Chapter 30

613 25 0
                                    

Kahapon sana kami pupunta sa bahay para doon na tumira pero ano nangyari?! Biglang nawala si Robin. Hindi ko alam kung saan pumunta. Pagkagising ko kahapon ay wala na ako makapa na katabi kaya naisipan ko nasa banyo o sa sala at nanonood lang ng tv pero paglabas ko ng kwarto ay walang tao doon kaya tiningnan ko rin ang banyo at wala ring tao. Sinilip ko rin ang kabilang kwarto kahit ayaw sa akin pasilipin ni Robin kung ano man nasa loob ng kwarto niya. Ngunit isang tahimik na kapaligiran ang bumulaga sa akin. Wala akong Robin nakita sa dati niyang kwarto.

Paikot ikot lang ako sa buong apartment at sinasabunutan ko na ang buhok ko.

"Nasaan ka na ba, Robin?" Maiyak iyak kong tanong sa sarili. Wala naman akong alam na may kamag anak siya rito dahil ang pagkaalam ko ang pamilya niya ay nasa Spain nakatira.

Hanggang sa may nakita ako isang note sa dining table. Galing kay Robin.

She left me. Fuck.

Until now she still  blaming herself dahil sa nangyari. Damn it!

I thought you won't leave me! Pero bakit ganito?! Argh... Mababaliw na ako nito! Gusto ko magalit kay Robin sa ginawa niya pero hindi ko magawa. Nagaalala ako sa kanya ngayon. Wala siya pwedeng matirahan dahil ang alam ko rin wala naman silang bahay rito sa Pilipinas.

Saan ko hahanapin ang asawa ko?!

Hindi ko naman pwedeng tawagan si Zion o Oliver dahil ayaw ko silang isturbuhin sa trabaho.

Buhay nga naman. Dumating na siguro ang karma ko ngayon.

After my mom left me tapos ngayon si Robin naman. Ayaw ko na mabuhay kung ganito lang ang mangyayari sa akin!

"Robin..." Kusang tumulo ang luha ko.

May naririnig akong katok. Palakas nga ng palakas pero hindi ko na lang iyon pinansin. Hanggang sa sunod kong narinig ay isang kalabog parang salapitan binuksan ang pinto pero ganoon pa rin naman ang ginawa ko. Hindi ko pa rin pinapansin.

"Mig."

"Pre..."

May narinig akong boses kaya inangat ko ang tingin at kumunot ang noo ko sa aking nakikita.

"Paano kayo nakapasok?" Tanong ko sa kanila.

"Sinira namin ang pinto. Katok kami ng katok kanina pero ayaw mo naman kami papasukin." Sagot ni Jake.

Nandito silang lahat sa apartment ko. Hindi ko alam kung bakit ba sila nandito.

"What?! Fuck! Lagot ako nito sa landlady kapag nalaman niyang nasira ang pinto. Shit naman!"

"Huwag mo na isipin ang pinto. Babayaran naman namin ang nasira naming pinto." Sabi naman ni Zion.

"Bakit ba kayo nandito? Ano meron?"

"We're all worried."

"Huwag kayo praning. Ayos lang ako."

"Mig." Napatingin ako sa bagong dating. Kahit si Kurt ay nandito rin.

"Tinawagan ako kanina ni Kurt dahil hindi ka daw niya matawagan." Sagot ni Zion.

"Bakit, Kurt?"

"Tangina. Gusto lang kitang kamustahin."

"Ayos lang ako."

Hindi naman talaga ako ayos ngayon. Ngayon pa iniwanan ako ni Robin.

"Nasaan pala si Robin?" Tanong ni Neil sa akin.

"She... She left me kahapon pa." Tumulo ang luha ko pero agad ko naman iyon pinunasan.

"Kaya naman pala nagmukmok ka diyan." Hinawakan ni Neil ang isang braso ko at pinipilit niya akong itayo. "Tumayo ka na diyan, pre. Hanapin natin si Robin."

"Mapapadali ang paghahanal natin. Zion, Oliver, kayo na ang bahala sa paghahanap kay Robin." Sabi ni Kurt. Para tuloy siya ulit ang superior namin. Namiss ko tuloy ang dating samahan naming lahat. Yung mga panahon na si Kurt pa ang superior namin. Hindi ko naman sinabing hindi masaya na si Zion na ang bagong superior namin ngayon. Sana nga lang hindi umalis si Kurt.

Napatingin naman ako kay Rocco na tahimik lang siya nakaupo sa sofa.

"Yeah. Mapapadali ang paghahanap kay Robin kung nakabukas ang GPS. If not hindi kami hihinto ni Oliver na mahanap siya." Sabi ni Zion.

"Guys." Lahat kami napatingin kay Rocco noong nagsalita na siya. "Hindi ko niyo na kailangan gawin iyan. I know where she is."

"Saan?" Sabay naming lahat.

Tumayo na si Rocco sa kinauupuan niya at lumapit naman siya sa akin saka lumuhod sa harapan ko.

"Kinausap ako ni Sarah na huwag ko sasabihin sayo ito pero may karapatan kang malaman kung nasaan si Robin. Kahapon kasi nakita namin siya sa isang park kaya inuwi na muna namin siya sa bahay at kinausap ako ni Robin pati ni Sarah na huwag sabihin sayo. Hindi ko naman kaya maglihim sa kaibigan kahit pagalitan pa ako ni Sarah." Tumayo na ulit si Rocco at tumingin siya sa iba pero binalik ang tingin sa akin. "Gusto mo bang puntahan siya, pre?"

"Salamat sa pagsabi sa akin, Rocs pero huwag na muna ngayon."

Ngayon alam kong okay lang pala siya. Wala ako aalalahanin dahil nasa bahay siya nila Rocco.

"Bakit hindi mo sinabi agad, Rocco?" Tanong ni Jake sa kanya.

"Sabi ko nga kinausap ako ni Sarah. Pero hindi ko naman kaya ang maglihim sa kaibigan dahil may karapatan si Mig na malaman kung nasaan ang asawa niya para alam niya ang kalagayan."

"Kung ako ang nasa kalagayan ni Rocco ay ganoon rin ang gagawin ko kahit magalit pa sa akin si Fannie." Sabi naman ni Neil.

"Bakit pala sira yung pinto?" Biglang tanong ni Kurt.

"Kasalanan nilang lahat dahil sinira nila ang pinto."

"Labas ako diyan ah. Baka madamay pa ako sa babayarin sa ginawa niyong lima."

"Simple lang naman ang gawin natin, mga pre. Gamitin ng charm ang landlady at papayag na iyon huwag na natin bayaran ang nasira nating pinto."

"Gago." Sabay nilang lahat kay Neil.

"What? Iyon kaya ang ginawa ko noon sa landlady para hindi ako makabayad ng renta noon sa apartment ko."

"Ibahin mo kami sayo. Kahit kailan hindi ko gagawin ang ganoong bagay. Baka malaman pa ni Jessa."

"Takot ka pala sa asawa." Pang aasar ni Jake.

"Isumbong kaya kita kay ate na may nilalandi kang matandang babae."

"Huy! Don't you dare."

Humalaklak ako ng tawa dahil takot naman kasi sila sa mga asawa nila. Shit. Ang sakir na ng panga at tyan ko sa kakatawa. Kahit nga rin sila ay tumawa na rin.

"Ayan. Tumawa ka na rin." Sabi ni Neil at tumabi na lang din sa akin.

"Paano ba naman ako hindi tatawa kung lahat kayo takot sa mga asawa niyo?"

"Huwag niyo ko idamay diyan. Hindi ako takot kay Ella."

"Sabagay, hindi naman marunong magalit ang pinsan kong iyon. Matampuhin lang pero magalit. Nope."

I Lay My Love On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon