Chapter 6 {Father and Daughter}

42 9 0
                                    

Nicole's POV.

Kinabukasan...

Nagising nalang ako ng bigla dahil sa sikat ng araw. Sino ba ang nagbukas ng bintana. Ayoko ngang pinapabuksan yung bintana e. Nakita ko si mommy sa pinto ng kwarto ko at umiiyak pa rin ito.

"What are you doing here?" Walang emosyon kong sabi.

"Sorry Nicole kung hindi namin sinabi agad sayo na anak ka ng prinsessa, ayaw kasing ipasabi sayo ni Troy baka daw kasi hanapin mo yung tunay mong mommy kaya sinikreto nalang namin sayo, pero balak na naming sabihin sayo pag naiintindihan mo na ang lahat. Pero ngayong alam mo na sana hindi ka pumunta sa Paris para hanapin ang mommy mo." Sabi ni mommy at lumapit sakin.

"Wag kang lalapit sakin!" Sigaw ko sakanya. "Akala ko ikaw yung mommy ko talaga! Pero hindi! Dagdag ko pa. "Hindi kita kadugo para sabihin mo yan saken! At tsaka wag ka ngang mangialam ng problema ko! Hindi kita kadugo! Pero hindi ako papayag na makipag divorce sayo si dad kase ayokong maging stepmother si tita Louisse. From now on hindi na kitang tatawaging mommy," Sabi ko at pumunta na sa cr para maligo.

Pagkatapos kong maligo wala na dun si tita Sheena. Buti nalang baka dramahan pa ako nun. Kinuha ko yung dalawa kong maleta para mag impake. Pagkatapos kong mag impake napa upo ako sa kama ko. Ngayong alam ko na, na anak ako ng isang prinsessa pupunta ako sa Paris para hanapin ang prinsessang tinutukoy ni mommy. Princess Alice... 

Biglang pumasok si daddy sa kwarto ko at nagtataka siya kung bakit naka impake ang iba kong gamit.

"Where are you going?" Seryosong tanong ni dad.

"Im going back to Paris, dad" Walang emosyon kong sabi.

"Hindi ka babalik doon!" Sigaw ni dad.

"Daddy! Hayaan mo nalang ako na hanapin ko yung tunay kong mommy!" Sabi ko.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi pwede!" Galit na sabi ni dad. "Hindi porket alam mo na kung sino ang tunay mong nanay hahanapin mo na! Hindi ko hahayaan na mapahamak yang buhay mo ng dahil lang sa Alice na yon! Once na nagpakita ka sakanila at pag nalaman nila na ikaw ang anak ni Alice papatayin ka nila! Kaya hindi ko sinabi sayo ang totoo!" Sabi ni daddy at umiyak siya.

Eto ang unang pagkakataon na nakita kong umiyak si daddy.

"Sorry dad" Yan nalang yung nasabi ko at lumapit kay dad para yakapin siya. "Hindi ko na po uulitin, pero dad wag niyo po sanang hiwalayan si mommy ayoko pong maging nanay si tita Louisse at mas lalong ayokong maging stepsister si Lauren" Sabi ko at humiwalay na sa pagkayap. "Sorry din po dad sa mga pinagsasabi ko kay grandma, nadala lang po kasi ako ng galit" Dagdag ko pa.

"Naiintindihan kita Nicole, alam ko naman na sobrang sakit sa pakiramdam na hindi ka tinuturing na apo ni mom. Kakausapin ko nalang si mom para sayo. Para naman maging maganda na yung pakikisama niya sayo" Sabi ni dad at lumabas na ng kwarto.

Eto ang unang pagkakataon na seryoso kami sa pinag uusapan namin. Oo mahal ko ang dad ko pero hindi ko lang masabi sakanya. Siguro pag sumama ako sa tunay kong mommy mahihirapan siguro si dad na wala ako sa tabi niya, kahit lagi niya akong pinapagalitan I still love him.

Siguro kung wala siya hindi niya mapipigilan yung pamilya ni mommy Alice na patayin ako. Sobrang thankful ako kasi nagkaroon ako ng daddy na tulad niya...

Hala 3am na pero hindi pa rin ako natutulog. Siguro kailangan ko muna mamasyal? May sarili na akong sasakyan kaya pwede ako mamasyal. Pero 3am pa lang ng madaling araw. San kaya pwedeng pumunta. Hindi na kasi ako makatulog nawala yung antok ko sa mga nalaman ko ngayon. Hay nako makababa na nga lang bigla akong nagutom.

Nung nasa kusina na ako nakita ko si grandma, nakita niya rin ako pero hindi niya ako nginitian o binati man lang. Kumuha ako sa reff ng bacon at linuto iyon.

"Are you still mad at me?" Muntik na akong mapatalon ng dahil sa gulat, eto kasi ang unang pagkakataon na tanungin ako ni grandma ng hindi galit.

"No" Matipid kong sagot.

"Im sorry Nicole" Malungkot na sabi ni lola.

"Its okay grandma" Sabi ko at ngumiti.

Kinabukasan... Monday na makikita ko nanaman yung mga classmates ko na ubod ng sama ng ugali. Sa totoo lang sobrang saya ko kase okay na kami ni lola, mabuti na yung trato niya saken. Sana laging ganto para masaya. Naalala ko lang kamusta na kaya si tita Sheena? Sabi kasi ni daddy umalis na daw sa mansion si tita Sheena.

Pagkapasok ko sa classroom ang sama ng tingin nila saking lahat pero di ko sila pinansin. Bakit ba sila galit sakin? Ano nanaman ba nagawa ko sakanila. Tapos na ang first class, pupunta na sana ako sa sa second class ko pero pinalibutan ako ni Lauren, Anne, at si Chelsea.

"What is the meaning of this?!" Galit na galit na sabi ni Lauren at pinakita sakin ang hawak niyang cellphone na picture naming dalawa ni Jake sa park eto yung araw na umamin siya sakin na gusto niya ako.

"Lauren, may sinabi lang siya nung time na yan" Sagot ko.

"At anong sinabi niya sayo?!" Tanong ni Lauren.

"Bakit gusto mong malaman?!" Naiinis kong tanong.

"Aba lumalaban ka na naman!" Sabi ni Lauren at sinampal ako ng malakas.

"Lauren! Itigil mo na yan!" Sabi ni Jake at hinila niya papalayo si Lauren at yinakap niya ito.

Nagulat ako sa ginawa ni Jake, ginawa niya yon kay Lauren? Nagkabalikan na sila? Bat ganto yung nararamdaman ko? Nag seselos ba ako? Kasi ang sakit e, sobrang sakit na makita ko na yakap ni Jake si Lauren.

Tumakbo agad ako papalabas ng room at pumunta sa garden para ilabas ang sakit na nararamdaman ko. Oo gusto ko si Jake! Oo nag seselos ako! Pero wala na akong magagawa, nagkabalikan na sila.

"Hey, Nicole sorry kung 'di ko agad nasabi sayo yung totoo, actually sasabihin ko naman talaga sayo kaya ako pumunta sa mansion niyo pero pinaalis mo ako" Sabi ni Jake.

Hindi ko siya sinagot, hinayaan ko lang yung sarili ko ma umiyak. Bakit naman kung kelan na-realize ko na gusto ko siya tsaka lang sila nagkabalikan ni Lauren? Ang malas ko naman talaga.

"Nicole, yung pag amin ko pala sayo na gusto kita is totoo yun" Sabi ni Jake at umalis na.

I hate you Jake!

Itutuloy....

A/N:

Sorry kung ngayon lang ako nakapag update, madami lang kasing nangyari kaya sorry talaga kala ko kase masisira na yung phone ko kaya di na ako nag update. Promise bukas ay may update ba ulit ako... Thank you :>

Nerd into Princess Season OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon