pag tanggol mo sakin." Sabi ko at umalis na. Dumiretso na ako sa next class at umupo ulit ako sa pinaka dulo. Bigla kong nakita sa Jake papalapit sakin.

"Oh dito ka rin pala" Sabi niya sabay ngiti.

"Diba sa section 2 ka?" Nagtataka kong tanong.

"Actually pinapalit ko yung schedule ko para makasama kita sa section niyo" Sabi niya.

"friends pa lang naman tayo e, hindi bestfriend" Natatawa kong sabi.

"Ano naman? diba yung friends nauuwi sa bestfriends?" Sabi niya kaya napangiti naman ako.

"Sweet naman haha... Swerte siguro ng ex mo kasi sobrang sweet mo" Sabi ko habang natatawa.

"Pero yung ex ko na yun ay masama ang ugali, kasi naman pati yung bunso kong kapatid nag seselos siya kaya nakipag break sakanya" Sabi ni Jake.

Pagkatapos ng klase dumiretso agad ako sa locker ko para bawasan ang mga bitbit kong libro. May nakita naman akong papel kaya binuksan ko iyon.

Jake is only mine, paglumapit ka ulit sakanya ipapahiya kita sa harap ng maraming tao at papahirapan kita papahirapan ko ang pamilya mo.
  ~Queen

Sino si Queen? Impossible naman na si Lauren toh. Parang bigla akong kinabahan feeling ko nasa section 1 or 2 lang toh. Paglingon ko sa kanan ko bigla kong nakita si Jake kaya linukot ko agad ang papel at tinapos sa trash can.

"Oh parang nakakita ka ng multo?" Nagtataka niyang tanong. "Okay ka lang ba?" Tanong ulit niya.

Hihipuin niya na sana ang noo ko pero bigla akong humakbang patalikod, kaya nagtaka naman siya. "O-okay lang ako" Sabi ko at umalis na.

Sino si Queen? Kailangan kong malaman kung sino si Queen para mapigilan ko yung binabalak niya. Ayokong masira yung pamilya ko.

Itutuloy....

Nerd into Princess Season OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon