Nicole's POV.
Sunday na at ngayong araw ang flight namin papuntang Paris, pero mamayang gabi pa kaya eto pupunta muna ako sa puntod ni dad para magpaalam. Miss na miss ko na talaga si dad.
"Ms. Mary Rose the car is ready" Sabi nung katulong nina grandma.
"Don't call me Mary Rose, Nicole is my real name" Sabi ko at kinuha ko na yung sling bag ko at sinabit ito sa braso ko.
Pagkalabas ko ng hotel nandun din si tita Zeinab, siya yung sasama sakin. Wala kasi si mommy. Pagkasakay ko sa sasakyan nakaramdam ako ng hiya, hindi ko kasi masyadong kinakausap si tita Zeinab ganun din siya kaya buong byahe tahimik kami.
Pagkadating namin sa sementeryo bumaba na ako ng sasakyan at bumaba din si tita Zeinab.
"Tita Zeinab, ako nalang po yung pupunta sa puntod ni dad hintayin niyo na lang po ako dito" Naka ngiti kong sabi.
"Okay, before lunch uuwi na tayo" Sabi ni tita Zeinab at sumakay na ulit sa sasakyan.
Habang naglalakad ako may nakita akong babaeng naka itim kaya hinayaan ko muna siya.
"Dad, sorry po" Naiyak na sabi ni Lauren.
Oo si Lauren yung babaeng naka upo sa tapat ng puntod ni dad.
"Sorry po kasi iniwasan ko si Nicole, yun po kasi yung gusto ni mom iwasan ko po siya kahit masakit para sakin" Sabi ni Lauren at umiyak na ito ng tuluyan.
Nagu-guilty ako kasi galit na galit ako kay Lauren, makipag bati na kaya ako sakanya? Nakaka awa kasi siya. Tama, oras na para makipag bati sakanya at kailangan kong sabihin sa kanya na sa Paris na ako titira at ipapaubaya ko nalang sakanya yung Mansion.
"Lauren" Tawag ko sakanya kaya napalingon siya saakin at tumayo.
"Ni-nicole, una na ako sayo" Sabi niya at naglakad na papalayo.
"Lets talk Lauren" Sabi ko kaya napatigil siya sa paglalakad.
"Ano ba yung pag uusapan natin?" Tanong ni Lauren.
"Lauren, ipapaubaya ko na sayo yung Mansion" Sabi ko.
"Ha? Pero saan ka na uuwi?" Naguguluhang tanong ni Lauren.
"Sasama na ako kay mom sa Paris" Sabi ko at ngumiti. "Tsaka bago ako umalis gusto kong mag sorry sa mga pinag sasabi ko sayo kagabi" Sabi ko at hinawakan ko yung kamay niya. "Alan ko naman na may reason ka kung bakit mo nagawa yun sakin" Dagdag ko pa napa ngiti naman si Lauren.
"Sorry talaga Nicole" Sabi niya at may tumulong luha sa mga mata niya. "Ikaw na yung pinaka the best sister in the world para sakin Nicole, kahit angdami kong nagawang katarantaduhan sayo pinapatawad mo pa rin ako" Sabi ni Lauren kaya yinakap ko siya at yinakap niya rin ako.
Pagkatapos naming mag usap ni Lauren nag usap muna kami sa puntod ni dad, syempre okay na kami. Yinaya niya akong mag lunch pero tumanggi ako kasi may pupuntahan pa kami ni tita Zeinab, sabi pa nga sakin ni Lauren wag ko daw siyang kalimutan pag naging prinsessa ako.
Quarter to 12 na nung maka umuwi kami galing sementeryo. Nalaman ko na sa Korea na mag aaral si Lauren with her 2 little half brother. Si tita Louisse daw nakipag balikan sa stepdad niya kaya masaya nanaman si tita Louisse. Yung stepdad ni Lauren ay yung tatay nung dalawa niyang kapatid. Papunta kami ngayon ni tita Zeinab sa isang Mall nandun daw kasi sina momm, grandma at grandpa. Mag fa-family lunch daw kami, eto tahimik nanaman kami ni tita Zeinab hindi pa kami talaga masyadong close kasi kakakilala lang namin kahapon.
Siguro pag naging close ko toh si tita Zeinab ang kulit niya.
"Tita Zeinab?" Tawag ko sakanya.
"Yes?" Tanong ni tita habang may katext sa cellphone niya.
Susyal naman nito ni tita naka Iphone X'S Max samantalang sakin Iphone X lang.
"Prinsessa po ba kayo tita Zeinab?" Tanong ko.
"Actually hindi ako prinsessa, kasi gusto ko ng buhay na normal" Sabi ni tita Zeinab.
"Sayang naman po yung chance tita, marami pa naman pong gustong maging prinsessa" Sabi ko.
"Nicole mahirap maging prinsessa lalo na pag naging reyna ka, sa oras na magkaroon ng digmaan sayo aasa ang mga taong mapapahamak at pwede kang patayin ng mga rebelde lalo na't nabalitaan ko na gusto tayong sakupin ng bansang Germany" Seryosong sabi ni tita Zeinab. "Kaya kung ako sayo wag ka na mag prinsessa sakit lang sa ulo yan" Dagdag pa ni tita.
"Kaya ba wala si mom kasi inaasikaso niya yung tungkol dun?" Nagtataka kong tanong.
"Oo" Matipid na sabi ni tita Zeinab.
Bakit naman gustong sakupin ng Germany ang Paris? Sigurado ako nahihirapan na si mommy kaya kailangan ko siyang tulungan, kailangan kong mag isip ng paraan kung pano ko mapipigilan ang masamang balak nung hari sa Germany.
Pagkadating namin sa Mall hinanap ma namin yung samyupsal korean foods. Nung nahanap na namin pumasok agad kami dun at naabutan namin sina mom nag nag uusap-usap mukhang seryoso yung pinag uusapan nila.
"Sorry we're late" Sabi ni tita Zeinab at umupo ito sa tabi ni grandma ako naman umupo sa tabi ni mom. "Mukhang seryoso ang pinag uusapan niyo ah" Sabi ni tita Zeinab.
"May kondisyon ang hari ng Germany para hindu tayo sakupin" Mahina na sabi ni mom, mahirap na baka may makarinig samin.
"What is it ate?" Nagtatakang tanong ni tita Zeinab.
"Gusto nilang ipakasal ang anak ng hari kay Nicole" Seryosong sabi ni mom kaya nagulat naman ako.
"A-ayoko ma! Wala pa ako sa legal age para magpakasal!" Sabi ko at napaiyak na.
"Nicole, gagawa tayo ng paraan para hindi nila ituloy ang plano nila" Sabi ni mom at hinawakan ang kamay ko.
"After natin kumain didiretso na tayo sa Airport pinaimpake ko na lahat ng gamit natin at dadalhin nalang nila iyon sa airport" Seryosong sabi ni grandma. "Kailangan nating kumilos at kailangan na nating maka usap ang hari ng Germany na si King Fredrico" Dagdag pa ni grandma.
Pagkatapos naming kumain dumiretso na kami sa airport. Nagulat ako kasi dirediretso lang kami sa pagpasok hindi na kami nag check in, siguro may private plane toh sina grandma.
Woooh sabi na nga ba may private plane toh sina grandma, iba talaga pag kabilang ka sa Royal Families. Pagkasakay namin sa private plane pumwesto agad ako sa bintana.
Kailan kaya ako makakabalik dito sa Pilipinas?
Pagkadating ko sa Paris ibang buhay na ang kakaharapin ko.
Po-protektahan ko ang Paris kahit isa lang akong Prinsessa gagawa ako ng paraan para hindi na matuloy yung plano ni king Fredrico.
New Life,
New DestinyTadhana na ang bahala sakin.
Kung ano man ang mangyari tatanggapin ko.
Pero isa lang ang hindi ko hahayaan,
Ang mapasakamay ng mga rebelde ang Paris.
Itutuloy......
A/N:
Sorry kung maikli lang update ko✌peaceeeee tayo!!!! Bawi nalang ako sa next ud, wala na kasi akong maisip e hahaha. Tsaka abang abang na kayo sa next chapter papaduguin ko yang ilong niyoooo HAHAHA! Yung translation pala is tagalog, example:
Je 't aime (mahal kita)
Ganyan pag english kasi manonose bleed pa rin kayo tsaka ako hahaha.....
BINABASA MO ANG
Nerd into Princess Season One
Novela JuvenilHi Im Marie Nicole Cervantes, oo nerd ako... Wala akong ibang ginawa kundi mag aral pero sa isang iglap biglang nagbago ang buhay ko, may nakilala akong isang lalaki na nagpabago sa buhay ako, hindi ko alam na part pala siya ng royal families. Aamin...