Chapter 28 {The Pain}

19 3 0
                                    

CRYSTAL'S POV.

Ang tagal naman nun ni Nicole, ano na kayang nangyari sakanya? OMG BAKA NAGPAKAMATAY NA SIYA? BAKAAAA WAHHHH ERASE! ERASE! ERASE! Wag masyadong OA self ah? Baka mahaggard ang beauty mo self hahaha! Charot!

"Ang tagal naman ni Nicole" Naiinip na sabi ni Bryan.

Para sa mga nagtataka jan Bryan is my cousin sa father side. Yung family ni Bryan ay isa ding royal family his dad is a king. Yeah my dad is a king! But Im not a Princess pati yung panganay samin, si Jake uhm soon to be Prince na siya. May plano kasing ipakasal si Jake sa Prinsessa daw ng Paris? Malakas ang pakiramdam ko na si Nicole ang tinutukoy ni daddy.

Alam kong malaki ang galit ni Nicole kay Jake kasi isa din siya sa mga nagplano na patayin si Nicole. Alam ng tito Troy yung tungkol dito kasi planado na ang lahat kaya malaki ang galit ni tito Troy sa pamilya namin. Hindi alam ni Lauren na alam ng dad niya kung sino at ang tungkol sa mga nangyari noon kay Nicole.

Ang totoo ay si tito Troy ang may kagagawan ng lahat, gustong gumanti ni tito Troy kay Queen Alice at gagamitin niya si Nicole dahil si Nicole ang nag iisang anak ni Queen Alice. At yung plano ni dad na sakupin ang Paris matagal na ding planado yun, bata pa lang ako.

Flashback

1 year ago

"Tito Troy kailangan na pong malaman ni Nicole ang totoo" Nagmamakaawa kong sabi.

"Hindi pwede kailangan kong gumanti kay Nicole at gusto kong makita mismo ni Alice na naghihirap ang anak namin" Seryosong sabi ni tito Troy.

"Tito Troy naaawa na po ako kay Nicole! Kailangan niya pong malaman ang totoo na si Princess Alice ang totoo niyang nanay at hindi ikaw ang TUNAY na AMA ni Nicole! Dahil si Prince Jayzam ng England ang totoong tatay ni Nicole!" Naiiyak kong sabi.

Oo alam ko na si Prince Jayzam ang tatay ni Nicole at hindi si tito Troy, sinabi lang ni Princess Alice na si tito Troy ang ama ng bata dahil may relasyon ng panahong yun.

"Gusto kong ipakita sakanya na naghihirap si Nicole para makaganti ako sakanya! Dahil linoko ako ni Alice!" Galit na galit na sabi ni tito Troy.

Napayuko nalang ako at umiyak na, naaawa na talaga ako kay Nicole. Lagi kasi siyang pinapahirapan ni tito Troy, kailangan ko ng sabihin kay Nicole ang totoo.

Tatayo na sana ako kaso nga lang bigla nagsalita si tito Troy.

"Saan ka pupunta?" Seryoso niyang sabi.

"Uuwi na ako" Pag sisinungaling ko.

"Siguraduhin mo lang" Sabi ni tito Troy. "Sa oras na malaman kong sasabihin mo kay Nicole yung totoo, papatayin kita" Dagdag pa ni tito Troy pero hindi ko siya pinansin lumabas na  ng office niya.

Pumunta ako sa park sa loob pa rin ng village nina Nicole. Tinext ko si Nicole para papuntahin ko siya dito. Naramdaman kong may nakatingin sakin kaya napatingin ako sa right side ko, may nakita akong lalake naka all black siya at naka mask at shades pa ito. Sigurado akong tauhan toh ni tito Troy.

Pagdating ni Nicole nakita ko siyang may kasamanv bodyguards. Kinakabahan ako sa anumang mangyari, nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko pa kay Nicole ang totoo.

"Ate Crystal bakit mo ako pinapunta dito?"  Naka ngiting tanong ni Nicole at umupo ito sa bench kung san ako naka upo. "Diba may sasabihin ka sakin?" Dagdag pa ni Nicole.

Napatingin naman ako sa mga bodyguards ni Nicole at ang sasama ng tingin nila sakin.

"Uhm I just want to say na uuwi na ako sa Germany, gusto ko lang magpaalam sayo" Sabi ko at ngumiti ako ng pilit.

Nerd into Princess Season OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon