Chapter 2

886 30 0
                                    

Ang sabi ni Oliver noong tumawag siya sa akin ay sa boutique nila Sarah kami magkita kita. Bakit doon? Doon siguro nagsusukat ng susuotin namin sa kasal niya.

Nang makarating na ako ay pumasok na ako sa loob ng boutique. Sa totoo lang ngayon pa lang ako nakapasok sa dito kahit ilang beses na ko nakapunta. Ang huling punta ko kasi dito yung may mga armadong lalaki dito.

Habang sinusukatan kami ay wala pa rin nagbabago kay Neil dahil wala pa rin siyang sineseryosong usapan.

"Ang akala ko ba wala ka ng balita sa ex mo. Tapos ngayon malalaman ko kay Jake na ikakasal ka sa kanya."

"Sorry. I lied. Matagal na ako may communication sa kanya lalo na may anak kami."

"Isa pa iyan. Hindi mo rin sinabi sa akin may anak ka."

"Palagi ka kasi hindi sumasali sa paguusap namin. Sinabi na rin sa amin ni Oliver ang nakaraan niya." Singit ko sa kanila.

"What? Ano yun?"

"Long story short, sakitin ako noon at may isang scientist na lumapit sa mga magulang ko. Wala na silang choice para gumaling ako. Successful ang experiment pero naging immortal ako noon."

"What do you mean immortal?"

"Immortal... Yung hindi ka mamatay."

"I know what immortal is. What I mean is pwede pala maging ganoon ang isang tao sa panahong ngayon."

"Yes. As long as success ang experiment sayo pero may disavantage din dahil hindi ka pwede magkaroon ng anak."

"Ay. Ayaw ko na. Gusto ko pa ang maging mortal kahit pwede tayo mamatay."

"Hindi rin maganda ang maging immortal, Neil. Ikaw na lang ang matitirang buhay dahil ang mga taong mahal mo ay wala na sa mundo. I really hate it. Para kasing patay na binuhay ulit ako."

"Sorry. I don't want to disturb your conversation but congratulations, Oliver." Sabi ni Sarah. Pinalibot ni Rocco ang braso niya sa beywang ng kanyang asawa. Kahit kailan talaga walang pinipiling lugar ang mag-asawang ito.

"Salamat, Sarah."

"So, kailan mo balak magpakasal, Mig? Ikaw na lang ang napag iwanan ng mga ito." Sumimangot ako sa sinabi ni Sarah.

"Wifey, walang balak si Mig na magpakasal. Balak yatang tumandang binata na iyan, eh."

"Yeah. Like what Rocco said, Sarah. Wala nga akong balak magpakasal."

"Why? Sayang naman."

"Dahil ito ang pinipili kong kapalaran para sa akin."

"Hindi ka ba naiinggit? Kasi ang mga kaibigan mo ay may mga asawa na. Lahat sila may mga kasama sa mga okasyon pero ikaw kung sinu-sino na lang."

"Hindi kung sinu-sino ang sinasama ko. Naging exes ko rin naman sila pero ito lang sasabihin ko sayo, Sarah. May papakilala ako sa inyong lahat."

"Seryoso na ba iyan?" Tumingin ako sa pinto dahil narinig ko ang boses ni Kurt. Binigyan ko lang siya ng kibit balikat.

"Imposible naman iyang tinatanong mo sa akin, Kurt. You know me, man." Sagot ko sa kanya pero nakita ko ang pag iling ni Sarah.

Pagkatapos kami sukatan ay nagpaalam na ako sa kanila at nagmamadali na ko bumalik sa apartment ko.

Pagkarating ko sa tapat ng apartment ay nakita ko si Robin nagmamadali rin pumasok sa loob para bang may humahabol sa kanya na ewan.

Bigla ko naalala ang binitawan kong salita kanina. Kailangan may pakilala ako sa mga kaibigan ko kahit sa araw lang mismo sa kasal ni Oliver. Tiningnan ko si Robin habang hindi makampante na ewan paramg natatae na naunahan sa pagkapasok sa banyo.

"May problema ba? Para kasing natatae ka na diyan na hindi makampante."

"Huh? Nandiyan ka na pala." Umiling ako ng ulo. "May sinasabi ka ba kanina?"

"Ang sabi ko lang naman kung may problema ba. Baka makatulong ako sayo."

"Wala. Wala akong problema. Bakit naman ako magkakaroon ng problema?"

"Ewan ko." Sagot ko pero nakaramdam ako para bang may nagmamasid kaya tumingin ako sa ibaba. Nasa 8th floor kasi ang apartment namin. At may nakita ako isang lalaki nakatingala. "Kilala mo ba yung lalaki nakatingin dito?"

"Baliw ito. Bakit naman may lalaki titingin dito? Baka sa ibang tenant iyan. Hindi lang naman tayo ang tao dito sa apartment."

Sabagay tama naman siya pero hindi ako naniniwala sa sinasabi niya. Para bang may tinatago si Robin sa akin.

"Alam mo hindi ako naniniwala sa mga sinasabi mo sa akin." Humarap na ako sa kanya at pumasok na sa loob.

"Huh? Bakit naman?"

"Tutulungan kita sa problema mo kung tutulungan mo rin ako."

"Ano naman iyon?" Kunot noo niyang tanong sa akin.

"Pretend to be my girl for 1 day sa araw mismo ng kasal ng kaibigan ko."

"Fuck you! No thank you. Kadiri ka, Miggy." Sumimangot ako pero napalitan ng isang ngisi ang mga labi ko.

"If you want to fuck me papayag rin ako."

"Ugh. Kadiri ka! Kilabutan ka nga sa sinasabi mo." Sabi nito saka pumasok sa loob ng kanyang kwarto. Kaya humalakhak ako ng tawa dito. Shit. Hindi rin naman ako pumapatol sa tomboy, no! Hindi pa ako nababaliw. Magkababae na muna siya bago ko siya patulan.

Over my gorgeous body.

Nakaupo lang ako sa sofa habang tinitingnan ang mga litrato sa camera ko ng lumabas na ulit ng kwarto si Robin.

"Hoy!"

"Hindi hoy ang pangalan ko dahil may pangalan ako." Sabi ko sa kanya.

"Tsk. Miggy." Tumingin ako sa kanya. Ewan ko ba parang okay lang sa akin na tawagin ako ni Robin na Miggy.

"Ano ang kailangan mo?"

"Talaga bang gusto mong tulungan ako?"

"Yep. Kung tutulungan mo rin ako."

"Uh, isang araw lang naman ako magpapanggap, diba?" Tumango naman ako sa kanya. "Pero bakit ako?"

"Dahil sobrang busy ko sa trabaho kaya wala pa akong nakilalang babae at next week na ang kasal ng kaibigan ko." Nilapag ko ang camera sa center table at lumapit sa kanya. "Siguro naman hindi ka magkakagusto sa katulad ko."

"Aba. Ang kapal din ng mukha mo. Hindi ako pumapatol sa katulad mo, Miggy."

"Good. Mabuti ng malinaw sa atin ang gagawin natin. Kahit magsuot ka pa ng panglalaking damit pero sa paningin ko ay isa ka pa ring babae."

"Baka ikaw pa itong magkakagusto sa akin."

"That's impossible. Hindi pa ako nahuhulog sa isang babae lalo na sa katulad mo. Nah, never! Over my gorgeous body." Kinuha ko na ulit ang camera ko at pumasok na ako sa loob ng kwarto ko.

Hinding hindi na ako magkakagusto sa isang babae kahit mag-transform pa si Robin bilang isang magandang babae. Kahit ba maghubad pa siya sa harapan ko ay hinding hindi ako magkakagusto sa kanya. Ilang babae na kaya ang naghuhubad sa harapan ko para angkitin lang ako. Isa lang naman ang gusto nila, ang pera ko.

Bakit kasi kilala sa buong Pilipinas ang pamilya ko? Pero nagpapasalamat na rin ako kay dad kung hindi dahil sa kanya at magandang genes niya ay wala ako kung ano ang meron ako ngayon. Kung saan man siya ngayon ay sana hindi ako dalawin.

I Lay My Love On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon