CHAPTER 35 (LAST CHAPTER OF SEASON 1)
MARY ROSE POV.
Its already 5pm at kakalapag lang ng private plane na sinakyan namin. Sobrang saya ko, sa wakas nakabalik din ako dito sa Pilipinas. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid, 3 weeks lang ako dito sa Pinas samantalang si Sic naman ay 1 month dito kaya mauuna akong bumalik sa Paris. Hindi sana ako papayag na 3 weeks lang ako dito sa Pilipinas dahil madami akong aasikasuhin dito. Bago kami pumunta dito binilhan ako ni mom ng condo para daw may matuluyan ako.
Habang nasa byahe kami ni Sic hindi ako kumikibo, ang awkward shit. Bigla akong nakaramdam ng konsensiya, hindi ko alam kung bakit. Minsan natatanong ko sa sarili ko kung mahal ko na ba si Sic? Pero hindi yun kasama sa plano ko, sa oras na nagkaharap harap na kami ulit nina Lara tsaka ko lang aaminin sakanya ang totoo kong pakay sakanya at papatayin ko siya. Si Lauren ang nag isip non at hindi ako, kung hindi daw namin gagawin yon gagawa ng hakbang si Sic para kalabanin ako, kami. Mahirap daw kalabanin ang mga Santos dahil makapangyarihan daw ang mga ito.
"Mary Rose sabi ni dad sa mansion ka daw muna tumuloy kahit 3 days lang daw, gusto ka daw niya kasi maka bonding." Naka ngiting sabi ni Sic at hinawakan ang kanan kong kamay.
Bigla namang tumibok ng mabilis ang puso ko. What the fuck?! Ano ba ang nangyayari sakin?
"Sige." Matipid kong sagot at nginitian ko ito.
After 1 hour pumasok kami sa isang private subdivision, halatang mayayaman ang mga nakatira dito. Biglang tumigil ang sasakyan sa isang black na gate at may naka ukit na 'Santos' eto na siguro ang mansion nina Sic. Gate pa lang halatang susyalin na. Biglang kusang bumukas ang gate kaya pumasok na ang sasakyan, maraming puno ang nasa paligid at may mga bulaklak din, ibang iba toh sa mansion ng mga Cervantes. May fountain din dito, sobrang yaman talaga ng mga Santos.
Medyo kinakabahan ako dahil for the second time makikita ko nanaman ang kinakainisan kong nanay ni Sic si Mrs. Santos. Pumunta siya sa Paris 2 weeks ago, akala ko mabait siya pero hindi pala. Nung unang kita namin tinapunan niya ako ng wine sa mukha, akala ko hindi niya pa ako kilala pero akala ko lang pala iyon, kilala niya pala ako pero hindi niya alam na ikakasal na pala ako kay Jake. Ewan ko ba sa matandang yun ang init ng ulo sakin, wala naman akong masamang ginagawa sakanya, baliw lang HAHA! charot.
Tumigil na ang sinasakyan naming sasakyan, unang bumaba ng sasakyan si Sic at inalalayan ako nito makababa ng sasakyan. Pagkababa ko nagulat ako dahil nag bow ang lahat ng trabahador ng mga Santos sakin, hindi pa naman ako prinsessa ah? Bakit sila nagbibigay galang sakin?
"Welcome to our mansion Ms. Quintos." Narinig kong sabi ng isang matandang lalaki, puro puti na ang buhok nito, medyo kahawig siya ni Sic. Siya siguro yung tatay ni Sic?
"He's my dad." Bulong sakin ni Sic.
"Its nice to see you Mr. Santos." Pormal kong sabi at ngumiti.
"Masyado ka namang pormal Ms. Quintos, call me tito Jon." Naka ngiting sabi ni Mr. Santos este tito John at lumapit ito samin.
"Okay po Mr. Santos I mean tito Jon. Just call me Mary Rose nalang po hehe, masyado ding pong pormal ang pagtawag niyo sakin ng Ms. Quintos." Kunwaring natatawa kong sabi.
Nag yaya ng pumasok sa loob ng mansion si Mr. Santos kaya pumasok na kami. Wala daw si Mrs. Santos dahil nasa meeting daw ito kaya nawala ang kaba na nararamdaman ko. Apat na magkakapatid sina Sic, pangatlo si Sic. Ang panganay at pangalawa daw ay nasa America dahil nandun ang iba nilang negosyo. Ang bunsong kapatid ni Sic ay babae, si Katrina. Akala ko katulad siya ni Mrs. Santos na ubod ng sama pero hindi pala. Ngayon lang daw ulit nagdala ng babae si Sic dito sa mansion kaya natuwa naman ako at the same time bigla bigla nalang akong inaatake ng konsensya, bullshit.
BINABASA MO ANG
Nerd into Princess Season One
Teen FictionHi Im Marie Nicole Cervantes, oo nerd ako... Wala akong ibang ginawa kundi mag aral pero sa isang iglap biglang nagbago ang buhay ko, may nakilala akong isang lalaki na nagpabago sa buhay ako, hindi ko alam na part pala siya ng royal families. Aamin...