Chapter 26

622 26 0
                                    

Robin's POV

Hindi mawala ang ngiti ko sa mga labi dahil hindi ko naman inaasahan sasama sa check up ko si Miguel.

Nang tinawag na kami ay tiningnan na ako ng doctor. Nakikita ko sa monitor ang baby namin kahit maliit pa siya. Naluluha ako dahil sa loob ng siyam na buwan ay makakasama ko na siya. Pinangarap ko rin naman magkaroon ng sariling pamilya.

"Pwede favor, Robin?" Tumingin ako sa kanya ng matapos na ang check up ko.

"Depende. Ano iyon?"

"Pwede bang doon ka na lang sa kwarto matulog simula mamayang gabi? Para naman hindi ka na mahirapan lumabas ng kwarto mo para katukin ako kung nagugutom ka."

"Sige." Walang gana kong sagot. Sa totoo lang, kahit kasal na kami ay nakakaramdam ako ng awkward kapag magkatabi kami matulog. Kahit ba ilang beses na kami natutulog na magkatabi.

"Nga pala." Tumingin ulit ako sa kanya. "Hindi naman pwede habang buhay sa apartment tayo titira kaya naisipan kong maghanap ng bahay. Yung kasya tayong tatlo."

"May bahay bang hindi kasya ang tao?"

"I mean yung pang tatluhan lang."

"I know. Binibiro lang kita."

Pagkabalik namin sa apartment ay agad ako umupo sa sofa at binuksan ang tv. Saktong favorite tv show ko ang pinapalabas ngayon.

"Seryoso? Spongebob Squarepants?" Tumabi na rin siya sa tabi ko. "Baka naman magmumukhang sponge ang magiging anak natin dahil diyan ah."

"Heh! Hindi naman ako kay Spongebob naglilihi."

"Nga naman. Sa mangga ka nga pala naglilihi. Baka nga magmukhang mangga ang anak natin."

"Kainis ka!" Pinaghahampas ko siya sa braso niya. "Magpahinga ka na nga. Alam ko namang pagod ka."

"I'm fine." Pinatong nito ang kanyang ulo sa balikat ko. "Makasama lang kita ay nawawala na ang pagod ko."

"Saan ka pala galing kanina? Pagkagising ko kasi kaninang umaga ay wala ka."

"Head quarter. Sinabi ko na rin sa iba na nagdadalang tao ka at gusto niya rin ni Neil na magdiriwang kaming lahat pero tumanggi ako."

"Bakit ka naman tumanggi sa kanya?"

"Club iyon. Sinabi ko rin sa kanila na iiwasan ko na ang pagpunta sa mga club. Ayaw ko kasing masaktan ka."

"Talagang mahal mo ko, no?"

"Oo naman. Kaya ginagawa ko ang lahat para sayo. Magbabago talaga ako."

Masaya ako dahil ako ang minahal ni Miguel at sana nga lang tumagal itong relasyon naming dalawa. Kahit isang buwan pa lang kaming kasal ay mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko para sa kanya. Mas minahal mo siya ngayon pero ayaw ko naman ang masaktan kapag niloko niya ako.

"Anyway, gusto mo bang magpakasal sa akin dito sa Pilipinas?"

"Ikaw kung gusto mo. Sa akin ayos lang." Sagot ko sa kanya.

"Ang iniisip ko lang kung ayaw mo ng tumagal itong kasal natin ay pwede tayo maghiwalay. Since sa ibang naman tayo kinasal."

"Paano naman yung bata? Lalaki siyang hindi kumpleto ang pamilya niya."

"Sa puder mo siya pero tutulungan kita sa mga kailangan niya."

"Pero bakit mo sinasabi iyan? Para naman gusto mong maghiwalay tayong dalawa."

"Just incase. Kung makahanap ka ng ibang lalaki na kaya mong mahalin but make sure yung handa ako para naman hindi ako masasaktan ng lubusan." Tumayo na siya sa kinauupuan niya kaya tumayo na rin ako at niyakap siya sa likod.

"Pangako hinding hindi kita iiwanan dahil..."

"Dahil ano?"

"Dahil ikaw lang ang gusto kong makasama hanggang sa pagtanda nating dalawa. Kaya please lang, huwag kang magsalita na isang araw ay iiwanan kita dahil hindi iyon mangyayari."

At hindi ko kailangan maghanap ng ibang lalaki na mamahalin ko kung ikaw ang mahal ko.

Bakit ba hindi ko masabi sa kanya na mahal ko siya?

Dahil ba takot ako umamin? Oo, takot nga talaga ako baka kasinungalingan lang ang lahat na ito. Hindi seryoso si Miguel sa nararamdaman niya o baka nga bumalik siya sa dati niyang ginagawa bago niya ako nakilala.

"Miggy." Hinigpitan ko pa ang pagyakap sa kanya.

"Hm?"

"Ma..." Hindi ko magawang sabihin sa kanyang mahal ko siya.

"Ma?"

"Matutulog na muna ako." Kumawalas na ako ng yakap at kinuha ko ang remote para patayin ang tv kahit hindi pa tapos ang Spongebob.

"Sige. Pahinga ka na."

Shit. Hindi talaga kayang umamin sa kanya.

First attempt failed.

Nagising ako ay gabi na sa labas. Napasarap pala ang tulog ko kanina kaya nagpasya na ako lumabas ng kwarto at kakatukin ko sana ang pinto ng kwarto ni Miguel pero bigla ko naalala na pagod rin siya. Kaya hindi ko na lang tinuloy na gisingin siya.

Magisa lang ako kumakain ng hapunan. As usual, inuulam ko ang mangga sa kanin. Kung sa iba weird itong ginagawa ko pero sarap na saral naman ako. Wala akong pakialam kung ano man ang sasabihin ng ibang tao kapag nakita nila akong inuulam ang mangga sa kanin. Mind on your own business.

Pagkatapos ko kumain ay hinugasan ko na ang pinagkainan ko at nag toothbrush saka naghilamos ng mukha bago pumasok sa kwarto ni Miguel.

Wow. Ang ganda naman rito. Ngayon pa lang kasi ako nakapasok sa kwarto niya at parang hindi lalaki ang gumagamit nito dahil ang linis ng kwarto.

Dahil nga ang himbing ng tulog niya ay nilibot ko na muna ang paningin ko sa buong silid. May study table siya rito na punk ng mga pictures. Maliwanag naman dahil liwanag ng buwan. Tiningnan ko ang mga pictures pero may ilan dito ang umagaw ng atensyon ko.

"Ito yung minake over ako ni Miggy noong kasal ni Oliver ah. Hindi ko alam may picture pala niya ako." Mahinang sabi ko. Ayaw ko naman kasi magising si Miguel.

Pagkatapos kong tingnan ang mga pictures ay tumabi na ako sa kanya para matulog.

Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog bago nagising ulit pero wala pang araw. Ibig sabihin madaling araw pa lang at nakakaramdam na naman ako ng gutom. Gigisingin ko na sana si Miguel pero pinigilan ko ang sarili ko at nagpasyang huwag ko na lang siya gisingin.

"Sleep well. I love you." Hinalikan ko na muna siya sa labi bago bumangon at lumabas ng kwarto niya. Tamang nakaw ng halik habang tulog siya. Minsan lang ako magnakaw ng halik sa kanya kaya lulubusin ko na.

I Lay My Love On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon