Chapter 17 {Black Bad Girls Group}

26 8 0
                                    

Nicole's POV.

Pagkagising ko tumingin agad ako sa wallclock... Shocks 12pm na! Tinanghali na ako ng gising, pano ba naman kasi 4am na ako natulog sa kakaisip kung anong gagawin nina ate Lauren at Cheska. Pumunta muna ako sa cr para maghilamos. Pagkatapos kong maghilamos pumunta ako sa kwarto ni ate Lauren pero wala siya dun. Siguro pumasok si ate? Matext nga.

____________________

Me:
  Ate Lauren nasan ka?

____________________

Makakain nga muna gutom na ako. Bumaba agad ako at dumiretso sa dining room.

"Good afternoon ija, kala ko pumasok ka ng maaga yun pala kakagising mo lang" Natatawang sabi ni manang lourdes. "Hindi pa ako nakakapagluto ng ulam, ano ba gusto mong ulam?" Tanong ni manang Lourdes.

"Sa labas nalang po ako kakain" Naka ngiti kong sabi at tumakbo na pabalik sa kwarto ko para maligo.

Pagkadating ko sa kwarto ko naligo agad ako, pagkatapos kong maligo sinuot ko yung tshirt na binili namin kahapon tapos yung short na maong at naglagay ako ng pulbo at liptint. Yan kase sabi sakin ni ate maglagay daw ako ng mga whatever, makakain na nga lang.

Bumaba agad ako, may nakasalubong akong maid at may binigay na box sakin.

"Ms. Nicole may nag papabigay po" Sabi nung maid at binigay sakin yung box.

"Kanino toh galing?" Tanong ko.

"Hindi ko po alam, habang nagdidilig po kasi ako ng mga bulaklak sa may gate may nakita po akong isang lalaki na naglagay po nito sa labas tapos tumakbo na po agad siya papalayo, hahabulin ko nga po sana siya pero po nawala po agad siya, tsaka po nakasulat po sa gilid ng box na yan yung pangalan niyo po" Paliwanag nung maid.

"Ah okay, thank you" Naka ngiti kong sabi at umupo sa sofa para buksan toh.

Pagkabukas ko may isang letter pero hindi ko muna iyon binuksan, pagkabukas ko ng foil may nakita akong isang pusa na puro dugo kaya hinagis ko ito papalayo sakin.

"WAH!!!!" Sigaw ko kaya nagsipuntahan yung mga maid pati si manang Lourdes.

"Ms. Nicole ayos lang po ba kayo?" Tanong ni manang Lourdes.

"Ilayo niyo sakin yan!" Sigaw ko at agad naman nilang sinunod yung utos ko nakita ko sa left side ko yung letter kaya binuksan ko kaagad.

You're next. Not now but soon, get ready Nicole.
      -Black Bad Girls Group

Bigla akong kinabahan, madami sila. Papatayin nila ako! Hindi pwede! Kailangan kong maging matapang, alam kong may alam si ate Lauren kung sino sino ang nasa grupo na toh. Bigla akong nawalan ng gana kumain sa labas kaya nagpaluto nalang ako kay manang Lourdea ng fried chicken.

Biglang nag vibrate yung cellphone ko at nakita kong tumatawag si daddy sa messenger video chat agad ko namang sinagot.

"Nicole are you alright?" Nag aalalang tanong ni dad.

"Yes dad, why?" Sagot ko.

"Nabalitaan ko kasi na may nagpadala sayo ng deadtreat, sinabi sakin ni manang Lourdes" Sabi ni dad.

"Dad, wag niyo ng pansinin yun. Okay na ako wala namang masamang nangyari sakin" Naka ngiti kong sabi.

"Nicole kahit na, baka hindi ka nila tantanan kaya mag hi-hire ako ng body guards sayo" Seryosong sabi ni dad. "Sige bye na, I need to rest na" Dagdag pa ni dad at inend call na.

Si ate Lauren pala, hindi pa nasagot sa text ko. Ano kayang nangyari kay ate Lauren? Matanong nga si manang.

"Manang Lourdes pumasok po ba si ate Lauren?" Tanong ko.

Nerd into Princess Season OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon