Chapter 34

605 21 0
                                    

Pagkatapos namin kumain ng almusal ay hinatid ko na muna si Robin sa bahay dahil kailangan ko na rin ang bumalik sa head quarter. Matagal tagal na rin ang huling balik ko doon.

Nang nandito na kami sa tapat ng bahay ay hindi pa bumaba si Robin.

"What's wrong?" Nagaalalang tanong ko sa kanya.

"Pwede bang sumama sayo? Alam ko naman sa head quarter ang punta mo ngayon at dati naman akong agent."

"Alam mo naman kung gaano delikado doon." Hinawi ko ang buhok niya na nakaharang sa mukha.

"Pero si papa noon palagi niya ako sinasama." Lumabi pa ito. Shit naman. Binibigyan niya ako ng sakit ng ulo.

"Robin, don't pout. Baka halikan na lang kita rito kahit maraming tao ang dumadaan."

"Ayaw mo kasi ako isama sa head quarter, eh."

"Hindi ko alam ang gagawin ko kung ano mangyari sayo. Nangako ako sa papa mo noon na aalagaan kita."

"Sige na nga. Huwag na lang basta umuwi ka ng maaga mamaya ah." Hinawakan niya ang magkabilaang pisngi ko saka hinalikan ako sa labi. "Ingat ka palagi. I love you."

"Ikaw rin. Tawagan mo na lang ako kung may kailangan ka." Bumaba na ng kotse si Robin pero binaba ko ang bintana sa side niya. "I love you too."

Pagkarating ko sa head quarter ay naririnig ko ang pinaguusapan ng mga kaibigan ko at kumunot ang noo ko ng marinig ko ang pangalan ko.

"I won't let Mig know about this." Rinig kong sambit ni Zion.

"Kahit rin naman kami. Hindi natin alam kung ano ang pwede mang—"

"Ano ang dapat hindi pwedeng malaman?" Kunot noo kong tanong sa kanila para dahilan lumingon sila sa akin.

"Mig, ikaw ba iyan?" Sabay nilang tanong maliban kay Rocco but he's laughing.

"Yeah...?" Hindi ako sigurado sa sagot ko. What the eff—

"Tangina, pre." Lumapit sa akin si Neil sabay akbay. "Bagong gupit ka ngayon ah. Anong dahilan kung bakit mo naisipan magpahupit?"

"Para mas lalong gumawapo sa panin—" Bigla ako sinukmuraan ni Neil. "Shit. Ang sakit noon!"

"Sa ating lahat ako ang pinaka gwapo." Proud nitong sabi.

"Excuse me? Ang pagkaalam ko kahit may anak na ako at bago ko pa pinakasalan si Sarah ay habulin na ako ng mga babae. Ibig sabihin mas gwapo ako sa inyo at mas charming rin."

"Aba, gumaganoon ang gagong ito ngayon." Natatawang sabi ni Zion.

"Sumbong ka namin kay Sarah." Pagbanta ni Jake.

"Okay na. May ebidensya tayo sa sinabi ni Rocco kanina." Sabi ni Oliver at pinakiita niya sa amin yung nirecord niyang video.

"Excuse me? Ang pagkaalam ko kahit may anak na ako at bago ko pa pinakasalan si Sarah ay habulin na ako ng babae. Ibig sabihin mas gwapo ako sa inyo at mas charming rin."

Natawa ako dahil sa kalokohan ng mga ito.

"Hoy, Oliver! Burahin mo iyang video!"

"Nope, we're going to show this to Sarah."

"Send mo na lang sa kanya, pre." Sabi ni Neil.

"Sure. Heto na and sent."

"Tangina ito!" Agad naman nilabas ni Rocco ang phone at siguradong tatawagan niya si Sarah. "Wifey."

"Wala naman pero may natanggap ka bang text galing kay Oliver? He sent you something a minute ago."

"Ah, nothing. Iyon lang. I love you more." Binaba na niya ang tawag at tumingin naman siya kay Oliver. "Fuck you, Oliver! Tinakot mo ko doon. Ang akala ko pa naman sinend mo talaga kay Sarah yung video."

"Sus. Aminin mo na kasing takot ka lang kay Sarah." Pang aasar namin sa kanya.

"Mga gago. Hindi ako takot sa kanya kung magalit siya sa akin dahil gagawa naman ako ng paraan para magkaayos kami pero takot ako... takot akong mawala sa akin si Sarah at ang kambal. Kamuntikan na mawala sa akin si Sarah noon kaya ayaw ko na maulit."

Mabait naman talaga itong si Rocco kaya walang babae ang magkakagusto sa kanya kahit may anak na ito bago pa niya nakilala si Sarah noon. Pero bigla kong naalala ang pinagusapan nilang lahat pagkarating ko rito.

"Ano nga pala ang dapat hindi ko pwedeng malaman?" Tanong ko sa kanila na kinatahimik nilang lahat. "Guys?"

"Nawala sa isip ko na marami pala akong gagawin ngayon." Sabi ni Zion at tumingin kay Oliver. "Kailangan ko ang tulong mo, Oliver."

"Sure. Anything."

"Jake, Neil, may misyon ako papagawa sa inyo."

"Ano naman iyon?"

"May kukunin kayong importanteng file sa isang laboratory pero hindi madali makapasok doon. Kailangan staff kayo ng lab but don't worry, nagawan ko na ng paraan para makapasok kayong dalawa doon na hindi makakahalata ang bantay."

"Anong klaseng file ang kailangan namin kunin?" Tanong ni Jake.

Hindi na muling magsalita pa si Zion para bang may tinatago silang lahat sa akin ngayon. I need to know kung ano man ang tinatago nila.

"Oh. I get it. Let's go, Jake."

"Ikaw naman, Rocs? Hindi ka pa ba uuwi? Baka hanapin ka ni Sarah."

"Wala si Sarah sa bahay. Nakalimutan mo yata na kasama niya ngayon sila Jessa."

"Oo nga pala."

"Kung wala si Sarah sa bahay niyo at nandito ka sa head quarter ngayon, sino ang kasama ng mga anak niyo?"

"Kaya na daw nila kahit wala pa kami ni Sarah. Sana nga lang hindi kawawain ng kambal ang ate Daisy nila."

"Palagi bang kawawa si Daisy?" Tanong ni Zion.

"Oo. Lalo na kung nagsanib pwersa ang dalawang lalaki namin."

Natahimik na lang ako bigla dahil pinaguusapan na nila ang tungkol sa mga anak nila. Inaamin ko lahat sila sa mga anak na maliban lang sa akin. Pakiramdam ko tuloy parang gusto ko na magkaroon ng anak pero hinihintay ko naman si Robin maging handa.

Ah damn it. Ngayon lang ako nakaramdam ng inggit sa mga kaibigan ko. Proud silang tatlo habang pinaguusapan ang mga anak nila. Mabuti na nga lang wala na rito sina Neil at Jaka baka sumali ka sila sa pinaguusapan nila.

Napatingin ako sa phone ko at napangiti dahil nakatanggap ako ng message galing kay Robin.

From Robin;

Niyaya ako ni Sarah na mamasyal ngayon. Can I come with them?

To Robin;

Sure. Have fun with them.

From Robin;

Thank you. I love you. 🥰

Napangiti ako sa emoji ni Robin.

To Robin;

I love you too. 😘

"Tingnan mo itong si Mig ngumingiti na magisa. Mukhang baliw." Rinig kong sambit ni Zion.

"Inggit ka, Zion? At saka nagtext sa akin si Robin kanina."

"Kaya naman pala. Mabuti maman okay na kayong dalawa."

"Okay naman kaming dalawa. Palagi lang niya sinisi ang sarili niya sa nangyari kay mama noon but believe me, kahit kailan ay hindi ko sinisi ang asawa ko sa mangyari kahit si mang Bert."

"Musta na kayong dalawa ngayon?"

"We're fine. Masaya na ako dahil inamin na sa akin ni Robin na mahal niya rin ako. Kaya hindi na siya one sided love."

"Really? That's good. We're happy for you, pre."

I Lay My Love On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon