Chapter 12 {Ex-Bestfriend}

38 9 0
                                    

Nicole's POV.

Isang linggo na nang mailibing si Megan, si tita Trinity at tito Alfred sinisisi ako sa pagkamatay ni Megan. Syempre masakit para sakin, kaya ayun nag away si dad at tito Alfred. Sobrang nasasaktan ako kase nang dahil sakin namatay si Megan, nang dahil sakin nag away si dad at tito Alfred. Kaya eto ako ngayon hindi nalabas ng kwarto.

Tsaka natrauma pa ako sa mga nangyari. Mamimiss ko ng sobra si Megan kahit lagi niya akong inaaway.

"Ms. Nicole, may bisita po kayo" Sabi nung maid.

"Sino daw siya?" Tanong ko.

"John po yung pangalan niya" Sagot naman nung maid.

Huh? John? Sino kaya yun? Makababa na nga lang baka kilala ko siya pero nakalimutan ko siya. Pagkababa ko naka upo siya sa sofa at umiinom ito ng juice.

"What's bring you here?" Tanong ko.

"Nandito po ako para may ibigay ako sainyo" Sabi niya at may binigay na sulat.

"What is this?" Tanong ko pa sakanya.

"Papel po miss" Natatawa niyang sabi.

Ughh pilosopo kang lalake ka!

"Im serious" Sabi ko sakanya at tinignan ko siya. "Hindi ako tanga at alam kong papel toh" Dagdag ko pa.

"Ahmm letter po yan miss" Natatakot niyang sabi. "Si-sige po aalis na po ako" Sabi pa niya at tumakbo na papalabas ng mansion.

Duwag pala yung lalakeng yon. Kala niya di ko siya susungitan. Babalik na sana ako sa kwarto ko kaso nga lang nakita ko si tita Trinity na naiyak.

"Nicole," Nanghihina niyang sabi at lumuhod ito sa harap ko. "Parang awa mo na wag niyong ituloy yung kaso kay Alfred, siya nalang ang pamilya ko at wala na si Megan. Nicole alam kong kaya mong iurong yung kaso kausapin mo si Troy, magkapatid sila" Sabi ni tita Trinity at umiyak ito.

May narinig akong footstep pababa ng hagdan kaya lumingon ako sa left side ko. Si dad.

"What are you doing here Trinity?" Seryosong tanong ni dad.

"Troy, kapatid mo si Alfred iurong mo na yung kaso please, Hindi namin kakayanin ni Karl na mawala pa samin si Alfred" Sabi ni tita Trinity.

"I dont care! Umalis ka na sa bahay ko! At wag ka ng babalik dito! Kahit anong gawin mo hindi ko iuurong ang kaso kay Alfred! Muntik niya ng patayin si Nicole kaya nararapat lang kay Alfred na makulong siya!" Naiinis na sabi ni dad at hinawakan niya ng mahigpit ang braso ni tita Trinity.

"Dad itigil niyo na po yan, hayaan niyo nalang po na umalis si tita Trinity" Sabi ko at hinawakan ang braso ni dad.

"Wag kang mangialam dito si Nicole, go to your room!" Sabi ni dad.

Nang dahil sa takot umakyat agad ako at pumasok sa kwarto ko. Grabe yung aura ni dad, nakakatakot siya. Ayy oo nga pala kailangan kong tignan yung letter. Pagkabukas ko ng sobre nakita ko ang mahabang letter, galing kay mommy Alice.

Dear Nicole/Mary Rose

Hi anak! I miss you, sana magkita ulit tayo. Alam mo ba magiging reyna na ako next week kaya uuwi na muna ako sa Paris, sana nandun ka sa coronation, pero impossible na mangyari yun kasi sobrang higpit ni Troy sayo. Nicole, sorry kasi hindi ako yung nagpalaki sayo. Pero nagpapasalamat ako sa stepmother mo na si Sheena kasi inalagaan ka niya at pinalaki ka ng maayos. Sorry nak kung hindi ako nagpakilala sayo nung nagkita tayo sa park, alam mo ba ang dami kong ikwento sayo, kung paano kami nagkakilala ng daddy mo. Sana maintindihan mo ang lahat, tsaka wag kang magtanim ng sama ng loob sa daddy mo kasi mahal na mahal ka niyan. Saksi ako sa mga pinag hirapan niya makuha ka lang samin ganun ka kamahal ng daddy mo. Sorry pala kung ipinagdadamot kita sa daddy mo nung baby ka pa, alam mo naman na hindi kakayanin ng isang ina na mawalan ng anak. Alam mo ba anak nung nawala ka sobrang na depressed ako, hindi ko alam kung ano yung gagawin ko sa buhay ko. Pero may isang lalaking dumating sa buhay ko si Prince Johan Dela Rosa, prinsipe siya sa Italy, sobrang saya ko nung nakilala ko siya kasi siya yung lalaking nagpasaya at yung lalaking laging nakikinig sa problema ko. Pero si Troy pa din ang laman ng puso ko hanggang ngayon, sana nga isa nalang siya sa mga naging prinsipe para malaya kaming magmahalan sa isa't isa. Anak pag nabawi kita kay Troy gagawin kitang prinsessa at bago ako mamatay ipapamana ko sayo ang trono, tandaan mo yan nak ah? Kinakabahan nga ako kasi baka hindi ka sumama sakin kasi hindi mo pa ako masyadong nakakausap, wag kang mag alaala andito lang ako para sayo, I love you anak ko!

Nerd into Princess Season OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon