Chapter 10 {Goodbye}

39 7 0
                                    

Nicole's POV.

Susyal talaga toh si daddy kala ko naman simpleng surprise lang yon pala bongga.  Andito yung mga close friend ni daddy at tita Louisse tapos yung mga bussines partner ni dad andito ren. Lah bat nandito din si Lauren?

Nagsabwatan siguro sila ni dad para sa surprise na toh. May malaki pang tarpaulin na may nakasulat pa at may picture pa ni tita Louisse.

Happy 45th Birthday Ms. Louisse Gomez

Wow naman andito din yung buong section 1 and 2 pati yung advisers. Ano toh fieldtrip? Ang alam ko kasi surprise party toh. Biglang lumapit sakin si Lauren at yinakap ako pero hindi ko siya yinakap pabalik. Anong nakain neto at yinakap ako ng bruhang toh?

"Yakapin mo rin ako pabalik para masabi nila na hindi magkaaway ang magkapatid" Bulong niya sakin.

"Ano ako uto uto yayakapin ka?" Natatawa kong sabi at tinulak ko siya ng mahina para walang makapansin.

"Alam ko naman na alam mo na yung totoo na magkapatid tayo, ay oo nga pala half sister magkaiba pala ang nanay natin" Sabi niya at ngumiti. "Yung nanay mong malandi, sa totoo lang hindi ko pa nakikita ang nanay mo pero alam kong malandi siya kasi nagpabuntis siya sa dad ko, dapat ako lang ang anak ni daddy! Sana wala ka dito ngayon!" Naiinis niyang sabi.

Sa sobrang inis ko muntik ko na siyang sampalin pero pinigilan ko kasi maraming tao. Tumingin muna ako sa paligid bago lumapit sakanya.

"Wag na wag mong idadamay dito yung mommy ko" Bulong ko sakanya at umalis na.

Siguro mabibigla nalang si Lauren pag nalaman niya na isang prinsessa ang nanay ko. Pumunta ako sa garden para magpahangin may nakita akong isang lalaki pero nung pinikit ko saglit yung mata ko nawala siya. Namamalik mata lang siguro ako? Bigla kasi siyang nawala.

Nung umupo ako sa bench may nakita akong isang rose. Kanino naman kaya toh galing? Ayoko naman na mag assume na saakin toh ibibigay e. May napansin akong papel dun kasi nakapatong yung rose kaya malakas ang kutob ko na may nakasulat dito.

Get ready your self Nicole :) Nasa paligid  mo lang ako Nicole.
     -Queen

Ano ba nanaman ang kailangan netong Queen na toh? Ano bang kasalanan ko sakanya? Hindi na nga kami nag uusap ni Jake.

"May tao ba jan?!" Sigaw ko.

"Hi Nicole" Nagulat ako sa nagsalitang babae sa likod ko kaya napalingon ako sa likod ko.

"Si-sino ka?" Natatakot kong tanong.

"Im Queen" Sabi niya at ngumiti.

May dala siyang kutsilyo, sigurado ako papatayin niya ako. Ayoko pang mamatay!

"Queen tigilan mo na ako, please lang! Hindi na kami nag uusap ni Jake" Pag mamakaawa ko.

"Hindi naman talaga ayun yung dahilan e, sinabi ko lang naman yun sayo para layuan mo ang lalaking yon. Linigtas lang kita sa panganib, isang panganib ang dala ng lalakeng yun" Seryoso niyang sabi.

"Paano mo naman na sabi na isang panganib si Jake? Ang bait bait niya nga sakin" Sabi ko.

"Marami kang hindi alam Nicole," Sabi niya at hinawakan niya ang kamay ko.

Teka lang, parang pamilyar sakin yung boses niya, Nakatakip kasi yung mukha niya ng black kaya d ko makita yung mukha niya tsaka naka all black pa siya.

"Megan? A-akala ko umuwi ka na sa Paris?" Gulat kong tanong.

"Nicole, nasa panganib yung buhay mo kaya kailangan mong malaman ang lahat para maligtas yung sarili mo," Sabi niya at hinubad niya yung mask na suot niya. Biglang tumulo yung luha niya.

Nerd into Princess Season OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon