Chapter 27

583 21 0
                                    

Pagkagising ko sa umaga ay dumeretso ako sa banyo para umihi kahit antok na antok pa ako. Hindi ko pa nga maimulat ang mga mata ko dahil nga antok pa ako.

"Good morning." Bilang nagising ang diwa ko ng may narinig akong boses. Tumingin ako sa kanya na may hawak siyang toothbrush.

"Um, good morning." Nakita ko na rin naghihilamos siya ng mukha niya.

"Bakit hindi mo ko ginising kagabi?" Tanong niya habang pinunasan naman niya ang kanyang mukha gamit ang tuwalya.

"Alam ko kasing pagod ka kaya hindi na lang kita inabalang gisingin." Naghugas na ako ng kamay saka naghilamos na rin ng mukha.

"Mabuti sa kwarto ka natulog kagabi."

"Yeah. Nagising kasi ako kagabi dahil nakaramdam ako ng gutom tapos nagising ulit ako kaninang madaling araw kasi nakaramdam ulit ako ng gutom."

"Grabe naman si baby masyado naman gutumin."

"Miggy, sabihin mo nga sa akin. Tumataba na ba ako?" Tanong ko at kinuha ko naman ang toothbrush ko.

"No, you're not fat." Sagot nito at lumabas na sa banyo. Sumimangot naman ako. Ayaw pa kasi niyang sabihin sa akin ang totoo.

Bandang hapon ay sobrang bored na ako. Wala naman ako mapanood sa tv ngayon dahil ang papanget ng palabas. Si Miguel naman ay may kausap sa phone niya. Work siguro niya. Ang pagkaalam ko isang freelancer si Miguel pero may agency naman siya pinagtatrabahuan kaso minsan lang naman.

"Okay, ma. I will tell her." Rinig kong sambit niya at binaba na ang tawag. Si tita pala ang kausap niya. Ang akala mo pa naman sa trabaho. "Robin."

"Hm?" Sagot ko sa kanya at pinatay ko na ang tv.

"I already told me that you're pregnant. Tuwang tuwa nga siya dahil mabibigyan ko na siya ng apo ngayon at sinasabi niya rin sa akin na pasyal daw kayong dalawa."

"Sige ba!" Biglang sumigla ang mukha ko. I love shopping. Kahit nagpa boyish ako noon ay babae pa rin naman ako, no. Nagpapanggap lang akong lalaki para walang makakilala sa akin pero ngayon hindi ko na kailangan bumalik sa pagiging boyish ko. "Kailan?"

"Mamaya. Pupunta rito si mama mamaya with her driver."

Maya maya ay may naririnig na kaming katok sa pinto ng apartment namin kaya binuksan na ni Miguel ang pinto. Ang mama niya. Pero shit hindi ako bihis.

"Wait lang po! Magpapalit lang po ako ng damit." Pumasok na ako agad sa kwarto ko. Takte naman. Ano ang isusuot kong damit?

Pagkatapos kong magpalit ng isang simpleng dress. Hindi na ako boyish ngayon kaya hindi ko na kailangan masyado magsuot ng pants at saka may asawa na ako at magkakaroon na rin ng anak. Hindi pa nga ganoon kalaki ang tyan ko dahil isang buwan pa lang naman si baby.

"Alis na kami, anak." Sabi ni tita sa kanya. Hindi pa kasi ako sanay tawagin siyang mama. Once ko lang tinawag ang mama ni Miguel na mama noong nasa ospital kami. Nakaramdam ako ng selos noong may kausap siyang babae at ang masaklap pa ex girlfriend niya iyon. May karapatan naman akong magselos ako ang asawa niya.

"Okay. Ingat kayo." Sabi niya sa amin.

Nauna na lumabas si mama sa apartment namin. Palabas na rin sana ko ng pigilan ako ni Miguel at kinatakang lingunin ko siya.

"Kiss ko." Aish. Kiss lang pala ang gusto niya. Kaya binigyan ko siya ng smack kiss sa labi niya.

"Ayan. Happy ka na?"

"Yep." Ngumiti pa siya sa akin. Ang babaw ng kaligayahan ng lalaking ito. "I love you."

Tumango lang ako sa kanya. Hindi ko kayang sabihin sa kanya ng harap harapan ang I love you o I love you too. Siguro sinabi ko sa kanya ang tatlong salitang iyon kagabi habang tulog siya.

Nang nakasakay na ako sa kotse. Nakakahiya dahil hinihintay nila ako.

"Don't be shy, hija. Hindi naman natin kailangan magmadali lalo na buntis ka." Ngumiti na lang ako kay tita. "I'm so happy dahil mabibigyan na rin ako ng apo ng anak ko."

"Ma'am, saan po tayo?" Tanong noong driver.

"Doon na muna tayo sa salon." Sagot ni tita.

Pagkarating namin sa salon ay ito yung salon na pinuntahan namin ni Miguel noong pinamake over niya ako. Pagpasok namin sa loob ay siyempre marami ang customer ng salon.

"Madam, it's good to see you again." Pabeso beso pa ang isang bakla kay tita.

"Of course. Matagal na rin ang huling punta ko rito but wait, gusto ko i-make over mo rin ang manugang ko."

Tiningnan naman niya ako mula ulo hanggang paa dahil siguro namumukhaan niya ako.

"I remember you. Ikaw yung kasama ni Miggy boy noong isang araw, right?"

Miggy boy? Gusto ko tumawa pero mamaya na lang. Aasarin ko rin si Miguel paguwi ko saka na rin ako tatawa. Gustong gusto ko talagang inaasar siya dahil ang cute niya pero hindi naman siya napipikon sa akin. Mahal niya ako.

"Yes, ako nga iyon."

Katulad ng dati ay inaayusan na nga niya ako. Ang sabi niya sa akin ay hindi ko naman kailangan ng maglagay masyado ng make up dahil natural beauty na daw ang meron ako. Pwede nga daw ako maging model at bagay daw kami ni Miguel. Kung alam mo lang na asawa ko na siya ngayon kaya nga tinawag ako ni tita kanina na manugang, eh. Akala siguro nito future daughter-in-law.

Pagkatapos ng make over at namangha naman sa akin si tita. Naalala ko tuloy si Miguel kung paano siya natulala pagkakita sa akin.

"You're so pretty, hija. Kaya siguro na in love sayo ang anak ko."

"Kayo rin po."

"I know, right? Kaya nga nagkagusto sa akin ang papa ni Miguel." Ngumiti lang ako sa kanya. Kitang kita kung gaano niya kamahal ang papa ni Miguel. Ang swerte ni Miguel dahil may pamilya siyang ganito.

Ang pamilya ko kaya musta na sila. Wala na akong balita sa kanila simulang bumalik ako rito sa Pilipinas. Isang buwan na rin iyon ah.

Ang sunod na pinunta namin ay ang mall. Sinabi ko bang mahilig ako mag-shopping? Ganito palagi ang ginagawa ko noong nasa Madrid pa ako nakatira pero magisa lang ako pumunta na sa mall. Never pa ako sinasamahan ni mama para mag-shoppping.

"You know what, hija. Ang saya ko dahil nakilala ka ng anak ko. Sa nakikita ko pa naman ang laki na ng pinabago ni Miguel simulang kinasal kayong dalawa. Hindi ko na siya nakikita kung sinu-sinong babae ang kasama niya pero kapag nahuli mo siyang mambabae ay isumbong mo lang sa akin. Lagot sa akin ang batang iyon."

"Sige po."

"Unang kita ko pa lang sayo noong maliliit pa lang kayo ay ang gaan na ng loob ko sayo. Umaasa ako balang araw ay magkikita ulit kayo at hindi nga ako nagkamali. Pinagtagpo kayo ng tadhana ng dalawa."

Kahit noon pa lang pala ay suporta na si tita sa akin para sa anak niya.

Nandito na kami ngayon sa department store para bumili ng mga damit.

"Here, hija. Try this, this and this."

Ang daming dress na binigay sa akin ni tita kaya pumunta na ako sa fitting room.

Habang sinusukat ko yung mga damit. May isang dress na masyadong revealing.

"What do you think of the dresses? Hindi ba bagay sayo?"

"Yes po. Pero um, revealing po yung isang dress."

"Which dress?"

"Yung red dress po."

"Okay lang iyan, hija para naman hindi na tumingin sa ibang babae ang anak ko."

Ay, ibang klase.

I Lay My Love On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon