Chapter 11 {Her Point Of View}

32 7 0
                                    

Cheska's POV.

Nung pinaputok ko na yung baril, akala ko si Nicole ang natamaan. Si Megan ang natamaan. Nung nakita ko siyang bumagsak sa lupa biglang nanginig yung katawan ko at at nabitawan ko yung baril.

"Nicole, so-sorry sa mga nagawa ko sayo sana mapatawad mo  ako. Paki sabi kina mom at dad mahal ko sila" Nanghihinang sabi ni Megan.

Tumakbo agad ako papalayo at hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi dapat namatay si Megan! Dapat si Nicole! Wala sa plano ko na idamay si Megan dahil siya ang nag isip ng plano, hindi ko alam na lininlang ako ni Megan. Si Megan ang nag papanggap na Queen, si Megan yung nagdadala ng papel kay Nicole.

Ako naman ang may dahiln kung bakit napalapit si Jake kay Nicole, sinadya talaga ni Jake na bungguin si Nicole. Ako din ako nagsabi na sabihin ni Jake kay Nicole na may gusto siya kay Nicole, hindi ako tanga para hindi ko malaman na may gusto si Nicole kay Jake. Pero hindi ko inaasahan na tatakbuhan ni Nicole si Jake.

Planado na sana ang lahat pero biglang nag bago yung isip ni Megan na wag nalang ituloy kasi marami na daw problema si Nicole, pero hindi ko siya pinapakinggan. Tinuloy ko na lang yung balak ko kase sobrang galit na galit ako kay Nicole kasi siya nalang lagi yung bukambibig ni mommy tuwing sesermonan niya ako.

Oo nag seselos ako kaya nga wish ko nandito si dad para maligtas niya ako sa mga sermon ni mommy, simula kasi nung mawala si dad samin ako yung sinisisi ni mom dapat ako nalang daw yung namatay at hindi si dad.

Flashback

(A/N: Sa flashback po na ito at nag fe-french sila pero tinagalog ko nalang.)

Nung 7 years old pa lang ako masaya kaming naglalaro ni dad sa isang park dito sa Pilipinas, daddy's girl ako. Lumaki ako sa piling ni dad, si mommy kasi sa Paris siya nag tatrabaho minsan lang umuwi dito si mom kaya mas malapit ako kay daddy. Nung may nakita akong pusa sa gitna ng kalsada pumunta ako don tapos si dad naman may kausap sa cellphone niya kaya hindi niya napansin na pumunta sa gitna ng kalsada.

Nung kinuha ko na yung pusa tumingin ako sa left side ko at may papadaan na truck,parang nag slow mo ang buong paligid, hindi agad ako naka takbo ng dahil sa pagkabigla parang napako yung mga paa ko dun sa kinakatayuan ko. Tumingin ako kay dad at kitang kita ko yung mukha ni dad na nagulat ito kaya tumakbo agad siya papalapit sakin biglang bumalik sa normal ang lahat at tinulak ako ni dad kaya napahiga ako.

Nung tumingin ako kay dad naliligo na ito sa sarili niyang dugo. Hindi ako makatayo dahil sa sugat sa tuhod ko at may naramdaman akong dugo na tumutulo kaya hinipo ko ang kabilang banda ng noo ko at nakaramdam ako ng kirot nung tinignan ko yung kamay ko andaming dugo. Bigla akong nawalan ng malay...

Bigla akong nagising tumingin sa paligid puti lahat yung nakikita ko. Teka nasa hospital ako, sino naman ang nag dala sakin dito? Wala akong maalala. Lumipas lang ang ilang minuto naalala ko na ang lahat! Nabangga ng truck si dad. Tumayo agad ako at hinila ko ang dextrose, bubuksan ko na sana yung pinto kaso nga lang may nurse na binuksan ang pinto.

"Gising ka na pala beh, kamusta ka naman?" Tanong nung nurse.

"Im fine" Pagtataray ko. "Where's my dad?" Tanong ko.

"Ah yung dad mo nasa ICU kasama yung mom mo, bawal kang pumunta dun kasi masyado ka pang bata beh" Sabi nung nurse at binalik na ako sa kama ko.

"Sino ang nagdala samin dito?" Walang galang kong tanong.

"May nakakita kasi sainyo ng dad mo, ang sabi nung nakakita sainyo tinakasan daw kayo ng truck na nakabunggo sa dad mo" Sabi niya at may sinusulat siya sa notebook niyang dala.

Nerd into Princess Season OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon