Chapter 14

615 25 0
                                    

Nang nakuha na namin ang order namin ay naghanap na kami ng bakanteng table. Halos occupied na ang table dito. Sa ganitong oras ang bilis naman mapuno ang coffee shop. Tsk.

"Doon tayo." Turo ni Zion. Mabuti na lang may nakita siyang vacant.

Pagkaupo namin ay nagsimula na ako kumain pero nakita ko kung saan nakaupo si Robin kaya kumuha ako ng papel sa mini notebook ko. Don't ask me kung bakit may ganito ako. Dito ko lang naman sinusulat yung mga hindi ko pang kabisadong salita.

"Hindi mo naman sinasabi marunong ka pala mag-Spanish, pre." Rinig kong sambit ni Zion.

"Iyon ba? Dito kasi ako naka destino noon pero isang taon lang dahil umuwi rin ako agad ng Pilipinas."

"Kung dito ka nagtrabaho noon ang ibig sabihin marami kang alam sa lugar dito?"

"Sobrang tagal na rin iyon, Zion. Ilang taon na ako ngayon kumpara noong mga panahong pumunta ako rito dahil sa trabaho. I think I was in 25. See? 36 na ako ngayon."

"Jake, pwede favor?" Tanong ko ng tumingin ako sa kanya.

"Depende. Ano ba iyon?"

"Pwede mo bang ibigay ito kay Robin?" Sabi ko sabay abot sa kanya ng papel at tinuro ko sa kanya kung saan nakaupo si Robin.

"Sure." Ngumiti ito ng tumayo saka kinuha yung papel na inabot ko sa kanya.

Hindi ko alam kung ano ang pinaguusapan nilang dalawa. Jake can speak Spanish para hindi makahalata. Nakita ko na rin ang pagbalik ni Jake sa table namin.

"Anong balita?"

"What do you expect? Siyempre nagtataka siya."

Nakita ko ang paligod ni Robin sa paligid ng coffee shop dahil siguro hinahanap niya ang nagbigay ng note sa kanya. Siyempre hindi naman ako nagpapahalata sa kanya.

"May salita ka na bang kabisado ngayon, Mig?"

"Konti pa lang pero huwag na muna ngayon. Wala pa ako masyadong tulog dahil kinakabisado ko ang pwede kong kabisaduhin dito sa dictionary. Kung hindi mo lang ako ginising kanina ay siguro masarap pa rin ang tulog ko."

"Siguro napapanaginipan ni Mig naglaplapan sila ni Ro—" Binato ko ng tissue si Jake baka may makarinig sa kanya.

"Tangina mo. At kahit kailan ay hindi ako nanaginip ng ganyan."

"Okay lang iyan, Jake. Malapit na rin naman matitikman ni Mig ang sarap ng gabi." Sumali pa si Zion.

"I can't wait for that moment. Tapos may makikita na tayong mini me Mig." Dugtong pa ni Jake sabay apir kay Zion.

"Sana nga lang hindi magmana ang anak nila kay Mig."

Napailing ako pero palihim naman ako ngumiti. Hindi ko ma imagine na mangyayari iyon na magkakaroon ako ng anak kay Robin.

Aish... bakit ko ba iniisip ang ganoong bagay?

Imposible. Gagawin ko lang ito para hindi sa Clyde siya makasal. Pero ang pangalan ng lalaki ang nakalagay sa marriage contract.

"Guys, may problema pala tayo?"

"Ano naman iyon?" Tanong ni Zion habang umiinom ng kape niya.

"Pangalan pala ng lalaking iyon ang nakalagay sa marriage contract, diba? Ibig sabihin hindi siya sa akin kasal, kundi doon pa rin sa lalaking iyon." Sabi ko at inuubos ko na ang blueberry cheesecake ko.

"May point doon si Mig."

"Leave that to me. Nakalimutan niyo na yata kasama niyo ang isang Zion Montemayor."

I Lay My Love On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon