Chapter 10

665 25 1
                                    

Robin's POV

Nandito na ako ngayon sa airport at naghihintay ng flight ko pero napapalingon ako sa paligid.

What do I expect? Pupunta siya dito para pigilan ang pagalis ko? Psh. Malabong mangyari iyon. Wala ngang maalala tungkol sa akin kaya imposible ang iniisip kong mangyayari.

"Are you waiting for someone before we leave?" Tanong ng asungot kong kasama at tiningnan ko siya ng masama.

"Tsk. Mind your own business." Pinagkrus ko ang mga braso ko. Naiinis na talaga ako sa lalaking ito. Hindi ko alam kung pinaglihi ba siya sa aso dahil simulang dumating ako sa Pilipinas ay buntot ng buntot sa akin. Akala siguro niya hindi ko nahahalata iyon. Mabuti na nga lang hindi niya alam ang dati kong trabaho. Wala nakakaalam na isa akong spy agent. Even my parents. Kaya lang naman ako pumasok dahil iniidolo ko si papa noon. Dati kasi siyang agent. Astig, diba?

Paano ko nalaman na isa siyang agent? Palagi ko siya nakikita magtrabaho noon. Hanggang head quarter lang ako dahil hindi naman niya sinasama sa mga misyon niya. Masyado daw delikado ang mga misyon niya. Noon hindi ko pa maiintindihan kung gaano ang delikado ang misyon niya dahil bata pa ako noon. Kung sumunod lang sana ako sa bilin ni papa noon na huwag lumabas ng bahay ay... Ugh. Ayaw ko na maalala ang nangyari noon. Nagsisi talaga ako.

Ilang oras ang biyahe namin bago nakarating sa Spain kasama ang peste kong fiance na si Clyde. Buong biyahe hindi ko siya iniimikan at wala akong pakialam kung mapanis pa ang laway ko.

"What's your plan after this?" Tanong nito sa akin.

"I want to sleep for the month." Humarap ako sa kanya saka tinaasan ng kilay. "Naghihintay pa rin ako ng milagro sana hindi na matuloy ito pesteng kasal. Bwesit."

"Hanggang ngayon pa rin ba galit ka pa rin sa akin?" Tanong nito. May pagka slang ang Tagalog niya dahil hindi naman siya Filipino.

"Hindi ba obvious? Sa tingin mo ba ginusto ko itong magpakasal sayo? Kahit minsan, Clyde gamitin mo iyang utak mo."

Nakakainit ng ulo. Kakarating lang namin dito sa Spain kumumulo na naman ang dugo ko dahil sa kanya. Makauwi na nga.

Pagkarating ko sa bahay ay binati ako ng ilang maids pero nilagpasan ko na lang sila dahil pagod ako ngayon. Dumeretso na ako sa kwarto ko para magpahinga.

Nagising ako dahil may kumakatok sa pinto ng kwarto ko. Sino naman ang pesteng iisturbo ng tulog ko? Bwesit naman. Sarap pumatay ng tao kung pwede nga lang.

Napabangon ako bigla ng makita kong si papa ang pumapasok sa kwarto ko.

"How's my princess?"

"I'm fine, pa." Niyakap ko siya sa sobrang miss ko na ang papa ko.

"I heard from your mother that you like someone else. Who is he?"

"Remember the young boy I met when I was a kid?"

"Yes. What about him?"

"Actually, I met him again."

"Did he remember you?" Mabilis akong umiling kay papa at yumuko.

"No. He doesn't remember me."

"Are you still blaming yourself because of what happened before?"

"Yes. Paano ko naman hindi sisihin ang sarili, pa? Kasalanan ko ang nangyari noon."

"Stop blaming yourself, Robin." Hinawakan ni papa ang isang kamay ko. "Anyway, do you want to marry Clyde?"

"Anong klaseng tanong iyan, pa? Kahit kailan ayaw kong pakasalan ang pesteng iyon."

"Language, Robin."

"Sorry."

Kumukulo talaga ang dugo ko kapag naririnig ko ang pangalan niyang iyon. Wala ako ibang choice kundi ang magpakasal sa kanya. Hindi na matutupad ang pangarap kong magpakasal sa lalaking mahal ko dahil magpapakasal ako sa lalaking sinusumpa kong buong buhay ko. Ni hindi ko nga mahal si Clyde.

"Follow what your heart says, princess."

"Huh?" Naguguluhan ako sa gustong sabihin ni papa sa akin.

"Ang sabi ko sundan mo ang sinasabi ng puso mo. Napagisipan ko na rin naman na hindi tama ang ipakasal ka sa lalaking hindi mo naman mahal."

"Eh? Paano kayo? Ayaw ko kayo makulong kung hindi matuloy ang kasal. At mas lalong ayaw ko naman magalit si mama kapag nalaman niya ang nangyari."

"You're going to marry Clyde for my sake pero magiging masaya ka ba? No. Hindi ka magiging masaya sa kanya dahil hindi siya ang lalaking mahal mo. Leave this everything to me. Makulong man ako ay ayos lang sa akin."

"Papa naman. Hindi magandang biro iyan. Hindi ako papayag na makulong kayo sa hindi niyo naman kasalanan. Buo na ang desisyon ko kahit ayaw ko talagang magpakasal kay Clyde ay magpapakasal ako sa kanya."

"Sige na. Magpahinga ka na ulit dahil alam ko naman pagod ka sa biyahe niyo kanina."

Lumabas na ng kwarto ko si papa saka naman ako humiga ulit sa kama. Iniisip ko ang pinaguusapan namin ni papa kanina. Hindi naman ako papayag na makulong siya sa kasalanan na hindi naman niya talaga ginawa. Ang isang aksidente nangyari 20 years ago. Clyde was there too. Nakita daw niya ang nangyari noon kaya siguro gumawa ng sariling kwento. Inosente si papa. Hindi na lang tinuloy ni Clyde na mag-report sa mga pulis but in one condition papakasalan ko siya. Kaya ayun ang sarili kong ina pinipilit ako magpakasal sa isang lalaki na hindi ko naman minahal talaga at sa isang lalaki na pinaglihi sa aso ng nanay niya.

Argh... next week na ang pesteng kasal. Sana isang panaginip lang ito at magising na ako sa katotohanan. Kung isang panaginip lang ito, sana magising ako nasa Pilipinas pa rin ako at kasama ko pa rin sa isang apartment si Miguel.

Kinabukasan ay maaga ako nagising na hindi ko naman alam ang dahilan kung bakit ako maagang nagising ngayon. Sana nga lang hindi na lang ako nagising pang ulit para matapos na itong kalokohan.

Hay... sana nga isa lang itong kalokohan.

Bumaba na ako ng hagdanan pagkatapos kong maligo at magpalit ng damit.

"Estas despierto. Buenos días, cariño. Entra conmigo." Sabi ni mama sa akin.

"Mas tarde, mama." Sagot ko naman sa kanya. Wala akong gana sumabay sa kanya kumain dahil alam ko naman paguusapan rin namin ang tungkol sa kasal. Ayaw ko masira ang umaga ko ngayon.

Lumabas na ako ng bahay para pumunta sa isang coffee shop dito. Ganito ang palagi kong ginagawa kung ayaw ko sumabay sa hapag kainan, palagi ako sa labas kumakain para iwasan ang maging topic ang tungkol sa kasal.

Pagkapasok ko sa coffee shop ay umorder na ako ng palagi kong inoorder na Caramel Latte.

Pagkakuha ko sa order ay umupo na ako sa isang bakanteng table.

Coffee for breakfast? Not bad at all. Sanay na rin naman ako na kape lang ang almusal ko tuwing umaga.

"Hola." Tumingin ako sa isang lalaki.

"Si? Necisita algo, señor?"

"Puedo preguntar si eres Robin Fuentes?" Kumunot ang noo ko. Paano naman niya nalaman ang pangalan ko?

"Quien eres tu? Como supiste mi nombre?"

"No me malinterpretes, señorita. Alguien me dio esta nota y me dijo que deberia darsela a la mujer llamada Robin Fuentes." May inabot nga siyang note sa akin at umalis na rin siya agad.

Binuksan ko ang note at kumunot ang noo ko sa nakasulat.

I'm coming for you.

Lumingon ako sa buong coffee shop pero wala naman ako nakikitang kahi-kahinala dito. Sino naman kaya ang magbibigay sa akin ng note?

I Lay My Love On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon