Chapter 4

765 33 0
                                    

Pati ako ay napatingin sa babaeng tumawag kay Oliver. Damn. She's my type. Ano kaya ang pangalan niya? Kailangan kong tanungin si Oliver.

Pero napansin kong hindi pa bumabalik si Robin. Hinigop na ba ng inidoro? That's impossible. Hindi kakasya iyon sa inidoro.

"Guys, hahanapin ko muna si Robin ah. Hindi pa kasi bumabalik." Paalam ko sa kanila saka tumayo para hanapin si Robin.

Saan naman nagsusuot ang taong iyon? Bwesit. Ang paalam niya sa amin magCCR lang siya pero wala naman sa paalam niya na matutulog siya doon. Mahiya nga siya kung may balak siyang matulog sa CR. O baka naman sumama siya doon sa lalaking nakita ko noong isang araw sa apartment namin.

No, no. That's impossible. Kung sino man ang lalaking iyon sa buhay ni Robin ay labas na ako. Sabi nga niya kanina sa akin kahit hindi ko na siya tulungan, diba?

Pumunta na ako sa tapat ng female rest room but damn. Seriously? Kahit babaero ako ay wala naman akong balak pumasok sa loob.

Fuck shit! Kailangan kong malaman kung nasa loob si Robin o tinatakasan na ako. Wala pa naman akong contact number noon. Damn it.

May grupo ng babae ang lumabas sa CR kaya lumapit ako sa kanila.

"Excuse me, ladies." Tumingin naman silang lahat sa akin at ang iba ay nagpipigil ng kilig. Alam ko naman hulog ako mula sa Olympus. Mala Greek God daw ako pero hindi ito ang tamang panahon para makipag landian sa kanila.

"Yes?"

"May nakita ba kayong babae sa loob? Nakasuot siya ng pink dress. Curly long hair." Pagdescribe ko kay Robin kaya tumingin sila sa isa't isa bago lumingon sa akin saka umiling. "Salamat."

Damn. Tinatakasan na nga ako ng tomboy na iyon. Humanda talaga siya sa akin. Hindi siya marunong sumunod sa usapan. Bwesit.

Maiintindihan naman siguro ni Oliver na umuwi na ako ngayon dahil kailangan kong bumalik sa apartment para makasiguradong nandoon si Robin. Kargo ko pa iyon ngayon.

Nang nasa tapat na ako ng apartment namin ay nagtataka ako dahil hindi siya naka lock. Ang pagkaalam ko ay nilock ko ito bago ko pa dinala si Robin sa salon kanina. Baka nandito na si Robin. Kaya pumasok na ako sa loob.

"Robin, nandito ka na ba?" Lumapit ako sa kwarto niya at hawak ang doorknob. It's locked. Nasa loob siya. "Robin?"

"What the hell you're doing here?"

"You're asking me what am I doing here? Gago ka ba? Hindi porket babae ka ay hindi na kita papatulan! Ilang minuto ka ng nawawala kanina kaya nagaalala ako sayo. Sana naman bago ka umalis ay iniisip mo kung may magaalala sayo! Bwesit. Anong problema kaya ka umalis agad na hindi nagpapaalam?"

"Wala. Bigla lang sumama ang pakiramdam ko."

"Open this door." Utos ko kaya binuksan naman niya agad ang pinto ng kwarto niya.

Ilang minuto siguro noong nagkatitigana kami bago pa siya nagsalita.

"Hindi mo ba talaga ako maalala?" Tanong niya sa akin na kinatataka ko.

"What are you talking about? Ikaw lang naman si Robin na roommate ko. Nakilala kita sa isang bar dahil tinapunan mo lang naman ako ng tequila."

"Hindi iyon."

"Huwag mong sabihin naging ex kita noon kaya ka nandito ngayon dahil hindi ka maka move on sa akin."

"Fuck you. Kinakalibutan ako sa pinagsasabi mo."

"Matagal na ba kita kilala?" Kunot noo kong tanong sa kanya. Wala talaga ako maalala.

"Bahala ka sa buhay mo! Hindi ko sasabihin sayo kung sino ba talaga ako!" Padabog niyang sinara ang pinto sa mukha ko.

What the hell?

Ano iyon? May dapat ba ako malaman sa past ko?

I need to call my mother. Siya lang kasi ang pwedeng tumulong sa akin.

"Miguel, napatawag ka. Ang akala ko nakalimutan mo na ako."

"Ma, I have question. Sana sagutin niyo ko."

"What is it, son?"

"May kilala ba kayong Robin Fuentes?"

"Yes, I know her. Bakit mo naman naitanong? Nagkita na ba kayong dalawa?"

"What? You know her? How?"

"Matagal ko ng kilala ang batang iyan. Mabait pero makulit. Hindi ko lang ngayon kung makulit pa rin siya."

"Why I can't remember about her?"

"Nagdesisyon ka noon na huwag na maalala ang mga hindi mo maalala. Isa na doon si Robin."

"Paano ko siya nakilala, ma?"

"Alam kong marami kang tanong ngayon. At mukhang nagkita n ulit kayong dalawa. Magkakilala kayo noong mga bata pa kayong dalawa."

"That means she is my childhood friend?"

"Bakit? May iba pa bang tawag doon?" Sumimangot ako sa sagot ni mama. Minsan talaga ayaw ko siyang kausapin.

"Sige. Iyon lang, ma." Binaba ko na ang tawag at iniisip ko ang sinabi ni mama. Matagal ko na pala kilala si Robin.

Lumabas na ako sa kwarto ko at nakita ko si Robin nakaupo sa sofa habang nanonood ng tv.

"Hey."

"May pangalan ako."

Aish... Kahit kailan ang babaeng ito. Kung ako lang ang may ari nitong apartment ay matagal ko ng pinalayas ito.

"Matagal na ba kita kilala?"

"Ang sabi ko nga sayo kanina bahala ka sa buhay mo kapag hindi mo ko maalala."

"Ewan ko sayo. Diyan ka na nga! At huwag mo na ako hintayin umuwi baka hindi ako uuwi mamaya." Sabi ko saka lumabas na ng apartment. Hindi ko na nga inabala kung may sinasabi ba si Robin sa akin o wala.

Pagkarating ko sa head quarter ay nandito na rin pala ang iba maliban kay Oliver dahil nasa honeymoon sila ngayon ng asawa niya.

"Oh. Bakit hindi ka na bumalik kanina? Tumakas na kayo ni Robin ah." Ani Jake.

"Gago. Hindi ko naman kailangan takasin iyon kung umuwi ng magisa. Tsk."

"Himala. May babae pala ang kayang iwanan ang isang Miguel." Pang aasar ni Rocco sa akin. Argh. Bakit ba ganito ang mga ito? Hindi naman sa napipikon ako pero naiinis ako ngayon.

"Ewan ko sa inyo." Humarap naman ako sa direksyon ni Zion dahil ang seryoso niya sa screen ng laptop. "Zion, wala bang misyon na ibibigay sa akin?"

"Meron pero wait lang dahil hindi mo ito kakayanin na magisa lang."

"Nandiyan naman si Neil. Siya naman palagi kong partner."

"Nah, hindi na ako pwede sa mabibigat na misyon, pre. Baka hanapin ako ni Fannie."

"Baka hindi naman kami patatahimikin ng asawa niya kapag hindi umuwi si Neil." Sambit ni Jake.

Kaya nga ayaw ko talaga ang magpakasal dahil ang daming bawal nang gawin. Ang mabibigat na misyon nga ang gusto kong gawin dahil nachachallenge ako.

"Sino naman ang pwede kong partner?"

"Maghintay ka lang. Parating na siya mamaya."

Sino naman kaya ang tinutukoy nila magiging partner ko? Siguraduhin lang magaling iyan. Ayaw ko magsama ng baguhan sa isang misyon.

I Lay My Love On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon