Part 1
Thirdperson POV.
May 18 2019
"What is your plan Angelica? Its May 18 na, diba ngayon mo gagawin yung binabalak mo?" Sabi ni Coleen.
"Isa sa mga kasambahay nila ay kasabwat ko, itetext niya sakin kung saan pupunta si Nicole isama na din natin si Lauren. Alam ko ang kahinaan ni Lauren" Sabi ni Angelica sabay hithit ng vape.
"Queen may nag text sayo" Sabi ni Lesley, isa din siya sa mga member ng BBGG.
"Who's that?" Tanong ni Angelica.
"Si Manang Vera, ang sabi niya papuntang Nasugbu Batangas si Nicole ngayon kasama si Lauren at ang mga bodyguards niya" Sabi ni Lesley.
"Tanungin mo kung saan sa Nasugbu" Utos ni Angelica, agad namang sinunod ni Lesley.
After 2 minutes tumunog yung cellphone ni Angelica.
"Sa Masasa Beach Resort daw, kasama pala nila yung mom at dad nila." Sabi ni Lesley.
"Okay, tara na pumunta tayo sa Batangas"
"What? Nandun yung family ni Nicole, for sure mahihirapan tayong kunin si Nicole" Nag aalalang sabi ni Sam. Si Sam ay member din ng BBGG.
"Dont worry guys, isasama natin si Jake at kukunin ulit ni Jake yung loob ni Lauren. Alam kong mahal pa ni Lauren si Jake." Seryosong sabi ni Angelica. Agad naman tinawagan ni Angelica si Jake para pumunta ito sa Nasugbu.
After 3 rings sinagot na ni Jake yung tawag.
"Jake? Pumunta ka sa Nasugbu, pupunta din kami" Sabi ni Angelica.
{Sakto nandito ako sa Nasugbu. Dito sa Masasa Beach Resort sinama kasi ako ni Lauren} Sabi ni Jake.
"Perfect! Pupunta kami jan ha?" Naka ngiting sabi ni Angelica.
{Huh? Ano namang gagawin niyo dito?} Tanong ni Jake.
"Jake remember its May 18" Sabi ni Angelica.
{Sige sige, ano ba yung plano niyo?} Tanong ni Jake.
"Dalhin mo sa uupahan naming kubo sina Nicole at Lauren" Sabi ni Angelica.
{Bakit kasama pa si Lauren? Diba si Nicole lang naman ang kailangan niyo?} Nagtatakang tanong ni Jake.
"Basta I have a plan" Naka ngiting sabi ni Angelica at inend call na ito.
*****
@Masasa Beach Resort
"Ang ganda dito ate Lauren" Naka ngiting sabi ni Nicole.
"Oo nga e" Sabi ni Lauren at kumapit sa braso ni Jake. "Babe pag kinasal tayo gusto ko dito yung honeymoon natin hihihi" Kinikilig na sabi ni Lauren.
"Sige ba" Naka ngiting sabi ni Jake.
Hinila ni Nicole si Lauren papalayo kay Jake at JM.
"Ate paano kayo nagkabalikan?" Nagtatakang tanong ni Nicole.
"Nag sorry siya sa mga ginawa niya kaya pinagbigyan ko siya, kawawa kasi" Sabi ni Lauren.
"Alam mo ate ang rupok mo, ate isa siya sa mga nagpapadala ng death threats sakin, tapos ngayon kayo na? Ate wag kang magpaloko sa lalakeng yan" Naiinis na sabi ni Nicole.
"Ano ba Nicole! Pwede bang wag mong pakielaman yung desisyon ko!" Sabi ni Lauren at iniwan niya si Nicole.
Pagkalapit ni Lauren kay Jake hinila niya agad ito papunta sa kubo kung nasaan sina Louisse at Troy.
BINABASA MO ANG
Nerd into Princess Season One
Teen FictionHi Im Marie Nicole Cervantes, oo nerd ako... Wala akong ibang ginawa kundi mag aral pero sa isang iglap biglang nagbago ang buhay ko, may nakilala akong isang lalaki na nagpabago sa buhay ako, hindi ko alam na part pala siya ng royal families. Aamin...