Chapter 24 {Depression}

34 7 1
                                    

After 1 week

Nicole's POV.

Dapat ngayon ang punta namin sa Paris pero hindi na kami natuloy kasi wala na si dad, iniwan niya na ako, iniwan niya na kami. Nandito ako ngayon sa puntod ni dad at hanggang ngayon umiiyak pa rin ako. Hindi ko matanggap na wala na si dad.

"Dad sorry kung nadamay ka" Sabi ko habang umiiyak.

Biglang bumuhos ang ulan pero wala akong balak sumilong. Hinayaan ko lang yung sarili ko na umiyak. I hate this feeling, bakit ba ang malas ko? Simula ng mamatay si dad nagalit ulit sakin si grandma kasi lagi nalang daw nadadamay si dad. Si mommy naman galit din sakin, si ate Lauren simula nung makalabas ako ng hospital hindi niya ako pinapansin.

Minsan naiisip ko na magpakamatay na lang kaya ako? Siguro pag namatay ako dun lang ako mahal ng lahat. Sana ako nalang yung pinatay ni Angelica at hindi si daddy.

"Dad ikaw na po ang bahala sakin ha? Miss na miss na kita dad kahit pinapagalitan mo ako, I love you dad. Sorry kung hindi ko yan nasasabi sayo nung buhay ka pa" Sabi ko at yinakap ko ang dalawa kong tuhod.

Bigla akong hindi nakaramdam ng patak ng ulan kaya tumingala ako at may nakita akong babae na nasa 40+ pa lang ata. Hindi ko makita yung mukha niya kasi nanlalabo yung mata ko sa kakaiyak.

"Nicole, anak" Tawag niya sakin kaya napa tayo ako at pinunasan ko yung mga luha ko.

"Mommy Alice?" Naka ngiti kong sabi.

"Yes I'am" Naka ngiting sabi ni mommy kaya yinakap ko siya ng mahigpit.

Hindi ako makapaniwala na nakita ko ulit si mommy at nayakap ko siya. Ganto pala yung feeling pag nakayakap mo yung totoo mong mommy, sobrang saya. Agad akong humiwalay sa pagkayakap at tumingin kay mommy.

"Akala ko hindi na ulit po kita makikita," Naka ngiti kong sabi "Mommy" Tawag ko sakanya.

"Ang sarap pala sa feeling na tinatawag ka ng anak mo na mommy, Im so blessed na nagkaroon ako ng anak na tulad mo" Sabi ni mommy at hinawakan ang dalawa kong kamay. "Kanina ka pa ba dito?" Tanong ni mommy.

"Opo" Matipid kong sagot.

"Tignan mo basang basa ka ng ulan, baka magkasakita ka niyan" Nag aalalang sabi ni mom.

"Mommy wag niyo na po akong aalahanin okay lang po ako, strong po ako e!" Sabi ko at pinakita ko yung braso ko kunwari may muscle.

"Hahaha mana ka kay Troy sobrang pilya mo" Natatawang sabi ni mommy.

"What is pilya mom?" Nag tataka kong tanong.

"Pilya is parang makulit or mapang asar?" Hindi sigurado na sabi ni mommy.

"Ahh... Buti po naka punta po kayo dito sa Pilipinas mom?" Sabi ko.

"Kasama ko si mom at dad, gusto kitang ipakilala sa grandma at grandpa mo, ikaw lang kasi yung nag iisa nilang apo. Yung tita mo kasi 18 pa lang" Sabi ni mom.

"Nakakahiya po mommy, tignan niyo naman po itong suot ko madumi na" Nahihiya kong sabi.

"Edi pupunta tayo sa mansion niyo" Sabi ni mommy.

"E mommy nandun po si mommy Louisse at si grandma" Sabi ko.

"Dont worry Nicole, ako ang bahala sakanila" Naka ngiting sabi ni mom.

*Mansion*

"Saan ka nang galing at ngayon ka lang?" Mataray na tanong ni mommy Louisse.

"Galing po ako sa memorial binisita ko lang po si dad" Sabi ko at pumunta na sa kwarto ko.

"Hindi pa kita tapos kausapin, wala ka talagang galang. Siguro ganyan din yung nanay mo mga taga sqauter" Natatawang sabi ni mommy Louisse.

Nerd into Princess Season OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon