Chapter 30

20 3 0
                                    

A/N:
Ang chapter na ito ay masyadong mahaba kasi ilang weeks din akong walang update kasi sobrang busy sa school at saktong intrams namin kaya mas lalong kaming naging busy at baka after 2 weeks ay maging busy ako lalo kasi science week namin yun. Sa chapter na ito ay dito niyo na maiintindihan ang lahat, sa mga naguguluhan lilinawin ko na. So yun lang :> Sana maintindihan niyo guys😊 Dont worry guys kung hindi man ako makapag update ng 1 to 2 months it means hindi ko na ipagpapatuloy ang story na ito, ipagpapatuloy ko pa rin ito kahit tinatamad ako mag sulat HAHAHA! Thanks for understanding guys!😊❤

PS. Pag nagkaroon po ako ng time, ie-edit ko po lahat ng chapter! :>





CHAPTER 30

MARY ROSE' POV.

"What is the meaning of this?" Galit na galit na sabi ni mom.

Napahiwalay agad ako sa pagkayakap kay Bryan at humarap kina mom.

"Ma lets me explain" Umiiyak na sabi ko at lumapit kay mom at hinawakan ko ang kamay niya pero agad naman niyang tinanggal.

"I dont need your explanation Mary Rose! Kitang kita ng dalawa kong mata na magkayakap kayo ni Bryan!" Galit na galit pa rin na sabi ni mom.

"Mom Im sorry for dissapointing you, sasabihin ko naman ho-----"

*SLAP*

Bigla akong sinampal ng malakas ni mom hinawakan ko naman yung pisngi ko, eto yung unang pagkakataon na sinampal ako ni mom.

"MARY ROSE! IKAW PA BA YAN HA?! ALAM MO NAMAN NA NAKATAKDA KA NG IKASAL KAY JAKE TAPOS NAKIKIPAGRELASYON KA PA SA IBA!" Galit na galit na sigaw ni mom at sinampal nanaman ako.

"Ate Alice stop, anak mo siya kaya wag mo siyang sigawan at saktan" Mahinahon na sabi ni tita Zeinab.

"I DON'T CARE ZEINAB!" Sigaw ni mom.

Lumapit sakin si tita Zeinab at hinila na ako papalabas ng bahay nina Bryan at pinasakay na niya ako sa sasakyan. Tinakpan ko ng dalawang kamay ko ang mukha ko at umiyak ako ng umiyak.

"Mary Rose stop crying, tama naman yung sinabi ni mom nakatakda ka ng ikasal kay Jake kaya wag ka ng makipag relasyon sa iba" Sabi ni tita. "Mary Rose wala akong kinakampihan sainyo ni ate, pero Mary Rose mali ang ginawa niyo ni Bryan" Dagdag pa ni tita Zeinab pero hindi ko siya pinansin tuloy tuloy lang ako sa pag iyak. "I hope you understand soon" Malungkot na sabi ni tita Zeinab at lumabas na ito sa sasakyan.

Pagkalipas ng ilang minuto nakita ko si mom papasakay na dito sa sasakyan pagkadating ni mom tumingin agad siya sakin.

"We're going back to Paris! Now!" Inis na inis na sabi ni mom. "Your not going back to Thailand Mary Rose titigil ka na sa pag aaral"

WHAT?! HINDI NA AKO MAG AARAL?! HINDI PWEDE!

"Ma! Wala ka ng magagawa! Mahal namin ni Bryan ang isa't isa! Hindi nalang pwedeng mag hiwalay kami bigla bigla! We LOVE each other ma!" Sabi ko at umiyak na ulit. "Bakit ba hindi niyo nalang akong hayaan?! At isa pa ma hindi ako titigil sa pag aaral! Kasi ayun ang pangako kay dad! Okay lang na hindi niyo ako pag aralin" Dagdag ko pa.

"Bakit ba ang kulit mo Mary Rose?! Alam mo namang hindi ka dapat mag aral kasi hindi mo rin naman magagamit yan! Kasi magiging prinsessa ka!" Inis na inis na sabi ni mom.

"MA AYOKONG MAGING PRINSESSA!" Sigaw ko at umiyak na.

"Wala kang choice kundi sundin lahat ng gusto ko! Understood?!" Galit na galit na sabi ni mom at binuksan niya na yung bintana.

Nerd into Princess Season OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon