Chapter 43

687 28 0
                                    

Napasimangot ako dahil nauwi lang din pala sa family date dapat na date namin ni Robin.

Ano pa nga ba ang magagawa ko dahil gusto sumama ni Ryder sa amin. Pasaway na bata.

Kinabukasan ay kinakapa ko ang tabing kama at doon ko naalala wala nga pala ako katabi matulog. Hindi nga pala dito sa kwarto natutulog si Robin dahil ayaw ko naman biglain siya sa bagay bagay lalo na wala siyang maalala tungkol sa akin. Kinuha ko ang phone ko nasa side table para tingnan ang oras but I saw a message from Alice.

From Alice;

Can we meet today?

Kumunot ang noo ko dahil isang taon na rin ang huling pagkikita namin at simula noon ay hindi siya nagtext o tumawag sa akin.

To Alice;

Sorry, I don't have time and stop texting me.

Iyon lang ang nireply ko sa kanya dahil matagal na akong move on sa kanya. Ano siya maswerte? Hindi katulad ng dati na isang text o tawag lang niya sa akin ay pupunta ako agad sa kanya. Iba na ngayon. May sarili na akong pamilya at sila ang priority ko.

Bumangon na ako para makakain na ng agahan pero nakasalubong ko si Robin na lumabas rin sa kwarto niya.

"Good morning." Bati niya sa akin at tumango lang ako. "May problema ba, Miggy?"

Namilog ang mga mata ko na hinarap siya. Tama ba ang narinig ko?

"Tinawag mo ulit akong Miggy? May naalala ka na?"

"Meron pero hindi pa lahat."

Masaya ako dahil pa kunti-konti naalala na ni Robin ang lahat. Kailangan ko rin ang maging handa.

Get ready to ask her to marry you again, Mig.

Tonight I will ask her to marry me. Kahit konti pa lang naman ang naalala niya pero hindi ko na papalampasin ang araw na ito. Kahit iba nauwi ang supposed to be dinner date namin kagabi ay naging success naman.

Pagkatapos ko kumain ng agahan ay dumeretso na ako sa head quarter para sabihan sila tungkol sa plano ko. Gusto ko kasi sila ang unang makakaalam.

"Nandito na si Mig!" Sigaw ni Neil.

"Hey, Mig. Musta ang dinner date niyo?" Tanong ni Jake.

Kibit balikat ang sinagot ko sa kanya.

"Nauwi sa family date. Kasi naman hindi pa kami umaalis ni Robin ay umiiyak na si Ry kaya ayun sinama na lang namin."

Tumawa ang mga kaibigan ko sa kinuwento ko sa nangyari kagabi.

"Hindi papayag si Ryder na hindi siya kasama." Sabi ni Rocco.

"Ano na ang plano mo ngayon, pre?" Tanong ni Jake sa akin.

"Tonight I'm going to ask her." Hindi ako paligoy ligoy pa kahit hindi pa niya ako masyado maalala. Gagawa kami ng panibagong memories na magkasama.

"Whoa. Bakit ka nagmamadali magpropose sa kanya? Wala pa siyang naalala." Sabi niya ulit na kinatango ng iba.

"She remember some pero hindi naman importante kung may maalala siya o wala. Gagawa naman kami ng panibagi na magkasama."

"I'm so happy, Mig dahil nakahanap ka ng babae para sayo." Sabi ni Neil sabay akbay sa akin.

"Thanks, pre."

"Ano ang plano mo mamayang gabi? Saan mo balak magpropose?" Tanong ni Zion. Parang siya pa yung excited kaysa sa akin.

"Sa bahay lang. Baka kasi umiyak na naman si Ry kung lalabas pa kami ni Robin. Hindi na naman matuloy ang plano ko."

"Ang sabihin mo ayaw mo lang lumayo sa anak mo." Pang aasar ni Rocco sa akin.

Hindi na ako sumagot sa kanya kahit hindi naman totoo iyon. Kaya ko naman lumayo ng matagal kay Ryder kung gugustuhin ko pero sa ganitong sitwasyon. I don't know.

Sinabi ko sa kanila ang plano ko mamayang gabi at niyaya ko silang lahat na pumunta sa bahay pero lahat sila ay tumanggi. Noong sinabi kong may konting salu-salo sa bahay pagkatapos ay doon nagtext o tinawagan ang mga asawa. Basta pagkain ang bilis pumayag ng mga ito.

Susubukan ko rin imbitahin si Kurt. Baka kasi magtampo iyon sa akin kung hindi ko siya yayain.

Nilabas ko na ang phone ko para i-text si Kurt.

To Kurt;

Pre, hindi ka ba mamayang gabi?"

From Kurt;

Wala naman ako gagawin. Bakit? Yayain mo makipag date sayo? Sorry, pre hindi ako pumapatol sa kapwa ko saka may asawa at anak na ako.

Kumumot ang noo sa reply nito. Gago talaga.

To Kurt;

Gago ito. Hindi rin ako pumapatol sa kapwa ko. May asawa at anak na rin ako! Kaya lang naman kita tinanong dahil yayain ko si Robin magpakasal ulit sa akin at may konting salu-salo sa bahay pagkatapos. Nandoon rin ang iba.

From Kurt;

Hahaha binibiro lang kita. Susubukan ko. Magpapaalam pa ako kay Eunice. Alam mo naman baka hanapin ako ng asawa ko. Text na lang kita kung makakapunta ako.

Hindi ko na inabalang replyan pang muli si Kurt. Nang ibabalik ko na sana ang phone ko sa bulsa ng suot kong pantalon noong tumunog ito. Tiningnan ko kung sino ang nagtext sa akin o baka pumayag na si Eunice na sasama si Kurt sa amin. Pero hindi naman galing kay Kurt ang message kundi kay Alice. Ang akala ko pa naman tumitigil na siya dahil sa huling reply ko sa kanya.

Imbes na nireplyan ko siya ay blinock ko na lang ang number niya. Wala na siya sa buhay ko ngayon. Nasa past ko na lang si Alice ngayon. Si Robin ang present at future ko.

Bago pa ako umuwi ay dumeretso na muna ako sa jewelry store pero wala akong alam kung ano klaseng singsing ang bibilihin ko para kay Robin. That's why I asked the saleslady na hanapan ako ng babagay sa babaeng mahal ko.

Tapos ko bumili ng singsing ay dumeretso na ako sa bahay. Excited na nga ako para mamayang gabi. Sana nga lang umoo si Robin lalo na may anak na kaming dalawa.

Nang bumaba na ako sa kotse ay may isang familiar na bulto ako nakita nakatayo sa labas ng bahay namin. Lumingon siya noong napansin na niya ako.

"What are you doing here? Ano ba hirap na sinabi ko sayo na huwag ka—"

"May kailangan kang malaman. May masamang binabalak si Anton sayo." Kumunot ang noo ko. Siya ang boyfriend ni Alice na pinalit sa akin at gusto akong patayin. Ngumisi ako.

"No doubt. Kung noon nga gusto niya akong patayin dahil sinaksak niya ako. Ang akala siguro niya namatay ako sa ginawa niyang pagsaksak sa akin pero doon siya nagkamali. May nakakita sa akin at dinala ako sa malapit na ospital."

"G-Ginawa ni Anton iyon?" Bakas sa mukha ni Alice ang pagkagulat. Sabagay wala naman siyang alam na pwedeng gawin ng boyfriend niya. "B-Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

"You love him, right? Siya ang lalaking pinalit mo sa akin. Pwes magdusa kang alamin ang tinatago ng boyfriend slash fiance mo. Labas na ako diyan at kung ano ang binabalak niya. Maling tao ang babanggain ng boyfriend mo dahil handa na ako makipag patayan na kahit sino."

"Miggy?" Napalingon ako sa loob ng makita ko si Robin habang karga nito si Ryder.

"Umalis ka na, Alice dahil wala na tayo paguusapan." Sabi ko at pumasok na sa loob ng bahay.

I Lay My Love On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon