Chapter 23 {Time}

24 6 0
                                    

Mamayang 3pm pa pala kami aalis kaya nag update muna ako :>
  -Anyaaaaaaa

Chapter 23

Nicole's POV.

"Surprise" Sabi ni Angelica at tumawa ito ng malakas.

Sabi ko na nga ba may masamang plano toh si Jake kaya nakipag balikan siya kay ate Lauren at eto naman si ate nag paloko.

"Akala ko ba wala ka ng connection kina Angelica? Ano tong nakikita ko? Bakit nandito sila? Paano nila nalaman na nandito tayo? Sinabi mo ba sa kanila kung nasan tayo?" Sunod sunod na tanong ni ate Lauren at halatang naiiyak na ito.

"Oh dear wag kang umiyak, sa totoo lang si Nicole talaga ang kailangan namin at hindi ikaw at dahil isa kang malaking pakielamera at ang pinsan niyong si Cheska kaya dinamay ko na kayo, maya maya nandito na rin yun si Cheska" Sabi ni Angelica.

"Damn you Angelica!" Sigaw ko at pinipigilan kong tumulo yung mga luha ko. Eto ang unang beses na nag mura ako sa harap ng maraming tao. Gusto kong ipakita sakanila na hindi ako basta basta magpapatalo. "Isa kang demonyo! P*t*ng in* mo!" Dagdag ko pa.

"Nicole, itigil mo na yan" Sabi ni ate Lauren.

"Hindi ko hahayaan na saktan nila tayo ate! Asan na yung tapang mo ate? Ilabas mo na yang tapang mo!" Sigaw ko kay ate Lauren.

"Im sorry Nicole, hindi ko kaya" Umiiyak na sabi ni ate Lauren.

"What?! Yan kase ang napapala mo ate! Masyado kang nagpapaloko sa lalake na yan! Isa kang malaking tanga ate!" Naiinis kong sabi.

"Oo na! Ako na ang tanga!" Sabi ni ate.

"Sorry Lauren at Nicole hindi ko naman talaga----" Hindi ko na pinatapos mag salita si Jake dahil sinampal ko siya ng malakas.

*Slap*

"Yan! Bagay yan sayo Jake! Alam mo kulang pa yan! Kase linoko at sinaktan mo si ate! Ikaw na ang pinaka walang hiya na tao sa buong mundo!" Naiinis kong sabi at hindi ko na napigilan na maiyak. Maiyak sa sobrang inis.

"Sorry" Sabi ni Jake at naka tungo na ito.

"Walang magagawa yang sorry mo! Kase nasa panganib na yung buhay namin! Fuck you!" Sabi ko at pinunasan ko yung mga luha ko.

"Sabi ko na nga ba e, ipapakita mo saamin yang bad sides mo" Sabi ni Angelica.

Huminga muna ako ng malalim at tsaka lumapit kay Angelica.

"Ikaw! Ikaw ang dahilan kung bakit nagkanda letse letse yung highschool life ko! Hayop ka!" Naiinis kong sabi. Gusto ko siyang sampalin pero hindi ko magawa. "Ano bang nagawa ko sainyo para pahirapan niyo ako ng ganto?!" Sigaw ko at napaiyak nanaman ako.

"Kase inagaw mo ang lahat sakin! Alam mo dapat ako ang pinapansin ni Jake at hindi ikaw! Dapat ako din ang class valedictorian, pero anong nangyari? Ikaw! Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito! Kaya dapat lang na mangyari sayo toh!" Sigaw ni Angelica at tinutukan niya ako ng baril sa dibdib ko.

"Sige! Gawin mo! Patayin mo ako! Yun naman yung gusto niyong mangyari diba?! Patayin ako?!" Sigaw ko sakanilang lahat. Lumipas na ang limang minuto pero hindi pa rin pinuputok ni Angelica yung baril. "Ano?! Bat hindi mo magawa Angelica? Kase isa kang duwag! Puro ka salita!" Dagdag ko pa. "Angelica wag mo na akong pahirapan! Gawin mo na yung gusto mong gawin! Wag mo na akong pag hintayin! Kung gusto mo patayin mo na ako! Ngayon na! Kase pagod na pagod na ako Angelica!" Sabi ko at napa upo na at umiyak ako ng tuluyan.

Lauren's POV.

Nakita kong tumulo yung luha ni Angelica pero agad niya itong pinunasan, si Nicole naman naka upo pa rin habang naiyak. Gusto ko siyang lapitan pero hindi ko magawa, gusto kong lumaban pero hindi ko magawa, gusto kong magsalita pero hindi ko magawa. Parang may pumipigil sakin. Kasalanan toh ni Jake! Tama si Nicole dapat hindi nalang ako nakipag balikan at nagpapaniwala sa mga sinasabi ni Jake. Isa akong malaking tanga. Wala akong kwentang kapatid. Lahat lahat na nasaakin, t@ngin@ng buhay toh. Nang dahil sakin nahihirapan na si Nicole.

Nerd into Princess Season OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon