Chapter 33

615 23 0
                                    

Miguel's POV

Nakaupo lang ako dito sa may dining area habang titig na titig kay Robin abalang kausap ang isang maid namin rito sa bahay. Damn. Why she's so pretty? Ano ba ang nagustuhan ko sa kanya na wala sa ibang babae nakasama ko noon? Everything? Yep, everything. She's different from them.

"Sir, kung nakakatunaw lang ang titig niyo kay ma'am baka kanina pa siya natunaw." Kumurap ako ng may narinig akong nagsalita at tumingin ako sa kanya. Si mang Bert lang pala. She still working with me kahit wala na si mama ngayon. Kaya kapag aalis ng bahay si Robin na hindi ako kasama ay si mang Bert ang kinakausap ko na magdrive para sa kanya.

"Nandiyan pala kayo, mang Bert."

"Sa tagal ko na nagtatrabaho rito, ngayon ko pa lang kayo nakitang masaya sa isang babae maliban sa mama ninyo."

"Alam kong si Robin ang babae para sa akin. Kahit ayaw ko sa kanya noon." Napapangiti na lang ako sa tuwing naalala ko ang unang beses kami nagkita ni Robin sa isang club noon. Natapunan niya ako ng inumin kaya hindi natuloy ang gusto kong mangyari doon sa babaeng makakasama ko sana noong gabing iyon. Galit na galit pa naman ako kay Robin noong gabing iyon. Mukhang gumagawa ng paraan ang tadhana para magkita at magkasama kaming dalawa ni Robin dahil tumira siya na kasama ko.

Biglang tumunog ang sikmura ko dahil gutom na ako. Ang tagal umuwi ni manang dahil nag grocery pa siya at hindi pa umuuwi.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at lumapit kay Robin. Niyakap ko siya sa likuran at inaamoy amoy kanyang batok. Ang bango niya talaga. Bagong ligo.

"Miggy, anong ginagawa mo?"

"Kain tayo sa labas. Ang tagal kasi bumalik ni manang. Gutom na ako." Nakalabi kong sabi sa kanya. Naubos na kasi ang stock naming pagkain kaya nag grocery si manang kanina at may malapit na grocery rito sa bahay.

"Okay. Magpapalit lang ako ng damit. Hintayin mo lang ako."

Pagkasakay namin ni Robin sa kotse ko ay iniisip ko tuloy kung saan kami gagawin ng almusal. May malapit ngang grocery rito pero ang lalayo naman ng mga kainan dito.

"Where do you want to eat?" Tanong ko kay Robin.

"Doon na lang tayo." May tinuro siyang kainan. "Ang balita ko masarap daw diyan ang pagkain especially for breakfast."

"Okay, let's eat there." Sabi ko. Hindi ko na rin kaya tiisin ang gutom ko. Nanghihina na ako ngayon.

Pinark ko na ang kotse ko sa isang space bago pa kami bumaba. Pumasok na rin kami at amoy na amoy ang sarap ng pagkain. Mas lalo tuloy nagugutom. Marami rin ang kumakain rito.

Umupo na kami ni Robin sa isang bakanteng upuan at may waiter na lumapit sa amin.

"Good morning, sir, ma'am. Ano po order nila?"

"Two pancakes and two coffees." Sabi ko doon sa waiter at umalis na rin siya.

"Hindi mo naman hinintay na pumili ako kung ano ang gusto ko."

"Breakfast lang ito. Pero kung may gusto ka pwede ba tayo mag-additional order."

"Huwag na."

"Sigurado ka?" Hinawakan hinawakan ko ang isang kamay ni Robin nakapatong sa table. "Since tayong dalawa lang."

"Ano meron sa ating dalawa?"

"Let me finish first, okay? Since tayong dalawa ang magkasama ngayon ay ibig sabihin ba nito date?"

Actually, wala pa akong alam masyadong sa date. I never dated my ex girlfriends before."

"Date? Breakfast date?"

"Parang ganoon na nga. Pero babawi ako sayo next time at dinner date naman."

"Okay."

Dumating na ang order namin kaya nagsimula na kami kumain ni Robin. Napatingin ako sa kanya dahil may maple syrup sa tabi ng kanyang labi kaya kumuha ako ng tissue para punasan.

"May maple syrup ka sa tabi ng labi mo. Pinunasan ko lang."

"S-Salamat." Nahihiyang sabi niya sa akin kaya ngumiti na lang ako sa kanya. "Huwag kang ngumiti ng ganyan baka mahulog ang puso ko."

"Hindi naman mahuhulog ang puso mo dahil nandito naman iyon." Tinapik ko ang kaliwang dibdib ko.

"Kay aga aga ang cheesy mo."

"Kinikilig ka naman."

"Ay ewan. Kumain ka na nga lang diyan."

Natawa na lang ako at tinuloy ko na ang pagkain ng pancake pero may isang bagay ang umagaw ng atensyon ko. What he is doing here? Hindi naman niya ako kilala dahil iba ang itsura ko noong nakausap namin siya noong nasa Spain kami. Buhay pa rin pala siya dahil sa totoo lang nakalimutan na namin ang tungkol sa kanya. Hindi pala namin siya nailabas sa storage room noon.

"May problema ba?" Tumingin ako kay Robin saka ngumiti.

"Wala naman."

Alam ko naman hindi babalik si Robin sa kanya. Unang una, hindi siya ang mahal ni Robin. Pangawala, napilitan lang si Robin pakasalan siya dahil sa pagpapanggap nito na ang papa ko ay ang papa niya kaya pinagbintangan niya ang papa ni Robin sa pagpatay. Pangatlo, ako ang mahal ni Robin.

"Robin?" Pareho kami napatingin sa taong tumawag sa asawa ko. "I finally found you."

"Clyde..."

"This time I won't let you to runaway from me again, babe."

"For your information, Clyde. Tapusin mo na itong kalokohan mo!"

"Nakakaintindi siya ng Tagalog?" Takang tanong ko kay Robin.

"Yeah, pero konti lang. More on English and Spanish."

"Alright. Leave this to me." Sabi ko sa kanya at tumayo na ako para lumapit dito sa panira ng date namin ni Robin. "Hi, I'm Miguel Valle. The only son of Martin Valle. The guy who got killed 20 years ago."

"What are you talking about? I am the son. Her father killed my own father 20 years ago."

"Really? All I know your father is still alive and he is in Spain. I met him once, mr. Clyde Sanchez."

"What the hell you're talking about?" Nakikita kong pinagpapawisan na siya kahit malamig ang loob ng restaurant. "Robin is supposed to marry me."

"Let's meet in the court, then. And I will talk to my lawyer."

Napaupo na ulit ako at bumuga ng malalim na hangin pagkaalis ng lalaking iyon. Halatang nagsisinungaling siya. Hindi siguro niya inaasahan makikilala niya ang tunay na anak. Hah! Tangina! Akala niya mauutakan niya ako ah. Mas marami akong alam tungkol sa kanya.

"Sorry sa nangyari kanina."

"Ayos lang." Ininom ko na ang kape ko na malamig na ngayon.

"Paano mo nakilala ang papa niya? I mean yung tunay niyang papa."

"Naalala mo yung nagpanggap na ako siya?" Tumango siya sa akin. "Isa sa mga lumapit sa akin ang papa niya. Nalaman na agad ni Zion bago ang kasal pero nalaman ko lang noong araw mismo ng kasal."

"Magaling talaga si Zion kumuha ng information."

"Hindi naman lahat kaya niyang pasukin. May ibang files siya na hindi niya kayang i-hack. Kahit isa pang professional programmer si Zion."

Naalala ko pa noong napasok niya ang isang file tungkol sa pagpatay sa dating asawa ni Rocco. Sobrang tagal na rin iyon kaya hindi na natuloy ang kaso ni Alyssa dahil kulang ang imbedensya nakuha ng mga investigator para ituloy sa paghahanap. Ang akala ko nga kukunin ni Rocco ang opportunity dahil may ideya na siya kung sino ang pumatay sa dati niyang asawa pero hindi niya kinuha. Naiintindihan ko naman ang kaibigan kong iyon dahil may anak siyang kailangan protektahan. Kaya sa akin na lang binigay ni Kurt ang misyon.

I Lay My Love On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon