Nicole's POV.
Aisshhh pamilyar saken yung lalaking yon! Parang nakita ko na siya ihh, 'di ko lang matandaan kung saan at kelan. Hay nako na pa-praning nanaman ako. Pag nakita ko yong lalaki na yon I will know his name!!! Nakakainis tinanong niya pa ako kung okay lang ako. Alam niya naman na hindi, I hate that boy... 'Di man lang nag sorry.
Hala nakalimutan ko pala kunin yung phone ko sa bag, baka si mommy or daddy yung tumawag. Finally nakita ko rin ang phone ko. Tama nga ako si mommy yung tumawag. Pagkasagot ko narinig kong umiiyak si mommy.
"Mom are you okay?" Nag aalala kong tanong.
[Yes} Matipid na sagot ni mommy.
"Wag ka nga mag sinungaling sakin mommy, Just tell the truth mom" Sabi ko.
{Nicole, were going back in Paris} Malungkot na sabi ni mommy.
Nabigla ako sa sinabi ni mommy.
were going back in Paris.
No! Hindi pwede! Ayoko ng bumalik sa Paris.
"qui a dit que nous allons revenir à Paris ?" (Sino ang nagsabi na babalik tayo sa Paris?) Tanong ko kay mommy.
{Your dad} Sagot ni mommy.
Inend call ko kaagad yung call. Bakit kailangan pa namin bumalik sa Paris? I dont want to back there. Ayaw naman kasi sakin ni grandma tinataboy niya lang ako tuwing kasama ko siya tulad nalang nung nagbakasyon sila dito si Pinas.
Flashback
1 year ago
Papunta kami sa Airport ngayon, dadating kasi si grandma kasama si tita Celestina, si Tita Celestina ang nag iisang babaeng kapatid ni daddy. Pagkadating namin sa Airport bumaba agad ako ng sasakyan. Sabi kasi ni dad ako daw ang sasalubong sakanila para naman daw matuwa sakin si grandma.
After 10 minutes... Sa wakas dumating na din sina grandma. Wala pa ring pinagbago si grandma. Masungit pa rin siya. 'Di na ako aasa na magbabago si lola. Pagkalapit nila agad ko silang binati.
"Bienvenue à arrière grand-mère et ma tante!" (Maligayang pagdating lola at tita!) Naka ngiti kong sabi pero hindi ako pinansin ni grandma. Buti nalang si tita nginitian ako tapos sinundan niya na si grandma.
Napayuko nalang ako at kusang tumulo ang mga luha ko. Ang sakit naman nun parang wala lang ako para kay lola. Apo niya naman ako. Pero bakit ganun? Bakit galit siya sakin? Tumingin ako kina dad, tinatawag na ako ni dad kaya agad akong lumapit sakanila habang pinupunasan ko ang luha ko.
End of flashback
Habang inaalala ko ang mga alaalang yon biglang tumulo yung luha ko pero agad ko yung pinunasan at pumunta na sa room ko. Tumingin ako sa cellphone ko para i-check kung anong oras na. shocks 8:15 na. 15 minutes na akong late sa first class ko...
hay nako pupunta na nga lang ako sa cafetiria gutom na ako e, di ako masyadong nakakain sa Mansion kanina e. Pano ba naman kase si dad sesermunam nanaman ako nun kaya umalis agad ako e. Kakasawa na kasi lagi nalang yung mga pinsan ko ang bukambibig ni dad sasabihin niya tignan mo si ano alagang alaga ang sarili samantalang ikaw wala kang pakialam sa sarili mo lagi nalang niya ako kinukumpira ni dad sa mga pinsan ko kaya minsan nag aaway sila ni mommy.
Habang nakain ako may lumapit sakin na lalaki. Teka siya yung nakabungguan ko kanina e. Anong ginagawa niya dito?!
"Why are you crying?" Tanong niya pero di ko siya sinagot. "Hey Im asking you," Pangungulit niya.
"Hoy ikaw lalake! kung kukulitin mo lang ako, pwede ba umalis ka sa harapa ko?!" Naiinis kong sabi.
"Gusto ko lang naman mag sorry sayo" Sabi niya at umupo sa tapat ko.
"Okay lang yun, parehas naman tayong may mali" Sabi ko sabay kain ng hotdog sandwich.
"friends?" Tanong niya at inabot ang kamay sakin para makipag shakehands.
Tatanggapin ko ba? Sa totoo lang siya yung kauna-unahang magiging kaibigan ko dito sa school pagtinanggap ko yung alok niya. Kung makikipagkaibigan ako sakanya, siguro naman sasaya ako kahit papano kasi may kaibigan na ako.
"Okay lang kung ayaw mo" Sabi niya sabay ngiti.
"Lah wala pa naman akong sinasabi e, oo na friends na tayo" Sabi ko at ngumiti sakanya.
"Talaga? Yun oh may kaibigan na ako" Masaya niyang sabi. "I mean may kaibigan na akong babae" Dagdag niya pa sabah kamot sa batok kaya natawa na ako.
"OA mo naman mag react hahaha" Sabi ko habang natawa. Ayy oo nga pala may itatanong ako sakanya. "Hmm may itatanong lang ako" Sabi ko.
"Sige, ano yun?" Naka ngiti niyang sabi.
"Nagkita na ba tayo noon?" Tanong ko at bigla naman nag iba yung expression ng mukha niya. "Tsaka ano pala pangalan mo?" Tanong ko pa.
"Im Jake Dela Rosa" Sabi niya. "And you are?" Tanong niya.
"Nicole, Marie Nicole Cervantes" Sabi ko sabay ngiti. "Ngayong alam ko na pangalan mo, pwede ba sabihin mo sakin kung nagkita na tayo? Kasi nung nakita kita kanina sobrang pamilyar mo sakin, parang nakita na kita kaso nga lang di ko alam kung kailan at saan" Sabi ko habang nakatingin sa mata niya.
"Sige, mauna na ako sayo pupunta na ako sa second class ko... Byeee" Sabi niya umalis na.
Kakainis! tumingin ako sa cellphone ko at tinignan ko kung anong oras na. Shet! 8:50 na! Kailangam ko ng pumunta sa next class baka malate nanaman ako. Pagkapasok ko sa classroom sakto naman na paparating na din sila. Umupo agad ako sa pinaka dulo sa tabi ng bintana.
"Omg andito na ang nerd natin na kaklase slash malandi" Sabi ni Anne at tumawa yung dalawa niyang kasami, si Lauren at Chelsea.
"Guys! may gusto akong sabihin sainyo, kaya hindi pumasok sa first class si Nicole kasi nakikipaglandian siya sa transfer, remember si Jake Dela Rosa?" Sabi niya sabay tingin ng masama sakin.
Napatingin sakin lahat ng classmates ko at diring diri sila saken pero hindi ko sila pinapansin. Sanay na ako sakanila, lagi nila aking linalait.
"Paano kaya pag nalaman toh ng daddy niya? Im sure magagalit yun" Sabi ni Chelsea at tumawa silang tatlo.
"May tinatago din palang baho yang babae na yan" Sabi ni Lauren at pumunta sa pwesto ko at sinampal ako.
"How dare you!" Sigaw ko at sinampal ko din siya.
Wala akong paki kung pagtulungan nila akong lahat. Basta ako sawang sawa na sa lang lalait nila saken, wala silang karapatan na isali sa usapan si daddy.
"Aba lumalaban ka na ah?! Porket may kumausap lang sayo na gwapong lalaki ganyan ka na umasta?!"
Sasampalin sana ulit ako ni Lauren perk hindi niya natuloy kasi narinig namin ang sigaw ni Mrs. Gonzales.
"Ms. Cervantes! Ms. Olivia! Go to the office now!" Galit na sabi ni Mrs. Gonzales kaya lumabas agad ng room si Lauren. Bago siya lumabas tinignan niya ako ng masama. Nung nakalabas na siya lumabas na din ako.
Itutuloy....
A/N:
Sorry kung maikli lang yung updateee :<<< Bawi nalang ako next update :> Please vote and comment... Thank you :> Je't aime😘
BINABASA MO ANG
Nerd into Princess Season One
Teen FictionHi Im Marie Nicole Cervantes, oo nerd ako... Wala akong ibang ginawa kundi mag aral pero sa isang iglap biglang nagbago ang buhay ko, may nakilala akong isang lalaki na nagpabago sa buhay ako, hindi ko alam na part pala siya ng royal families. Aamin...