Chapter 44

712 24 0
                                    

Sobrang kaba ko habang naghihintay dito sa may garden namin. Hindi ko maintindihan ang sarili ko lalo na wala pa rito ang mga kaibigan ko. Hindi ko tuloy alam kung pupunta rin ba sila o hindi, eh. Bahala na nga kung ano ang magiging resulta mamaya.

"Miggy?" Mas lalo akong kinakabahan nang marinig ko ang boses ni Robin. Huminga na muna ako bago humarap sa kanya na ngiti sa mga labi. Hindi ko pinapahalata na kinakabahan ako.

"Hi." Lumapit ako sa kanya sabay abot ng bulaklak. Hindi ko ito pinitas ah. Binili ko mismo ito kanina sa flower shop. Umalis ulit ako bandang hapon para bumili ng flowers. Medyo natagalan ako dahil ko alam kung ano ang ibibigay kay Robin. I don't know what's her favorite flower. Kaya nauwi sa red rose ang binili ko katulad noong pumitas ako ng isang red rose sa garden. "For you."

"Aw, thank you." Inaamoy amoy pa niya ang bulaklak. "Hindi ka na sana nagabala pa. Pero ano ba ang meron?"

"Special ang araw na ito para sa atin."

"Malabong birthday ni Ryder dahil ang sabi mo 9 months old pa lang siya. Hindi kaya..." Huminto siya saka singhap. "Anniversary natin? O birthday ko? Sorry, hanggang ngayon kasi hindi ko pa maalala."

"No. It's our anniversary or even your birthday."

"Kung ganoon. Ano ang meron? Kung bakit mo ko binibigyan ng bulaklak kung wala naman pala okasyon."

Dahil atat na siya malaman kung bakit nandito kami ngayon sa garden ay kinuha ko na sa bulsa ang binili kong singsing at saka naman lumuhod sa harapan niya.

"Kahit hindi mo ko maalala pero alam ko hindi ako makakalimutan ng puso mo. Dahil alam ko ako lang ang sinasabi niyan. But we can make a new memories together with Ry and our future kids. Robin, will you marry me?"

Shit. I hate this feeling. Mas lalo akong kinakabahan noong hindi siya sumasagot. Ayaw ko ng rejection.

"Robin, please, answer me. Kinakabahan ako, eh."

Unting-onti nawawala ang kaba ko sa dibdib noong makita ko siyang tumango.

"Yes, magpapakasal ako sayo." Tumayo ako at niyakap ko. She said yes.

"Thank you. I love you." Bumitaw na ako sa pagyakap para ilagay sa daliri niya ang singsing at hinalikan ko siya sa noo.

"Kahit wala pa ako masyado maalala ay naniniwala naman ako sayo, Miggy. Sa nakikita ko naman isa kang mabuting tao."

Sasagot na sana ako pero may narinig akong palakpak at sigaw. Napalingon naman kami ni Robin sa likod dahil nandito pala ang mga kaibigan ko at nanonood sa amin.

"Whoo! Congrats!" Kilala na kung sino iyan. Sa lakas pa naman ng boses. Daig pa ang nakalunok ng megaphone sa sobrang lakas ng boses. Walang iba kundi si Neil.

"Congrats sa inyong dalawa." Nakangiting sabi ni Kurt. He's also here. Wala siyang sinabi sa akin na pupunta rin pala siya. Ni hindi nga niya ako tinext pero masaya ako nandito rin siya.

"Kasalan ulit." Masayang sambit ni Jake.

"Halos isang taon na ang huling kasal na dinalo natin." Ani Neil.

"Yep. Kasal pa ni Oliver." Sabi ni Zion.

Humarap naman ako kay Robin at hinawakan ang kamay niya. Nakatayo lang kasi siya sa pwesto niya. Hindi gumagalaw.

"Robin, papakilala ko sayo ang mga kasamahan ko. Si Kurt dati siyang agent at superior namin pero ngayon isa na siyang soccer coach."

"Hello. Sana balang araw ay maalala mo rin kaming lahat."

"Ito naman si Zion isa siyang magaling na programmer at ang pumalit kay Kurt bilang superior namin."

"Hey. Kung kailangan mo malaman ang mga sikreto ni Mig lumapit ka lang sa akin. Sasabihin ko sayo lahat."

"Hoy. Ano iyan, Zion? Nangingialam ka ng privacy ko."

"Biro lang. Nirerespeto ko naman kayong lahat."

"Anyway, this is Jake isa siyang doctor sa labas ng head quarter pero sa tingin ko may balak siyang pumalit kay Zion bilang superior."

"Gusto mo, Jake? Pwede ko naman ibigay sayo."

"Hindi. Naniwala ka naman kay Mig."

"Si Rocco. Ang pamilya niya ang palaging tumutulong sayo."

"Welcome ka naman sa bahay kung mahuli mong mambabae iyang asawa mo." Sabi ni Rocco.

"Hindi naman magagawa iyan. Nagbago na ako kaya hindi ako maghahanap ng ibang babae. Si Robin lang ang mahal ko."

"That's good. Kung malaman ko lang talagang may ibang babae ka ay lagot ka sa akin." Banta ni Kurt. Kung hindi ko lang alam na may Eunice at kasal na siya ay baka iisipin kong may gusto rin siya kay Robin. Damn. Hindi ako papayag kahit kaibigan ko pa ang karibal ko. "At kung ano man iyang iniisip mo ay nagkakamali ka, Mig. Kahit isang beses lang kami magkasama ni Robin sa isang misyon ay hindi ako nagkaroon ng crush sa kanya. Kay Eunice lang."

Nakahinga naman ako ng maluwag sa huli niyang sinabi. Mabuti naman kung ganoon.

"And lastly, si Oliver. Siya ang pinakabata sa grupo."

"Hoy! Hindi mo naman ako pinakilala. Hayop ka!" Natawa naman ako kay Neil.

"Biro lang, pre. This is Neil siya ang pinaka close ko sa lahat at dati ko siyang partner sa mga misyon bago siya kinasal."

"Hello. Nice to meet you all. Sana nga maalala ko na kayong lahat pero konti pa lang ang naalala ko ngayon."

"Hindi mo naman kailangan madaliin para maalala kami." Ani Zion.

Nagkatuwaan kami rito sa garden hanggang tawagin kami ni manang na nakahanda ang pagkain. Kahit nga sa pagkain ay puro kalokohan. Sino pa nga ang simuno ng kalokohan? Eh di, si Neil. Siya lang naman ang hari ng kalokohan. Ang akala ko ba nagbago na siya dahil iyon ang sinabi niya sa akin noon pero sa tingin ko kapag kami ang kasama niya ay bumabalik sa kalokohan para bang balik sa pagkabinata. Takot lang kasi kay Francine.

"Robin, pwede bang mahiram na muna itong asawa mo saglit?" Pagpaalam ni Zion kay Robin.

"Sige. Doon na muna ako kay Ryder." Bumalik sa kusina si Robin nasa sala kaming lahat pagkatapos kumain.

"Makahiram akala mo naman isang bagay ako." Natatawang sambit ko.

"This is serious matter, Mig. Kahit ayaw namin sabihin sayo ang tungkol dito pero kailangan mong malaman." Huminto ako sa pagtawa dahil mukhang seryoso nga ang sasabihin niya sa akin. Kahit ang iba kong kaibigan ay naging seryoso na rin.

"Ano ba iyon?"

"Someone wants to kill you."

"I know. My ex girlfriend warned me about his boyfriend's plan. Hindi na bago sa akin kung gusto talaga ako patayin ang hayop na iyon."

"What do you mean?" Nilingon ko si Kurt noong tinanong niya ako.

"Nangyari ito 6 years ago, I have girlfriend before. Her name is Alice. Isa na siyang doctor ngayon. Minahal ko siya ng lubusan noon pero niloko lang niya. Pinalit niya ako sa ibang lalaki. Hindi ko tanggap na pagloko niya sa akin kaya sinusundan ko siya parang stalker noon at pinipilit na bumalik sa akin. Hanggang isang gabi habang pauwi ako galing sa trabaho ay sinalubong ako ng boyfriend niya sabay saksak sa akin. Ang akala siguro niya ay namatay ako pero doon siya nagkamali dahil may tumulong sa akin at dinala ako sa malapit na ospital. Comatose ako ng ilang buwan pero may naiwan naman sa akin na isang bangungot." I sighed. Hindi ko lulubusin na sasabihin ko ulit sa iba ang tungkol sa bangungot na iyon.

"Bakit hindi mo sinabi sa amin?" Kunot noo tanong sa akin ni Rocco.

"Dahil ayaw ko na maalala ang nangyari sa akin. Muntik na ako mamatay dahil sa kanya."

"And we also found out he is the reason why your mother got killed." Gulat ako sa narinig ko mula kay Zion. Nakayukom ang mga kamao ko sa galit. Gusto ko siyang patayin sa ginawa niya kay mama. Hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya. Hayop siya. Buhay ang kinuha niya kaya buhay rin ang kukunin ko.

I Lay My Love On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon