Chapter 18 {Late Night Talk}

27 7 1
                                    

Nicole's POV.

"Hey, Nicole ano ba yan?" Tanong ni ate Lauren agad ko naman inabot sakanya yung papel.

Habang binabasa yun ni ate Lauren biglang naging seryoso yung mukha niya.

"Hindi talaga titigil yan sina Angelica" Naiinis na sabi ni ate Lauren.

"Ate natatakot ako, ayoko na!" Kinakabahan kong sabi.

"Nicole, wag mong ipakita sakanila na natatakot ka, mas lalo ka nilang tatakutin pag nakikita nilang natatakot ka" Sabi ni ate Lauren. "Mabuti pang pumasok na tayo, baka malate na tayo oh, 6:30 na" Sabi ni ate at tumayo na siya kaya tumayo na din ako.

"Ate alam mo ba nahihiya ako kasi naman may kasama pa akong 8 bodyguards!" Sabi ko.

Actually naka van kami, hindi naman kasi kami magkakasya sa porsche car ni ate Lauren. Sa pinakadulo kami naka upo ni ate Lauren. Parang malayo lang yung byahe.

"Dont worry Nicole, hindi naman malalaman ng iba na bodyguards mo yang mga yan kasi nasa paligid mo lang sila" Sabi ni ate Lauren.

"Okaaaaaaay" Nabobored kong sabi.

Pagkadating namin sa parking ng school, may mga mata agad na nakatingin sa van. Ngayon lang ba sila nakakita ng van?! Unang bumaba yung isang bodyguard ko tas unang lumabas samin si ate Lauren at inalalayan pa ito ng bodyguard at next naman akooo, parang nasa pageant lang e hahaha, pano ba naman kasi eto yung first time na papasok ako ng ganto naka make up. Lumabas na ako at sumalubong sakin sina Chelsea at Anne.

Gosh ang daming nakatingin sakin, wahhh may dumi ba sa mukha ko at ganyan sila makatingin sakin.

"Nicole, ang daming nakatingin sayo tas mga gwapo pa omg may kahati na akoooo, charot" Natatawang sabi ni Anne.

"Tara na girls" Naka ngiting sabi ni ate Lauren.

Lahhh kahit sa pagpasok namin sa loob ng campus may mga nagbubulungan sa gilid tas nakatingin sakin.

"Transferee ba yan?"

"Siya ba yung kapatid ni Lauren?"

"May bagong chicks"

"Ateeee nahihiya ako!" Pabulong kong sabi.

"Bakit ka naman nahihiya?! Dapat nga sila yung mahiya" Sabi ni ate Lauren.

Pagkapasok namin sa classroom lahat nakatingin sakin tas yung mga lalaki naman mga nag papapansin.

"Aba friend agad ni Lauren yung transferee" Naka ngiting sabi ni Juliana, classmate namin. Obvious naman diba?

"Guys siya si Nicole! Ang nag iisang matalino nating classmate" Sabi ni ate Lauren at lahat naman sila gulat na gulat.

"SIYA SI NICOLE?!" Pasigaw nilang tanong.

"Oo" Matipid na sagot ni ate Lauren.

"Ay Nicole, since ikaw yung class president namin may bago tayong classmate" Naka ngiting sabi ni Rica, si Rica is the vice president.

"Anong pangalan niya?" Naka ngiti kong tanong.

"His name is James Mathew De Guzman" Sagot ni Rica.

"Ano namang gagawin ko sakanya?" Tanong ko at umupo na sa upuan ko.

"Tour him!" Sabay sabay nilang sabi.

"Tour?! Malaki na siya! At isa pa President ako hindi ako tourguide" Pag susungit ko.

Biglang nag bell kaya umupo na sila sa mga upuan nila at may pumasok na isang lalake, siya ata yung bago naming classmate?

"Hi everyone Im James Mathew De Guzman, ako pala yung bago niyong classmate" Naka ngiting sabi nito.

Nerd into Princess Season OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon