Chapter 39

644 23 1
                                    

Kinuha ko na ang mga dapat kong dalhin bago pa ng kotse ko. Tumingin naman ako sa direksyon nila Jake na medyo malayo sa pwesto ko ngayon at sinenyasan niya akong pumasok na sa loob. Tumango lang ako sa kanya bago pumunta na sa loob ng isang abandonado.

Habang naglalakad ako ay wala ako makita na kahit anong kalaban dito. I don't let my guard down. Baka isang patibong lang ito ng lalaking tumawag sa akin kanina.

Hanggang sa may pumalo sa ulo ko kaya nawalan ako ng malay.

Nagising ako nakagapos na ang mga kamay kahit ang mga paa ko. Shit naman.

"Mig, can you hear me?" Hindi ako makasagot kay Jake dahil takip din ang bibig ko.

"Mig!" Tangina. Hindi naman kailangan sumigaw. Mababasag yata ang eardrums ko sa sigaw ng gagong Neil na ito.

Pinipilit kong kunin ang maliit na kutsilyo na dala ko bago pa pumasok dito. Sa hindi ko alam ang dahilan kung bakit binigay sa akin ni Neil ito bago pa kami tumuloy dito. Ngayon naiintindihan ko kung ano ang dahilan niya kaya niya binigay sa akin ang maliit na kutsilyo. Na pwede may mangyaring masama sa akin.

Nang makuha ko na ang kursilyo sa bulsa ko ay hinihiwa ko na ang tali sa kamay ko. Noong natanggal na ay inalis ko na ang takip sa bibig ko at abala na rin ako sa pagtanggal ng tali sa paa ko.

"Sorry kung ngayon lang ako nakasagot. May humampas sa akin kanina kaya nawalan ako ng malay. Pagkagising ko ay nakagapos na ako." Sabi ko sa kanya para hindi magaalala ang dalawa.

"That's good you are okay." Mukhang nakahinga ng maluwag si Neil.

"Kayo diyan? Kamusta?"

"We're all clear. Walang kahit anong kalaban sa paligid pero huwag muna maging kampante. Hindi natin alam kung isa lang ba itong patibong." Ani Jake. Para tuloy si Jake na ang tumatayong superior namin kung paano pa naman siya magsalita.

"I need to find—" Hindi natapos ang sasabihin ko na may narinig akong ingay. Nilibot ko ang paningin sa paligid hanggang may natanaw akong isang bulto. "Wait. I think I found her."

Lumapit ako kay Robin at inalis ang takip sa bibig niya. Inaalis ko na rin tali sa kamay at paa niya.

"Miggy." Maiyak iyak siyang tawag sa akin.

"Shh... I won't let someone can hurt my wife." Tumayo na ako at inabutan ko siya ng kamay. "Can you stand, Robin?"

"Thank you." Pinahid ko ang luha niya. "Pero paano mo nalaman nandito ako?"

"Tanga din kasi ang taong kumuha sayo kanina. To make sure na tatawag siya yung hindi ko kasama si Oliver. May masakit ba sayo?"

"I'm fine." Ngumiti sa akin si Robin. Alam kong pilit na ngiti lang iyon. Ayaw niya siguro na mas magaalala ako sa kanya.

"Okay. Let's go." Hinawakan ko na ang kamay ni Robin but to my surprise ay hinatak niya ako para dahilan mawalan ako ng balanse at laking gulat ko na lang ang sunod nangyari. May bumaril kay Robin na dapat sa akin. "Robin! No!"

"Ano ang nangyari?" Hindi ko na pinansin pa ang tanong ni Jake.

Hindi ako makagalaw. Hindi ako papayag na may mawala pa sa akin. Binunot ko na ang baril sabay putok sa tao nasa harapan ko. Hindi ko siya mapapatawad kung may mangyaring masama kay Robin.

Nang natumba na yung bumaril kay Robin na hindi ko man lang nakita ang pagmumukha niya ay nakita ko rin si Neil nasa likuran nito at mukhang binaril rin sa likod.

"Shit. Jake, you need to come here. Quick!" Utos ni Neil kay Jake. Hindi ko alam kung saan pumunta ang lalaking iyon.

"B-Bayad na lahat ang kasalanan ko sayo, Miggy."

"Don't say that. Huwag mo ko iiwan dahil magsasama pa tayo ng matagal." Nakita ko ag pagpikit ni Robin. "No, Robin. Don't close your eyes!"

"May pulso pa siya, pre pero hindi na ganoon kalakas. You need to bring her to the hosp— Mig!" Natauhan ako sa biglang pagsigaw ni Neil sa akin. "What the fuck are you doing? You need to bring to the nearest hospital. Susunod kami ni Jake doon."

Wala akong alam kung saan ang malapit na ospital dito pero sa tulong ni Oliver ay nakarating ako sa pinamalapit na ospital. Hindi naman ganoon kalakihan ang ospital pero wala na akong pakialam buhay ng asawa ko ang nasa panganib. Mabuti nga pagkarating namin doon ay dinala na agad si Robin sa operation room.

Oh god. I don't know what to do. I need to convince myself na walang mangyayaring masama kay Robin. Maliligtas siya at makakasama ko pa ng matagal.

Halos dalawang oras na kami naghihintay. Yes, kami dahil dumating na ang dalawa kong kaibigan dito kanina.

Napatayo ako ng may doctor na lumabas mula sa operation room.

"Doc, musta na ang asawa ko?"

"I have good news and bad news. Ano ang gusto niyong malaman muna?"

"Good news first." Sagot ko sa kanya.

"She's stable now and also the baby."

"Baby, doc?" Naguguluhan na tanong ko. Bakit may baby? Huwag mong sabihin sa akin na buntis si Robin? Oh fuck.

"Yes. Hindi niyo alam buntis ang asawa niyo?"

"No. I think my wife doesn't have any idea too. Kung meron man ay matagal na niya sinabi sa akin."

"Like what I said earlier the baby is safe. Malakas ang kapit niya."

"W-What about the bad news?"

Parang ayaw ko na malaman kung ano man ang bad news na ibabalita sa akin ng doctor na ito.

"May posibilidad na ma-comatose ang asawa niyo." Anunsyo nito.

"Kailan siya magigising?"

"I'm not sure. Maybe a days, weeks, months or years. Depende sa pasyente."

Tumango na lang ako sa doctor. May posibilidad din iiwanan ako ni Robin. Hindi ko kakayanin sa pagkakataon.

"Maging malakas ka, Mig. Naniniwala akong magigising isang araw si Robin." Sabi ni Jake at tinapik naman ni Neil ang balikat ko.

"Naniniwala rin ako magigising si Robin. Lalo na magkakaroon na kayo ng anak."

Isang buwan na namin plinano ang pagkakaroon ng anak kaya nga dumating na ang hinihintay namin pero sa ganitong sitwasyon. I don't know.

"Tara. Puntahan na natin si Robin." Yaya ni Jake.

Nauna na sila maglakad kaya sumunod lang ako sa kanila. Nakakahina ng tuhod kapag iniisip kong nasa comatose stage ngayon si Robin at lumalaban sa kamatayan.

Bakit ganito ang nangyayari sa akin? First my father, second my mother tapos ngayon ang asawa ko. Sana ako na lang nasa kalagayan ni Robin ngayon.

I Lay My Love On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon