Chapter 23

621 24 0
                                    

Pagkatapos namin kumain ay bumalik na kami kay mama but she told me na pwede na daw siya lumabas. Kaya binayaran ko na ang hospital bill ni mama.

Pagkahatid namin kay mama ay nagbilin ako sa mga maids na bantayan nila ang kinikilos ni mama dahil bawal na siya magtrabaho ng mabibigay. Lagot silang lahat sa akin kung may mangyaring masama kay mama.

Buong biyahe ay hindi ko kinausap si Robin hanggang makarating na kami sa apartment. Nauna na ako sa kanya pumunta sa apartment namin.

Nandito na ako sa loob ng banyo para maligo kaya hinubad ko na ang shirt ko pero tiningnan ko ang likuran ko sa salamin.

"Tsk."

Everytime I saw the scar at my back naalala ko ang madilim kong nakaraan kahit yung lalaking nakita ko kanina sa labas ng ospital. Siya kasi ang may gawa nito sa akin.

"Miggy." Gulat akong lumingon kay Robin kahit rin siya nagulat. "Um, sorry."

"Para naman ngayon mo lang nakita ang katawan ko."

"Che! Manyak ka na nga, bwesit ka pa!"

"Ano ang kailangan mo? At pumasok ka pa talaga dito sa loob ng banyo." Hinuhubad ko na ang suot kong pantalon.

"A-Ano ang ginagawa mo?"

"Maliligo kasi ako." Inosente kong sagot sa kanya.

Tumalikod na ako sa kanya pagkahubad ko ng lahat na kasuotan ko at pumunta na ako sa shower room pero naramdaman ko ang palad ni Robin sa likuran ko para dahilan na huminto ako.

"Ano nangyari dito?"

"Let's not talk about it."

"Miggy." Niyakap ako ni Robin sa likuran. "Please lang, huwag ka na magtago ng sikreto sa akin kahit sa past mo. Asawa mo ko kaya may karapatan ako malaman ang lahat na tungkol sayo."

"Pwede bang maligo na muna tapos mamaya sasabihin ko sayo ang lahat."

"Ah. Sorry. Sige, ligo ka na muna." Kumawalas na siya sa pagkayakap at lumabas na ng banyo.

Pagkatapos ko maligo ay pumunta na ako sa kwarto ko para magbihis. Lumabas na ako nang matapos kong magbihis at nakita ko si Robin nakaupo sa sofa.

"Talaga bang gusto mong malaman?" Tanong ko sa kanya at umupo sa tabi niya.

"Of course!"

"Ang may gawa nito ay ang current boyfriend ni Alice. Siya ang dahilan kung bakit magaagaw buhay ako noon. Gusto niya akong patayin pero nabigo siya sa gusto niyang mangyari. Buhay pa rin ako hanggang ngayon dahil may nakakita sa akin at dinala niya ako sa malapit na ospital."

"Grabe naman ang ginagawa niya. Bakit naman niya gustong patayin ka?"

"Dahil siguro hindi ako pumapayag noon sa kagustuhan ni Alice na maghiwalay kami. Palagi ko siyang sinusundan kahit saan siya pumunta para bang stalker. Ganoon ko siya kamahal noon pero niloko lang niya ako hanggang sumuko na ako dahil sa nakikita kong mahal talaga niya ang pinalit niya sa akin. Isang gabi habang pauwi ako galing sa trabaho ko ay bigla na lang siya humarang sa dinadaanan ko. Alam kong lasing siya kaya hindi ko na lang siya pinansin. Bigla na lang niya ako sinaksak at tinapon sa damuhan parang basura. Akala ko siguro niya patay na ako. Simula noon hindi ko na sila nakita pang muli. Ngayon ko lang ulit sila nakita after 5 years. Kaya sa tuwing nakikita ko ito ay naalala ko ang lahat."

"How about the scar on your left shoulder?"

"Ito ba?" Hinawakan ko ang kanang balikat ko. "Nakuha ko naman ito noong nasa misyon ako. Kamuntikan na rin ako mamatay doon pero nailigtas naman ako nila Zion. Ngunit mission failed."

"Kahit mission failed. Ang importante ay buhay ka." Hinawakan niya ang magkabilaang pisngi ko.

"Since I already talked about myself. Bakit na lang tayo magpakilala ng maayos? Kasal nga tayo pero wala naman tayong alam sa isa't isa." Sabi ko sa kanya.

"May point ka diyan. Hindi pa nga natin kilala ang isa't isa. Sino mauuna?"

"Lady's first."

"Aba, gentleman kuno. Okay, ako na muna. I'm Robin Fuentes, 24 years old but turning 25 this year, lumaki ako sa Madrid, Spain."

"Kaya naman pala marunong ka mag-Spanish."

"Yep. Hindi lang naman Spanish ang alam ko, eh. I can also speak Japanese and Italian. Korean hindi masyado dahil hindi naman ako tumagal doon. Isang simple lang naman ang buhay ko. Mahilig ako sa dangerous adventure pero hindi naman ako pinapayagan. Kahit anong pagkain ay kinakain ko. Hindi naman kasi ako picky."

"Ano pala ang ginagawa niyo rito sa Pilipinas noon? Dahil wala naman ako maalala pumunta kami ng pamilya ko sa Spain noong bata pa ako."

"Ibig sabihin ba niyan naalala mo na ang lahat?" Tumango ako sa kanya. "That's good. Anyway, bakasyon ko kasi kaya nandito kami ni papa maliban kay mama dahil ayaw niya sumama. Nasabi ko ba sayo noon na isang agent si papa?"

"Nabanggit mo nga ang tungkol diyan noon."

"I see. Dito rin kasi ang misyon niya. Sinasama niya ako sa head quarter nila pero sa misyon hindi. Delikado daw kasi ang misyon ni papa and the rest puro regrets from the past. Iyon lang. Ikaw naman."

"Wala naman nangyari sa buhay ko. After my ex girlfriend broke up with me doon na rin ako naging babaero. Siya ang dahilan kung bakit ako ganito ngayon. Kaliwa't kanan babae ang kasama ko. Hindi ko na nga mabilang kung ilang na ang naging ex ko. Until I met you... panget man pakinggan pero na love at first sight ako sayo kahit boyish ka pa."

"Ang akala ko ba hindi ako ang babaeng tipo mo."

"Ayaw kong saktan ka but yeah you're not my type. Ibang iba ka sa mga babaeng nakilala ko. Sexy ka naman pero..."

"Maliit ang hinaharap ko?" Tumango ako sa kanya. "Bakit ba ganyan kayo mga lalaki big deal sa inyo ang malaking dibdib ng babae? Ang manyak niyo talaga."

"Ganoon rin naman kayo mga babae ah. Gusto niyo sa lalaki ay ang may abs. Fair enough."

"May abs ka ba? Wala naman ah. Payatot ka!"

"Ang sakit mo naman magsalita."

"Truth hurts." Natatawang sabi niya. Ang lakas talaga mang asar ni Robin pero kapag siya naman ang inaasar ko ay mapipikon at magagalit sa akin. Mga babae nga naman.

"Kahit payatot ako ay marami namang babae nagkakagusto sa akin."

"Sure ka? O baka naman pera lang ang habol nila kaya sila lumalapit sayo. Miggy, iba na ang panahon ngayon. May mga babae gagawin ang lahat para sa pera."

"Grabe ka talaga sa akin. Nahahalataan ko ng sobrang sweet mo talaga."

"I know, right? Pero may tanong ako sayo."

"Ano iyon?"

"Ilang taon ka na pala?"

"I'm turning 27 next week."

"Next week?! We have to celebrate your birthday together. Ito ang unang taon na magkasama tayong dalawa sa araw mismo ng birthday mo."

"Okay. But let me remind you no seafoods."

"Okay, I got it. No seafoods. Hindi na ako bibili ng seafoods para hindi na mangyari ang nangyari kanina."

"At kung pupunta ka ng grocery ay sabihan mo ko para samahan kita ah."

I Lay My Love On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon