Chapter 8

645 22 0
                                    

Miguel's POV

Simulang tumila ang ulan kaninang umaga ay ginising ko na si Robin dahil kailangan na namin umalis agad sa kweba para maghanap ng bahay na pwedeng mahiraman ng cellphone o telephone para makatawag sa head quarter.

Inalalayan ako ni Robin dahil may injury ang paa ko. Nagsinungaling ako sa kanya kahapon na hindi ko alam kung saan tumama itong pa ko. Ang totoo lang hindi ko namalayan na may malaking bato at doon tumama ang paa ko.

Nakita ko ang pagawala ng malay ni Robin.

"Shit. Robin!" Lumuhod ako sa tabi niya at hinawakan ko ang leeg niya. "Fuck. Ang init mo."

Hindi naman niya sinabi sa akin na masama pala ang pakiramdam niya. Kahit masakit ang isang paa ko ay kailangan kong dalhin si Robin sa malapit na ospital. I don't care about my swollen foot kahit lumubha pa ito.

Binuhat ko si Robin sa likuran ko at maglalakad kahit masakit ang isang paa ko. Shit.

"Excuse me. May malapit bang ospital dito?" Tanong ko sa taong nakita ko sa daan.

"Sorry. Medyo malayo pa dito ang ospital."

Shit naman. Mukhang hindi ko na kayang maglakad pang muli dahil sobrang sakit na ng paa ko.

"Sige, salamat."

Titiisin ko na lang ang sakit ng paa ko. Basta maidala ko lang si Robin sa ospital.

Ilang oras ako naglalakad at sawakas nakarating na rin sa ospital. Dinala na ng nurse si Robin sa emergency room at tiningnan na rin ng doctor ang injury ko.

"Dapat hindi kayo maglakad ng malayo. Grumabe ang maga ng paa niyo ngayon."

"Mas kailangan maidala agad sa ospital ang kasamahan ko."

"Naiintindihan ko naman kayo, mister. Pero isipin niyo rin ang kalagayan niyo."

"Tsk. I don't care." Tumayo na ako pero hindi ko maiapak ng maayos ang isang paa ko sa sahig.

Pumunta na ako sa ward para puntahan si Robin dahil doon siya dinala. She still sleeping.

"I'm really sorry. Kung alam ko lang na masama ang pakiramdam mo ay sana hindi na muna tayo umalis." Bumuntong hinga ako at umupo sa isang silya malapit sa hospital bed niya.

Wala nga pala ako dalang wallet dahil nasa kotse ko yung wallet ko. Kapag minalas ka naman. Una nabasa ang phone ko tapos naiwanan ko ang wallet ko sa kotse.

Kailangan ko pala tumawag sa head quarter para alam ng mga kasamahan ko ang nangyari sa amin. Baka nagaalala na ang mga iyon. Hindi nila magawang tawagan na kahit sino sa amin ni Robin dahil parehong phone namin basa noong nahulog kami.

Nang nakahiram ako ng cellphone sa isang nurse ay agad kong tinawagan si Zion.

"Hello? Who's this?"

"Pre, si Miguel ito."

"Mig, ano nangyari sa inyo? Hindi ko na kayo madetect ni Robin."

"Sorry, nasira kasi ang phone namin kaya hindi kami nakatawag agad sa inyo."

"Nasaan kayo ngayon? Magdadala ako ng agent diyan sa lugar niyo."

Sinabi ko na sa kanya ang saktong lugar namin ni Robin at sinabi ko rin kay Zion na mataas ang lagnat ni Robin.

"Okay, magdadala na ako ng agent para makabalik na kayo agad."

"Pre, pwede favor?"

"Ano iyon?"

"Kakapalan ko na ang mukha ko. Hindi ko kasi dala ang wallet ko kaya wala akong pangbayad sa hospital bill ni Robin."

"Unang una sa lahat matagal na makapal ang mukha mo. Sige, ako na ang bahala sa gastusin niyo sa ospital."

"Salamat. Babayaran na lang kita paguwi namin."

Ilang oras ang hinihintay ko pero wala pa rin ang ibang agent. Nakita ko na rin gising na si Robin.

"Nasaan ako?"

"Nandito ka ngayon sa ospital."

"D-Dinala mo ko rito?"

"Malamang. Wala naman ibang tao magdadala sayo rito maliban sa akin. Kahit masakit na ang paa ko makarating lang sa ospital."

"Sorry."

"Kalimutan mo na lang ang nangyari kanina." Tumingin ako sa paligid bago binaling kay Robin. "Anyway, tumawag na ako kay Zion kanina ay magdadala siyang tauhan dito."

"Mabuti. Ayaw ko rito sa ospital, eh."

"Musta na pala ang pakiramdam mo ngayon?"

"Medyo okay na ako ngayon kumpara kanina noong umalis tayo sa kweba."

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na may lagnat ka?"

"Sorry. Ayaw ko kasi maging mabigat sayo lalo na may injury ka."

"Makinig ka sa akin, Robin. Kahit kailan ay hindi ka naging pabigat sa akin. Kahit wala ako maalala tungkol sayo pero importante ka na rin sa akin dahil..." Huminto ako kasi hindi ko alam kung tama ba itong gagawin ko.

"Dahil ano?"

"Mukhang kinakain ko na ang lahat na sinasabi ko sayo dahil sa tingin ko ay nagkakagusto na ako sayo." Seryosong sabi ko sa kanya.

"Huh? Hindi ka pwede magkagusto sa akin."

"Why not?" Kumunot ang noo ko dahil naguguluhan ako sa pangyayari.

"Ikakasal na ako. Ang totoo niyan tumakas lang ako sa amin dahil ayaw ko talaga magpakasal sa kanya pero sinundan ako ng fiance ko hanggang dito sa Pilipinas."

Ouch. Ang sakit naman noon. Minsan na nga lang ako magkakagusto sa isang babae sa maling tao pa. Yung ikakasal na.

"Miggy, sorry kung hindi ko kaagad sina—"

"It was a joke. Naniwala ka naman agad sa sinabi ko kanina." Tumawa ako kahit napipilitan. Sobrang nasaktan ako doon, eh. Ang sakit.

Noong dumating na ang ibang agent ay sila na ang tumulong kay Robin habang ako ay kahit masakit ang paa ko nilalakad ko pa rin.

Habang nandito na kami sa helicopter ay wala kaming imikan ni Robin. Iniisip ko kasi ang sinabi ko sa kanya kanina. Ang tanga tanga ko naman kasi. Bakit ko ba sinabi sa kanya? Ayan tuloy nasaktan pa ako. Bwesit. Inaamin kong talo na ako sa pustahan namin ng mga kaibigan ko simulang nakilala ko si Robin pero pinipigilan ko lang ang nararamdaman ko dahil ayaw ko matalo sa pustahan.

Kaya siguro siya nagsuot ng panglalaki noon dahil tinataguan niya ang kanyang fiance. At fiance siguro niya yung lalaking nakita ko noon sa apartment namin.

Bakit hindi ko iyon agad naisip ah?

Ang akala ko pa naman walang lalaki ang papatol sa kanya dahil panglalaki siya kung kumilos at manamit pero kahit ang gawin niya ay obvious pa rin siyang babae.

Noong araw na nag-transform siya into a beautiful lady. Mas lalo ako nagkagusto sa kanya.

I Lay My Love On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon