MARY ROSE POV.
It's been 2 months since nangyari ang mga kaguluhan sa Thailand, hanggang ngayong sariwa pa rin sa isip ko ang mga paghihirap ni Angelica. Nalaman niya na buhay pa si Sachzna at gusto niya itong kunin sakin pero hindi ako pumayag. Sabi ni mom kokoronahan na daw ako bilang prinsessa next mont kaya eto busy ang lahat ng tao dito sa palasyo at marami na din ang nag iikot sa buong palasyo.
Medyo close na kami ni king Jayzam at nalaman ko ang mga plano nito kina grandma. Sinabi ni king Jayzam lahat ng plano niya sa family Cervantes, I have a mission, kakalabanin ko ang totoo kong tatay na si king Jayzam patago at babantayan ko ang family Cervantes dahil nasa panganib ang buhay nila.
Yung about naman samin ni Bryan, hanggang ngayon hindi pa rin kami nagkaka-usap, kinuha ni mom yung gadgets ko kaya hindi ko siya ma-contact. 2 months na din kaming hindi nagkikita, tumigil na din ako sa pag aaral ang sabi kasi ni mommy hindi ko naman daw yun magagamit pag naging prinsesa na ako, masakit kasi hindi ko na matutupad yung pangako ko kay daddy na magtatapos ako ng pag aaral at magiging isang ganappsychologist ako pero sobrang labo na mangyari yon.
"Ms. Mary Rose tawag po kayo ni Ms. Zeinab" Sabi nung Pilipino naming katulong.
"Okay" Wala sa mood kong sabi.
Lumabas na ako sa kwarto ko at pinuntahan si tita Zeinab sa kwarto niya.
"Whyy?" Tinatamad kong tanong at umupo sa kama niya.
"We have a problem" Kinakabahang sabi ni tita Zeinab kaya kumunot naman ang noo ko at nagtatakang tumingin sakanya. "The Daugherty Family, alam na nila ang tungkol kay Sachzna kaya balak nilang kunin satin ang sanggol."
Agad naman akong nainis sa sinabi ni tita Zeinab, sino naman ang walang hiya na nag sabi sa mga Daugherty na nasaamin ang anak ni Mr. and Mrs. Daugherty?! Damn it.
"Anong gagawin natin Mary Rose?" Kinakabahang sabi ni tita Zeinab.
Kung dadalhin ko sa North Korea si Sachzna, mas safe siya dun dahil hindi basta basta nakaka punta dun ang mga taga ibang bansa.
"I'll bring her in North Korea." Seryoso kong sabi.
"What?! Delikado sa North Korea Mary Rose!" Biglang sigaw ni tita Zeinab.
"But tita, eto nalang yung paraan natin para ilayo sakanila si Sachzna!" Inis kong sabi.
"Hindi ako sang ayon sa plano mo Mary Rose, ibalik mo nalang si Sachzna sa mga Daugherty." Seryosong sabi ni tita Zeinab.
"Are you crazy tita Zeinab? Don't tell me naaawa ka sa mga yon? E sila nga ang dahilan kung bakit namatay si dad!" Sigaw ko, agad naman na pumasok sa kwarto sina mommy.
"Mary Rose, si Angelica lang ang may kasalanan! Hindi ang mga Daugherty!" Sigaw ni Tita Zeinab.
"You don't understand me Tita Zeinab! Palibhasa wala kang pake sa mga naka paligid sayo!" Inis kong sabi at sinampal naman ako ng malakas ni tita Zeinab.
"Hindi ikaw yung Mary Rose na nakilala ko." Seryosong sabi ni tita Zeinab. "Masyado kang binulag ng galit mo." Dagdag pa nito at lumabas na sa kwarto niya.
Naiyak naman ako sa sinabi ni tita Zeinab, talaga bang nagbago na ako? Masyado nga akong nabulag ng galit ko.
"Mary Rose," Narinig kong tawag sakin ni mommy.
"Im sorry mom, Im sorry" Umiiyak kong sabi at yumakap kay mom, paulit ulit kong sinasabi ang salitang "sorry".
"It's not your fault Mary Rose, ang mga Daugherty ang may kasalanan kung bakit ka nagkakaganto, pero Mary Rose itigil mo na yang masama mong plano pati ang mga Cervantes mapapahamak." Sabi ni mom at yinakap din ako pabalik.

BINABASA MO ANG
Nerd into Princess Season One
Teen FictionHi Im Marie Nicole Cervantes, oo nerd ako... Wala akong ibang ginawa kundi mag aral pero sa isang iglap biglang nagbago ang buhay ko, may nakilala akong isang lalaki na nagpabago sa buhay ako, hindi ko alam na part pala siya ng royal families. Aamin...