Troy's POV.
Hindi mawala sa isip ko si Alice. Totoo ba yung sinabi ni mom? Hinahanap ni Alice si Nicole? Hindi sila pwedeng magkita. Hinding hindi ako papayag na maagaw niya sakin si Nicole. Hindi pwedeng malaman ni Nicole ang totoong nangyari.
Flashback
20 years ago...
April 23, eto ang araw kung kailan ko nakita si Princess Alice... Nagkagusto ako sakanya.Simula non lagi ko siya tinatanaw sa bintana ng kwarto niya para makita siya. Tumingin siya sa direksyon ko pero nagtago agad ako pero huli na nakita niya ako.
"Qui es-tu?" (Who are you?) Sigaw niya.
"Mon nom est Troy Cervantes" (My name is Troy Cervantes) Sagot ko.
Sinara niya na yung bintana ng kwarto niya. Aalis na sana ako pero may humawak sa balikat ko.
"Où allez-vous?" (Where are you going?) Seryoso niyang tanong. "Je ne vous ai pas laissé partir. reste ici" (I have not let you go. stay here) Dagdag pa niya.
"De quoi parlons-nous de la princesse Alice?" (What are we talking about princesse Alice?) Magalang kong tanong.
"Que fais-tu ici au palais?" (What are you doing here in Palace?) Tanong niya at tinaasan ako ng kilay.
"Je suis là pour toi princesse Alice" (Im here for you princess Alice) Sabi ko at ngumiti. "Ici, des fleurs pour toi" (Here, flowers for you) Dagdag ko pa at binigay sakanya ang tatlong red roses.
"Pour quoi?" (For what?) Pag tataray niya. "Au fait, merci Troy, j'aime bien cette fleur. Merci beaucoup" (By the way, thank you troy I like this flower. Thank you so much) Sabi niya at ngumiti.
Simula nung nagkausap kami lagi ko na siyang pinupuntahan sa palasyo ng may dalang bulaklak. Mahilig kasi siya sa mga bulaklak lalo na sa rose. Di ko pa sinasabi sakanya na gusto ko siya baka kasi i-reject niya ako kaya okay lang sakin na mag kaibigan lang kami. Tsaka bawal ko siyang ligawan at mas lalong bawal maging kami kasi isang prinsessa si Alice kaya kailangan isang prince ang magiging nobyo niya at magiging asawa.
Sa di ko inaasahan... Pumunta kami sa garden sa palasyo para mag usap kami, may sasabihin kasi siya saken. Alam ng pamilya ni Alice na nag uusap kami kaya wala kaming problema.
"Troy, j'ai quelque chose à te dire" (Troy, I have something to tell you) Sabi niya at hinawakan ang kamay ko.
"Qu'Est-ce que c'est?" (What is it?) Tanong ko.
Huminga muna siya ng malalim bago mag salita. "Troy, je vous aime bien" (Troy, I like you) Sabi niya at umiwas ng tingin sakin. Siguro oras na para sabihin ko na rin sakanya yung tunay kong nararamdaman para sakanya.
"Alice, J'aimerais que tu" (Alice I like you to) Sabi ko at hinawakan ko ang pisngi niya at hinarap ko siya sakin.
Napangiti siya sa sinabi ko. Unti unti niyang linapit yung mukha niya sakin at naramdaman ko na lang yung malambot niyang labi sa labi ko. Matagal din yung halikan namin pero humiwalay na ako baka kasi may makakita samin.
"Je t'aime Troy" Sabi niya at ngumiti ito.
"Je t'aime à Alice" Sabi ko at yinakap niya ako.
Simula nung inamin namin sa isa't isa naging kami na kaya sobrang saya ko, pero patago lang yung relasyon namin. Malalagot kasi kami pag nalaman toh ng magulang namin. Tuwing 8 ng gabi nagkikita kami sa likod ng palasyo nila. Tumagal kami ng 3 years.
Hindi totoo na nagtanan kami ni Alice, yun kasi yung sinabi nina mom sa pamilya ni Sheena. Hindi ko alam na magkaka-anak na kami sinabi lang sakin ni Alice kaya nag sisisi ako sa ginawa namin. Simula nung napapansin ng pamilya ni Alice na lagi itong nahihilo at nag susuka dinala agad nila ito sa ospital at don lang namin nalaman na buntis si Alice.
Galit na galit yung daddy ni Alice kasi buntis ito at tinanong niya kay Alice kung sino ang tatay at sinabi naman ni Alice ang totoo na ako yung tatay at nagkaroon kami ng relasyon. Balak ng pamilya ni Alice na pag nanganak na si Alice ilalayo nila sakin toh.
Hindi talaga nila papatayin yung anak namin ni Alice. Sinabi ko lang kay Nicole na papatayin siya ng pamilya ni Alice para takutin lang siya at hindi niya na hanapin si Alice.
Nung nanganak na si Alice nag makaawa ako sakanila na wag nilang ilayo sakin yung anak namin kasi ako naman ang tatay nito. Lumuhod ako sa harap mismo ng tatay ni Alice sa publiko para lang mag makaawa sakanila, pero hindi nila binigay sakin yung bata kaya gumawa ako ng ibang paraan para makuha ko si Nicole.
Nakipag sabwatan ako sa dalawang guard nila at isang kasambahay na nag aalalaga kay Nicole. Planado na ang lahat ng gagawin namin, nag tagumpay kami kaya eto nasakin na ngayon si Nicole. Sobrang saya ko nung nakuha ko si Nicole sa unang pagkakataon kasi nahawakan ko si Nicole. Pagkakuha ko kay Nicole dinala ko kaagad toh sa Pilipinas at bumalik agad ako sa Paris para hindi sila magtaka na nasaakin si Nicole.
Akala ko tapos na ang lahat, pero hindi pa pala. Nung nawala sakanila si Nicole pinahanap nila ako, may isang nagturo na alam kung nasaan ako kaya dinakip nila ako at pinaamin kung nasaakin ba si Nicole.
Sinabi ko sakanila na wala si Nicole sakin. Naglibot sila sa buong mansion namin sa Paris pero wala silang nakita na Nicole kaya pinalaya agad nila ako. Pinalabas nila sa lahat na patay na si Nicole pero ang hindi nila alam na alam ko na pinapahanp pa rin nila si Nicole kaya over protecting ako kay Nicole simula ng maliit pa lang siya hanggang sa lumaki siya.
Nung nasa kanila pa si Nicole hindi talaga Nicole ang pangalan ng anak namin kundi Mary Rose. Pinalitan ko lang ng Nicole para masabi ko na anak namin 'toh ni Sheena.
Kaya kami nagkakilala ni Sheena, pinagkasundo kami ng mga magulang namin para sa kompanya ni dad. Pumayaga naman ako pero hindi ko talaga mahal si Sheena kasi iisa lang ang linalaman ng puso ko kundi si Louisse, ang una kong minahal sa buong buhay ko, may naging past kami ni Louisse pero nabuntis ko din siya at si Lauren iyon, ang anak namin. Pero nung nakilala ko si Alice nawala yung pagmamahal ko kay Louisse.
Sa Paris lumaki si Nicole pero nung nag highschool na siya nag decide ako na umuwi na kami dito sa Pinas baka kasi pag nalaman niya ang lahat pupunta siya sa palasyo para makita ang tunay niyang ina.
End of flashback
"Hi Troy"
Nagulat ako sa nagsalita kaya napalingon ako sa pinto ng office ko. Alice?
"Anong ginagawa mo dito?!" Naiinis kong tanong. Tumayo agad ako at hinila papasok sa office ko si Alice tsaka ko sinara at linock ang pinto.
"Andito ako para bawiin ang anak ko" Seryoso niyang sabi.
"Sabi ko nga nawala sakin si Mary Rose! Kaya pwede ba wag mo ng guluhin yung buhay namin! Masaya na kami!" Sabi ko.
"We have evidence" Sabi niyabat ngumiti ito. Pinakita niya sakin yung hair brush na pag mamay ari ni Nicole.
"Pa-paano napunta yan sayo?!" Nauutal kong tanong.
"Ang tanungin mo nalang kung ano ang resulta ng DNA test, Troy" Sabi niya. "The DNA result is positive anak ko si Nicole!" Dagdag pa niya.
Hindi! Hindi pwede makuha niya sakin si Nicole!
"Ano? Hindi ka makapagsalita noh? Kasi totoo na kinuha mo samin yung anak ko! Kidnapper ka!" Naiinis niyang sabi.
Lumapit ako sakanya at sinampal ko siya ng malakas. Napahawak siya sa pisngi niya.
"Wala kang karapatan na saktan mo ako! Isa akong prinsessa!" Naiinis niyang sabi.
"Hindi porket prinsessa ka hindi ka na pwedeng saktan" Seryoso kong sabi.
Umalis na agad siya sa office ko at galit na galit pa ren ito. Kailangan ko ng mag ingat alam na niya yung totoo na anak niya si Nicole.
Itutuloy.....
BINABASA MO ANG
Nerd into Princess Season One
Teen FictionHi Im Marie Nicole Cervantes, oo nerd ako... Wala akong ibang ginawa kundi mag aral pero sa isang iglap biglang nagbago ang buhay ko, may nakilala akong isang lalaki na nagpabago sa buhay ako, hindi ko alam na part pala siya ng royal families. Aamin...