Chapter 29 {Secret Relationship}

24 2 0
                                    

CHAPTER 29

Secret Relationship

AFTER 1 YEAR

BRYAN'S POV.

@Manila Philippines

Kasalukayan akong nakatingin ngayon sa picture namin ni Mary Rose, I miss her so much. Kelan kaya sila uuwi dito? Nasa Thailand kasi siya at mag si-six months na siya dun, medicine kasi ang course niya at dun siya nag aral ng medicine. Dapat sa America siya mag aaral pero nagbago ang isip ni Queen Alice kaya sa Thailand nalang siya nag aral kahit ayaw niya.

Nagtataka nga ako kung bakit nag medicine pa siya? Ang sa pagkakaalam ko ay magiging prinsessa siya pagkagraduate niya at ikakasal siya kay Jake, masakit para sakin pero kailangan kong tanggapin, tsaka masakit din para sakin na sikreto yung relasyon namin.

"Sir may bisita po kayo" Sabi nung maid namin.

"Sino yun?" Tanong ko.

"Si maam Hannah po"

Biglang nag init yung ulo ko ng marinig ko ang pangalang Hannah. Ano naman ang ginagawa ng babaeng yon dito?! Hindi pa ba siya titigil?!

"Diba sabi ko ayokong papasukin ang babaeng yon dito sa bahay!" Galit na sabi ko.

"Pero ser nagmakaawa po siya sakin, gusto ka daw niya po maka usap" Takot na sabi nung maid.

"Paalisin mo na siya! Kung hindi siya aalis tatawag ako ng securities para lang umalis siya!" Sigaw ko at pumunta sa veranda.

Nakita ko si Hannah na naiyak, aamin ko naaawa ako sakanya pero hindi ibig sabihin nun mahal ko pa rin siya. Si Mary Rose na ang mahal ko at hindi siya.

"Manang please gusto ko lang makausap si Bryan! Please manang! Parang awa mo na!" Rinig kong sabi ni Hannah.

"Sorry po maam pero kailangan niyo na pong umalis" Sabi nung maid.

"Hindi kamo ako aalis dito hangga't di niya ako kinakausap!" Sigaw ni Hannah.

Nung makalabas na ng gate si Hannah tumingin siya sa veranda kung nasaan ako. Kitang kita ko sa mata niya ang halo halong emosyon na nararamdaman niya.

"Bryan! Patawarin mo na ako!" Naiiyak na sabi ni Hannah pero hindi ko siya sinagot. "Bryan its been 1 year since we break up, lets move on Bryan. Mahal na mahal na mahal pa kita, alam kong mahal mo pa rin ako kaya bumalik na tayo sa dati" Dagdag pa ni Hannah.

'Sorry Hannah hindi na kita mahal' Sabi ko sa sarili ko at pumasok na ako sa loob.

"BRYAAAAAAAAAAN!!!!!" Narinig kong sigaw ni Hannah.

Kinabukasan....

Di ko namalayan na nakatulog na pala ako dito sa sofa ng kwarto ko. Tumingin ako sa wall clock 6:30am na, makapag jogging nga muna dito sa village. Pagkabangon ko naligo agad ako at nag bihis ng pang jogging.

Pagkababa ko naabutan ko dun si mom at dad na magkausap habang nakaupo sa sofa. Hindi man lang sila nag sabi na uuwi pa sila ngayon.

"Goodmorning mom and dad!" Masiglang bati ko sakanila.

"Oh son ang aga mo naman magising?" Nagtatakang sabi ni mom at namumugto ang mata nito.

"Ma are you okay?" Nag aalalang tanong ko kay mom at umupo sa tabi ni mom.

"Son kaya kami nandito para sunduin ka, we need to go back in Italy mamayang hapon" Naiiyak na sabi ni mom.

"W-why?" Kinakabahan kong tanong.

Nerd into Princess Season OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon