Chapter 13

647 24 0
                                    

Tumingin ako sa phone ko nv tumunog iyon at binaling ko naman ang tingin kay mama na busy makatitig sa puntod ni papa. Yung akala mo mawawala yung puntod ni papa dito sa sementeryo.

Makatitig wagas.

Binuksan ko ang text message galing Zion.

From Zion;

We found Robin. Kailangan ka na namin dito sa head quarter.

"Ma, I need to go pero hatid ko na muna kayo sa bahay."

"Work?" Tumango ako sa kanya. "No, I'm okay. Tatawagan ko na lang yung driver para pasundo ako dito."

"Hindi ko naman pwede kayo iwanan dito. Baka pagalitan pa ako ni papa na iniwanan ko kayo rito. Mahirap na, bisitahin pa ako sa panaginip ko." Biro ko.

"Loko ka talaga. Sige na nga."

Pagkahatid ko kay mama sa bahay ay dumeretso na nga ako sa head quarter. Mabuti na nga lang wala masyadong traffic ngayon kaya mga 30 minutes lang ang biyahe ko papunta sa head quarter.

"Guys!" Tawag ko sa kanya kaya napalingon naman sila sa akin. "Saan si Robin ngayon?"

"Nasa Spain siya ngayon at mabuti na lang madali lang namin nadetect ni Oliver si Robin dahil sa GPS niya."

Spain? Kaya pala marunong siya magsalita ng ibang language, eh. Nga naman pumunta na pala siya sa ibang bansa.

"Ano ang plano?" Tanong ko sa kanila.

"Ikaw ang may gustong hanapin si Robin pero wala kang plano." Sagot ni Jake. "Okay, ito may plano ako, pero kailangan nga ulit ang kasal niya?"

"This Friday na ang kasal niya." Sagot naman ni Oliver.

"Alright. Before Friday ay dapat nasa Madrid ka na."

"Jake, sasaka tayo kay Mig." Ani Zion.

"Bakit kasama pa ako? Baka hanapin ako ni Trixie o palayasin ako sa bahay kapag hindi ako nakauwi."

"Gago, malamang magpapaalam ka kay ate na pupunta ka ng Spain at siyempre sasabihin mong kasama kami ni Mig. Magpapaalam rin kaya ako kay Jessa."

"Kailan tayo aalis?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Kung gusto mo ngayon na. Gagamitin natin ang helicopter." Sagot ni Zion.

Helicopter? Papunta doon? Ang layo kaya ng destinasyon namin. From Philippines to Spain. Wala na rin naman ako magawa dahil wala naman private plane galing sa head quarter.

"Seryoso ka? Ngayon na tayo aalis? Kailangan ko na muna bumalik sa resort para mag impake ng ilang gamit ko at magpapaalam na rin kay Trixie."

"Ako rin. Magkita na lang tayong tatlo dito mamaya ah." Sabi ni Zion.

"Good luck, guys. Sana maging tagumpay itong misyon niyo." Ani Oliver.

Ang wala lang rito sa head quarter ay si Rocco dahil ngayon ang birtbday niya at panigurado ako kasama na niya ang pamilya niya. Pati rin si Neil ay wala pero hindi ko alam kung bakit wala siya ngayon.

Maya maya pa ay nagkita kaming lahat sa rooftop ng head quarter namin kung nasaan ang helipad.

Robin, wait for me.

"Excited na ang isa diyan dahil malapit na niya makita ang love of his life." Pang aasar ni Jake sa akin.

"Gago. Hindi ako excited. May gusto lang ako malaman kaya kailangan ko rin makausap si Robin."

"Malaman? Tungkol saan naman?" Takang tanong ni Zion.

"Tungkol sa isang aksidente nangyari 20 years ago."

I Lay My Love On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon