Chapter 5

758 29 0
                                    

Naiinip na ako dahil anong petsa na wala pa rin yung sinasabi ni Zion na magiging partner ko daw. Ano siya special? Tsk. Inuunos talaga ang oras ko nito, eh.

"Sorry, I'm late." Lumingon ako para malaman kung sino itong bagong dating pero laking gulat ko ng makita na kung sino ito.

"What the hell? Anong ibig sabihin nito?" Nilingon naman ako sa direksyon ni Zion para makasigurado.

"She is been a spy agent. Matagal na at mukhang hindi mo pa alam."

"Magtatanong ba ako kung may alam ako?!"

Spy agent? Seriously?! Kaya ba ganoon ang reaksyon nila noong makita nila siya? Dahil kilala nilang lahat si Robin. Holy shit. Bakit ako lang ang walang alam kung sino ba talaga ang babaeng ito?! Maliban sa roommate at childhood friend ko daw sabi ni mama.

"Matagal na siyang spy agent pero nasa ibang bansa lanv siya naka destino pero kailan lang ay bumalik siya ng Pilipinas at ang akala ko pa naman nakita mo na noon si Robin kaya mo siya kasama noong kasal ni Oliver. Hindi ko inaasahan magiging roommate kayo."

"Magaling ba siya? Ayaw ko magalaga ng baguhan." Sabay turo ko kay Robin.

"Of course, pre. Sa tagal pa naman niyang spy agent ay wala pang misyon na hindi niya natatagumpayan."

Tiningnan ko ng masama si Robin kaya umiwas siya ng tingin sa akin.

"Tsk." Binalik ko ang tingin kay Zion para tanungin ang tungkol sa misyon. "Tungkol saan ang misyon?"

"Ah, right." May inabot siyang folder sa akin kaya kinuha ko na iyon para basahin ang laman.

"Seriously?" Binaling ko ulit ang tingin kay Zion.

"Yes. He's back. At ang gusto ko ay bantayan niyo siya kahit saan pumunta si Franco Luciano."

"Pre, I know you hate this person but sa tingin ko kaya ko naman gawin ang misyon na ito na magisa lang."

"No, Mig. Hindi ka makakalapit sa kanya ng basta basta dahil sa mga bodyguards niya. That's why I'm asking Robin to help you. Hindi ako si Kurt na palaging sinasabi na magiingat kayo but for me I don't care if you die in a mission."

"Grabe ka naman, Zion."

"I'm serious, Neil. Matagal ko ng tanggap ang pwedeng mangyari sa atin dahil isa lang naman ang bagsak natin. Kamatayan."

Tumingin ako kay Robin at sinenyasan siyang aalis na kami para makarating agad sa lugar kung saan ang taong nasa misyon namin.

"Gaano ka na ba katagal bilang spy agent?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad palabas ng head quarter.

"Sa tingin ko 4-5 years na akong spy agent."

"4-5 years?! You're kidding."

"No, I'm serious. Ganoon na ako katagal nagtatrabaho bilang spy agent."

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na isa ka pa lang spy agent?"

"Ang sabi ko nga sayo wala akong sasabihin na tungkol sa akin kung hindi mo ko maalala." Nauna na siyang sumakay sa kotse ko. Wala pa akong paintulot na pwede siyang sumakay.

Wala na ako magagawa kaya sumakay na ako sa driver's seat at pinatakbo ko ang makina ng kotse ko.

"Okay. Pakinig ka ng mabuti sa akin." Panimula ko habang nagmamaneho. "Bawal ka magsalita. Wala akong pakialam kung mapanis ang laway mo sa buong biyahe natin. Ayaw ko lang ang maingay habang nagmamaneho ako."

"Ano ang mangyayari kung magsali—"

"Hahalikan kita." Seryosong sagot ko sa kanya.

"Kaya mo?"

"Try me. Try me!"

"Kadiri! Yuck! Mananahimik na lang ako kaysa halikan ka. Sa dami pa namang babaeng humalik sayo."

"Hoy! Nag toothbrush at gumagamit rin naman ako ng mouthwash."

"Kahit na. Matutulog na lang ako kaya enjoy driving." Inadjust niya ang upuan sa passenger's seat para maging kumportable siya ng pwesto. Tsk. Parang akala mo sa kanya itong kotse ah.

Habang nagmamaneho ay hindi ko maiwasan isipin kung paano ko ba nakilala si Robin noon. Argh... damn it! Wala talaga ako maalala tungkol sa kanya. Mas lalo sumasakit ang ulo ko kapag pinipilit kong maalala ang lahat na kinalimutan ko noon.

I had an accident when I was a kid. Kahit gusto ni mama na sabihin sa akin kung paano ako naaksidente noon ay ako mismo ang ayaw. I only remember a year before the accident. That means after that wala na ako maalala. Still blurred.

Huminto na ako sa isang bahay kung saan kami tutuloy ngayon ni Robin. Inalis ko na ang seatbelt ko at humarap sa kanya para gisingin pero ang himbing ng tulog.

"Hoy. Nandito na tayo kaya gumising ka na diyan." Tinapik ko ang balikat niya.

"Ugh. Dame mas cinco minutos."

"Bahala ka sa buhay mo!" Binuksan ko na ang pinto sa side ko at bumaba na ako.

Hindi ko tuloy alam kung minumura ba ako ng babaeng iyon. Hindi ko nga alam kung anong language ang ginagamit niya.

Tiningnan ko ang buong bahay pero sumimangot ako dahil isang kwarto lang.

What the fuck.

"Miggy." Nilingon ko siya at mabuti naisipan na niyang magising. "Bakit mo ko iniwanan sa kotse mo ah? Paano kung may mangyari sa akin doon?"

"Tsk. First of all, ginigising kita kanina pero ang hambing ng tulog mo. Second, hindi ko alam kung minumura mo na ba ako habang tulog ka."

"Wait a minute. Minumura kita habang tulog?"

"Yeah..."

"Ano naman ang sinasabi kong mura sayo?"

"I don't know. Para naman naiintindihan ko ang sinasabi mo kanina."

"My god. Kung ano man ang sinabi ko kanina. Sorry. Hindi ko sinasadyang murahin ka." Sabi niya at nilagpasan na niya para pumasok sa nagiisang kwarto. "What the hell? Bakit isa lang ang kwarto dito?"

"I don't know. Kung hindi ka kumportable na katabi ako matulog sa isang kama ay dito na lang ako sa sofa at bukas na lang tayo magusap tungkol sa gagawin natin sa misyon."

"Malamang hindi kumportable sa akin na magkatabi tayo sa isang kama. Lalaki ka. Babae naman ako."

"Talaga? Babae ka? Bakit ka naman nagsuot ng panglalaki? If you consider yourself as a woman?"

"Pretendo ser un chico porque alguien me esta siguiendo."

"Ayan ka na naman. Alam mo namang hindi ko maintindihan ang sinasabi mo sa akin."

"Ang sabi ko, maliligo lang ako."

Sa haba pa naman ng sinasabi niya kanina tapos iyon lang yun. Weird talaga ng babaeng ito.

I Lay My Love On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon