Chapter 4 {Im Sorry}

40 10 1
                                    

Nicole's POV.

Hindi mawala sa isip ko yung sinabi sakin ni Jake kahapon. Gusto niya ako? Nagpapatawa ba siya? Siya? Magkakagusto sakin? E ang panget panget ko nga tapos nerd ako. Hindi niya ako deserve. Oo na aamin ko gusto ko siya pero hindi pwede kasi may usapan kami ni dad. Hangga't di pa daw ako nag de-debut hindi niya ako papayagan mag boyfriend.

Siguro eto na talaga yung time na umiwas ako sa kanya? Kung mas lalo pa kaming mapalapit sa isa't isa aasa lang ako at masasaktan kasi hindi ako sigurado na gusto ba talaga ako ni Jake o linoloko niya ako. Tama si dad pampagulo lang sa pag aaral ang magkaroon ng boyfriend. Masasaktan lang ako.

"Ms. Nicole ready na po yung hapunan" Sabi nung maid at umalis na.

Wala akong balak kumain, pag uusapan lang naman nila daddy at mommy tungkol sa pagbalik namin sa Paris. Masyado kasing excited si daddy kasi daw after many years daw babalik na kami sa Paris. Pagkababa ko nagulat ako kase nandun si tita Celestina.

"Tita Celestina!" Sigaw ko at nag mamadaling bumaba sa hagdan. "pourquoi es-tu ici tante?" (Why are you here aunt?) Naka ngiti kong tanong. Hindi masyadong marunong mag english at tagalog si tita Celestina kaya nag french nalang ako.

"Ano ka ba! Wag ka na mag french marunong naman na ako mag tagalog e" Naka ngiting sabi ni tita Celestina.

"Omg titaaa kailan pa kayo natuto?" Naka ngiti kong tanong.

"Nung pumunta kami dito, kaya lagi ako umalis kasi pinag aaralan ko yung language niyo para 'di na kayo mag french" Sabi ni tita."Kaya ako nandito para kamustahin kayo, tsaka miss na miss na kita" Naka ngiting sabi ni tita sabay yakap sakin kaya yinakap ko din siya.

Humiwalay na ako sa pagkayakap nakalimutan ko kasi na kakain na pala kami. "Tara na tita kain na tayo" Sabi ko sabay hila kay tita papuntang dining room.

Biglang nagbago yung expression ng mukha ko ng makita ko si lola with my 2 cousin si Megan at Rochelle ang dalawa kong pinsan na ubod ng sama ng ugali. Tinignan ako ni dad ng masama, sign yun na batiin ko si Rochella, Megan at si grandma.

"Pourquoi es-tu ici Rochelle et Megan? Êtes-vous ici pour perturber ma vie?" (Why are you here Rochelle and Megan? Are you here to disturb my life?) Palaban kong tanong.

"Nicole! Stop saying that to your cousins!" Sabi ni grandma at lumapit sakin sabay sampal.

"Totoo naman lola e! Lage nalang sila yung bida sainyo! Sila lang yung tinuturing niyong apo! Ako?! Iba ang turing niyo saken! Ganyan ba ang ginagawa ng isang lola?! Sinasamal at binabalewala ang apo?! Sana ako nalang sila para importante din ako sainyo! Alam mo ba grandma sobrang sakit ng nararamdaman ko tuwing hindi niyo ako pinapansin! Grandma! Sana pinagmamalaki niyo rin ako tulad ng pagmamalaki mo sa iba mong apo! Hindi lang sila yung apo mo! Apo mo din ako grandma!" Sabi ko habang naiyak at bumalik na sa kwarto ko.

Sinara ko ng malakas yung pintuan ng kwarto ko at linock iyon. Wala na akong pake kung pagalitan ako ni dad, ang mahalaga na sabi ko kay lola lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Kinabukasan...

Pagkagising ko pinatawag agad ako ni dad sa office niya kaya pumunta agad ako. Inhale, Exhale.... Kinakabahan ako, Sigurado naman ako na papagalitan ako ni daddy kung ano ano kasi pinagsasabi ko kay grandma kagabi, nadala lang talaga ako sa galit kasi naman ikaw kaya sampalin ng lola mo. Sa tingin mo matutuwa ka? Diba hindi.

"Nicole! Alam mo sobrang galit na galit ang lola mo! Kung ano ano ang pinag sasabi mo kay mom ayan! Ako ang napahiya! At hindi ikaw!" Naiinis na sabi ni dad at binagsak niya sa lamesa ang dalawa niyang kamay kaya sumabog lahat ng papeles ni daddy.

"Dad! Kaya ko lang naman nasabi yun kase nadala lang ako sa galit!" Sabi ko habang naiyak.

"Nadala sa galit? Alam mo galit rin yung mga pinsan mo dahil sa sinabi ko sakanila! Wala kang kwentang anak!" Sabi ni dad at sinampal ako ng malakas.

Biglang bumukas yung pinto ng office at pumasok si mommy.

"Troy! Wag mong saktan yung anak natin!" Sabi ni mommy at inalalayan akong tumayo.

"Pagsabihan mo yang anak ko na matutong gumalang!" Sabi ni dad at umalis na sa office.

"Are you okay Nicole? Dont mind your dad, kaya niya lang naman nagawa yun sayo kasi napahiya siya kay mom" Sabi ni mom at inalalayan akong maglakad papalabas ng office.

Sabado pala ngayon kaya wala kaming pasok. Pumasok na ako sa kwarto ko at umupo sa kama ko.

"Nicole ako na ang bahala sa daddy mo, kakausapin ko nalang siya para hindi siya magalit sayo" Sabi ni mom at lumabas na sa kwarto ko.

Kamusta na kaya si Jake? Sana hindi siya galit sakin kasi hindi ko sinasagot yung mga tawag at messages niya. Im sorry Jake kung ginagawa ko toh sayo, sure naman ako na alam mo na bawal naman ako mag boyfriend e. Sana maintindihan ni Jake.

Hay nakooo kung sasabihin ni dad na mag sorry ako kay lola at sa dalawa kong pinsan hindi ko gagawin yon. Biglang may kumatok at bumukas iyon.

Si Megan.

"Pourquoi es-tu ici? je ne pas besoin de toi" (Why are you here? I dont need you)" Pag tataray ko.

"Nicole, Je veux juste dire désolé" (I just want to say sorry) Sabi niya at lumuhod sa harap ko.

"Pardon? Est-ce que tu plaisantes?" (Are you joking?) Natatawa kong sabi.

"Non, je ne suis pas" (No, Im not) Sabi niya habang nakatingin sa sahig.

"Eh bien prouve le" (Then prove it) Seryoso kong sabi. Nag hintay ako ng limang minuto pero hindi pa rin siya nagsasalita. "Oh? Pourquoi tu ne peux pas parler?" (Oh? Why you can't speak?) Tanong ko.

Lumabas na ako ng kwarto, wala na akong oras para makipag talo pa sakanya. Puro naman kasinungalingan ang sinasabi niya. Nung pababa na ako ng hagdan narinig ko ang boses ni Jake. Anong ginagawa niya dito? Bakit kausap niya si mommy? Magtatago na sana ako kaso nga lang nakita ako ni mommy.

"Nicole! May bisita ka pala" Naka ngiting sabi ni mommy.

Itutuloy....

Nerd into Princess Season OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon