Chapter 1

1K 40 1
                                    

Hindi na ako masyado nakakabalik sa head quarter dahil busy ako sa trabaho ko. Ang dami kailangan gawin ngayong araw kahit sa susunod pang araw.

Habang abala ako tumingin sa mga pictures sa camera ko ay may narinig akong nagdodoorbell sa labas. Sino naman kaya ang isturbo?

Binuksan ko na ang pinto para dahilan kumunot ang noo ko. Ang pagkaalam ko nagbayad na ako ng renta ah. Bakit nandito ang gurang na ito?

"Malabo namang renta ang pinunta niyo dito dahil ang pagkaalam ko ay nagbayad na ako sa inyo ngayong buwan."

"Hindi iyan ang pinunta ko dito."

"Eh, ano?"

"Alam mo naman ang patakaran ko, diba? Kung gusto mong makatipid sa renta dito sa apartment ag kailangan mo magkaroon ng roommate para hati kayo sa babayarin."

"Sa tagal ko ng nakatira dito at ilang beses ko na sinabi sa inyo na hindi ko kailangan ng roommate. Alam niyo naman ayaw ko may mangingialam ng mga gamit ko. Paano kung may mawala ah? Sagot niyo ba? Hindi naman, diba? Sa iba niyo na lang siya patuluyin."

"Hindi pwede, Miguel dahil buo na ang desisyon ko at kinausal ko na rin siya kanina na huwag pakialamin ang mga gamit mo."

"Fine. May magagawa pa ba ako? Kailan ko ba siya nakikita?"

"Mamaya." Tumango ako sa kanya at mabuti na lang umalis na ang gurang na iyon.

Busy ulit ako sa camera ko ng may nagdoorbell ulit. Iyon na siguro ang roommate ko daw.

Binuksan ko na ang pinto kaso nagulat ako ng makita kung sino ang nasa harapan ko ngayon.

"You!" Turo ko pa sa kanya. Kapag sinuswerte ka naman. Yung tomboy na bumangga sa akin noong isang gabi ang makakasama ko sa apartment. Tsk.

"Hi. I'm Robin Fuentes." Pagpakilala niya sabay lahad ng kamay at ngumunguya pa siya ng chewing gum.

"Miguel." Tumalikod na ako sa kanya. "Paalala ko lang sayo, huwag na huwag ka papasok sa kwarto ko na walang permiso ko."

"Okay, bro."

"And don't you ever call me bro. Hindi tayo close."

"Ano ang itatawag ko sayo?"

"Just Miguel."

"Alright, then. I will call you Miggy." Humarap ako saka kumunot ang noo ko sa kanya. Kaso biglang sumakit ang ulo ko na hindi ko maintindihan.

"Magpapahinga na ako. Bahala ka na kung ano ang gusto mong gawin. Basta ayaw ko rin ng makalat." Sabi ko bago pumasok sa kwarto ko.

Humiga na ako sa kama saka tumingin sa kisame. Bakit ganoon? Biglang may naalala ako ng tawagin niya akong Miggy. Pakiramdam ko may tumatawag na sa akin na ganoon noon pero hindi ko maalala kung sino.

Nagising ako dahil nakaamoy ako ng masarap na amoy. May nagluluto sa kusina ngayon. Sino naman kaya? Pumunta na muna ako sa banyo para maghilamos ng mukha at dumeretso na ako sa kusina hanggang may nakita akong tao nagluluto nga. At doon ko lang naalala may roommate na pala ako.

"Hindi ko alam marunong ka pala magluto."

"Oo naman. Ilang taon na rin ako nakatira na magisa dahil kung saan saan na ako nakakarating."

"Anong bansa na ang pinuntahan mo?" Tanong ko at umupo na sa harap ng hapag.

"Hmm... Italy, Singapore, Japan, Korea, USA. Marami na rin at hindi ko na maalala ang iba ko pang pinuntahan." Humarap siya sa akin at tinuro sa akin ang hawak niyang spatula. "Ikaw?"

"Italy lang dahil sa iyon sa trabaho ko."

Dati kasi sa Italy kasi naka destino lahat pero pinalipat ang team namin dito sa Pilipinas dahil mas kailangan ang tulong namin dito. Dito na nga rin nagkaroon ng pamilya ang tukmol.

"Ano ang trabaho mo, Miggy?"

"Freelancer photographer."

"Oh. That's nice."

"How about you?"

"Baker. Gusto ko nga magtayo ng pastry dito pero wala pa akong nahahanap na gandang lugar."

"Good luck for finding a place." Sabi ko at tumayo na rin ako.

"Hindi ka ba kakain? Malapit na ito matapos."

"Mamaya na lang ako kakain. Marami pa akong gagawin." Pumunta na ako sa sala at umupo sa sofa. Kinuha ko na rin ang camera ko nasa center table. Mabuti hindi niya talaga pinakialam ang camera ko. Importante sa akin ang camera kong ito at hindi pwede mawala sa akin.

Tumingin ako sa phone ko ng tinatawagan ako ni Oliver.

"Oliver, bakit?"

"Pwede ka ba this Saturday?"

"Bakit? Ano meron?"

"Susukatan tayo ng tuxedo. Alam mo naman malapit na ako ikasal, Mig."

Nawala sa isip ko ang tungkol doon. Malapit na nga pala ang kasal ni Oliver.

"Yes, I'm free."

"Great. Doon na lang tayo magkita kita sa boutique ni Sarah. After lunch. Don't forget." Sabi niya bago binaba ang tawag.

Napatingin ako sa bagong dating na si Robin. Napaisip din ako bigla dahil panigurado akong kasama nila ang mga asawa nila sa kasal ni Oliver at ako lang ang walang kasama.

"Talaga bang tomboy ka? O gusto mo magbago?"

"Huh? Anong klase tanong iyan?"

"Sa tingin ko naman maganda ka maging babae."

"Iniinsulto mo ba ang pagkatao ko?"

"Sorry. I didn't mean to insult you." Binalik ko na ang tingin sa hawak kong camera.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at tinanong ko siya ng ganoon. Tomboy siya at walang tomboy na gusto maging babae. Mas pinili nila ang maging lalaki kaysa maging babae.

"Bakit mo ba natanong ang ganoong bagay ah?"

"It's nothing. Forget it."

"Baliw ka na siguro." Inangat ko ang tingin sa kanya habang kunot ang noo.

"Ano ang sabi mo? Baliw? Ako?"

"Oo. Bigla mo na lang iniisip na gawing babae ako."

"Hindi ba ang sabi ko kalimutan mo na lang ang tinanong ko sayo kanina? Ano ba ang mahirap doon ah?"

"Wala naman."

Maghahanap na lang siguro ako na makakasama ko sa kasal ni Oliver para naman hindi ako kawawa sa kanila. Alam naman nila isa akong babaero kaya hindi na iba sa kanila iyon.

"Ako naman ang magtatanong sayo." Tumingin ako sa kanya na ngayon nasa tabi ko na siya.

"Siguraduhin mong matino iyang tanong mo sa akin."

"Bakit ba mas ginusto mo ang maging photographer?"

"Hindi ko alam. Bigla na lang nagkaroon ako ng interesado kumuha ng mga picture."

"May girlfriend ka?"

"Wala. Bakit? May balak ka ng mag-apply?"

"Ang kapal mo at kadiri ah. Hindi ako pumapatol sa kapwa ko."

"Hindi ka pumapatol sa kapwa mo dahil babae ang gusto mo."

"Hindi rin. Wala akong balak pumasok sa isang relasyon. Mas gusto ko pa ang magisa."

"Alam mo magkakasundo tayo diyan. Kahit maraming tao na ang nagtatanong sa akin kung bakit wala pa akong asawa. Wala akong balak matali, no!"

"Hindi kaya bakla ka?"

"Gusto mo bang halikan kita?" Tinanong ko rin siya baka bumalik siya sa pagiging babae kapag hinalikan niya ako.

"Inaamin mong bak—" Hindi ko pinatapos ang sasabihin niya dahil hinila ko siya papalapit sa akin. Kitang kita kung paano siyang nagulat kaya ngumisi ako.

"Kahit pala sa tomboy ay malakas din ang epekto ko." Sabi ko sabay tawa.

I Lay My Love On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon