Chapter 7

663 23 1
                                    

Takbo lang ako ng takbo dahil may humahabol sa akin. Hindi ko nga alam kung saan ako pupunta dahil hindi naman ako familiar sa lugar na ito.

Huminto ako sa pagtakbo dahil dead end na pala itong pinuntahan ko. Isang bangin na ito. Konting mali ko lang ay baka mahulog ako. Shit. Kapag minalas ka naman.

Lumingon ako sa likuran ko but to my surprise ay wala na akong kawala. Katapusan ko na!

"Wala ka ng kawala ngayon, miss." Sabi noong isang lalaki na may nakakalokong ngiti. Ang creepy. Hindi bagay sa kanya ang ngumiti.

Wala ako magawa kundi ang umatras sa kanila. Tsk. Tumingin ako sa ibaba at napalunok. Ang lakas pa naman ng alon dahil sumabay pa ang ulan. Anak ng— damn it. Dito na matatapos ang buhay ko.

Pero dahil sa katangahan ko ay tuloy pa rin ako sa pagatras hanggang sa nahulog na ako sa bangin. Shit.

Nagising ako sa hindi familiar na lugar. Wait nga lang. Buhay ako? Paano? Ang taas ng nahulugan ko kanina.

"Mabuti naman nagkaroon na ng malay. Pinagaalala mo ko." Nagulat ako na may narinig akong familiar na boses at tumingin ako sa kanya. Nakita ko si Miguel nakaupo sa isang tabi pero teka— he is half naked?! Tumingin rin ako sa sarili ko. "Wala akong ginalaw sayo habang wala ka pang malay. Sabi ko nga sayo hindi ikaw ang tipo kong babae na gagalawin ko."

Ang sakit talaga niya magsalita.

"Ano nangyari? Ang naalala ko lang ay nahulog ako kanina sa bangin." Umupo na rin ako pero wala kahit anong masakit sa katawan ko.

"Bago ko sabihin sayo nangyari ay mas mabuti pang maghubad ka na muna para hindi ka magkasakit. Ako pa ang papagalitan ni Zion kung may mangyari sayo."

"Um, pwede bang tumalikod ka na muna?"

"Tsk. Arte. Para naman may pagnanasa ako sayo." Tumalikod na siya sa akin pero narinig ko para bang ngumuwi siya.

"Ayos ka lang?"

"I'm fine." Sagot niya kaya hindi na ako nagsalita pang muli.

Hinubad ko na ang damit ko maliban sa underwears.

"Pwede ka na humarap." Umupo na ulit ako sa tabi ng apoy para mainitan man ako. Ang lamig kasi dahil sa lakas ng ulan. Humarap na rin siya sa akin. "Sabihin mo na sa akin ang nangyari."

"Sinabihan kita na huwag kang aalis sa pwesto mo kanina!" Inis niyang sambit sa akin.

"Paano kung patayin ako ng mga humahabol sa akin kanina ah? Mumultuhin kita!"

"Tsk. Hinanap kita kung saan saan hanggang sa nakita kita nahulog sa bangin. Wala na akong pakialam sa mga lalaking humahabol sayo dahil isa lang naman ang nasa isip ko. Ang iligtas ka kahit ano pa ang pwedeng mangyari. Kahit mamatay tayong pareho. Kahit malakas ang alon ay nilangoy ko pa rin hanggang may nakita akong kweba. Kumuha ako ng ilang kahoy para may apoy tayo dito pero ang masamang palad nasira ang phone ko dahil sa pagkahulog natin kanina sa tubig. Hindi tayo makakatawag sa head quarter para humingi ng tulong."

Ganoon pala ang nangyari.

Tumingin ako sa isang paa niya dahil namamaga iyon. Kaya ba narinig ko siyang ngumiwi kanina? Lumapit ako dahil nagaalala ako sa nangyari sa kanya. Kasalanan ko ito.

"Ano nangyari dito?"

"Hindi ko alam kung saan ito tumatama kanina."

"I'm sorry. Kasalanan ko kung bakit nangyari ito sayo. Teka." Tumayo na ako. "Maghahanap ako ng herbal leaves kung meron ba dito."

Palabas na sana ako ng hawakan niya ang braso ko. Ang weird dahil nakaramdam akong kuryente dumaloy nang hawakan niya ako.

"No need. Maga lang ito at hindi ko naman ikakamatay itong nangyari sa akin."

"Pero—"

"No buts. Ang isipin na lang natin kung paano tayo hihingi ng tulong sa head quarter."

Gusto ko sana tulungan si Miguel pero paniguradong basa na rin ang phone ko dahil sa nangyari kanina. Sa susunod kasi waterproof na ang bibilihin kong cellphone para hindi masisira kapag nahulog kami sa tubig.

"Hindi rin naman tayo makakaalis agad dito dahil malakas pa ang ulan. Dito na muna tayo magpalitas ng gabi." Sabi ko sa kanya. Bakit kasi ngayon pa sumabay ang malakas na ulan na ito? Bwesit naman. Hindi marunong makisama ang panahon.

Wala ng umiimik sa aming dalawa ngayon. Yakap-yakap ko na lang ang tuhod ko.

"May sinabi ba sila na ito ang huling misyon ko?" Tanong ko sa kanya na hindi ko inabalang tingnan siya.

"Huh? What do you mean?"

Napaangat ako ng tingin at nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa akin. Ibig sabihin wala pala sinabi ang iba na ito ang huli ko dito bilang spy agent.

"Aalis na ako bilang spy agent. Ito na nga ang huling araw ko pero nabigo pa. Tsk."

"Kasama rin ba sa trabaho mo bilang spy agent na maging boyish?"

"Hindi ah. May ibang dahilan ako kaya ako naging boyish. Personal na dahilan at hindi na importante kung ano iyon."

Nakita kong tumabi sa akin si Miguel at namilog ang mga mata ko ng makita kong bakat ang nasa gitna niya kaya umiwas ako ng tingin.

Gaano kaya kalaki iyon?

Shit, shit. Ano ba itong iniisip ko? Nagiging marumi na ang utak ko.

"May nagustuhan ka na bang babae noon?" Lumingon ako ng tanungin ko siya.

"Why did you asked me that kind of a question all of a sudden?"

"Sorry. Personal na ang tanong ko sayo. Hindi mo na kailangan sagutin iyon."

"Meron na. Ang akala ko nga dati siya na ang babae para sa akin dahil minahal ko siya ng lubusan."

"Aba, may sineryoso ka na pala noon."

"Meron naman pero siya rin ang dahilan kung bakit ako naging babaero. Niloko kasi niya ako. Nahuli ko siya noon na may katalik na ibang lalaki."

"Sorry. Hindi ko alam ganoon pala ang nangyari sayo."

"Ayos lang. Naka move on na rin naman ako sa kanya pero may isang bagay na gusto ng mga kaibigan ko. Ang maging seryoso ako sa isang relasyon."

"Wala naman masama kung gagawin mo ulit iyon, diba? Kasama rin naman sa isang relasyon ang masaktan."

"Nasaktan ka na ba?"

"Oo. Once because he is my first love. Hindi niya kasi alam na may gusto ako sa kanya pero ayos na rin na wala siyang alam. Move on na rin naman ako sa kanya."

"Matulog ka na. Baka bukas ay titila na rin ang ulan at maghahanap ako ng telephone kung meron man malapit dito."

"Huwag mo ko iiwan dito ah. Isama mo ko."

I Lay My Love On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon