Chapter 3

828 38 0
                                    

Ngayon ang kasal ni Oliver sa fiancee niyang si Janella kaya nga umaga pa lang ay pumunta na kami ni Robin sa salon para sa transformation niya. Ayaw ko malahiya sa harap ng mga kaibigan ko.

"Oh my... Is this real? Ang isang Miguel Valle ay pumunta sa salon ko ngayon."

"Hindi ako pumunta dito para bisitahin ka." Tinuro ko ang kasama ko kung saan nakatayo ngayon. "Gusto kong pagandahin mo siya ngayon at dapat pagbalik ko ay tapos na kayo ah."

"Iiwanan mo ko rito?"

"Of course. Hindi lang naman ikaw ang kailangan kong asikasuhin. Kailangan ko rin magasikaso para sa sarili ko pero babalik rin naman ako mamaya."

"Leave this to me. Pagbalik mo ay hindi mo na siya makilala."

Lumabas na ako sa salon. Kahit ayaw ko pumunta sa mall ay kailangan kong bumili ng susuotin niyang dress. Ako pa naman ang tipo na hindi mahilig pumunta sa mga mall. Ang mga kadate ko noon ay hindi ko dinadala sa mga mall. Sa mga restaurant o hotel ko sila dinadala. They really want it lalo na sa hotel.

Nandito ako ngayon sa department store at tumitingin na dress na babagay kay Robin pero wala akong alam hanggang tumunog ang phone ko. Tumatawag si Neil.

"Hello?"

"Nasaan ka na? Malapit na magsimula ang kasal ni Oliver."

"Sorry. May biglaang deadline na kailangan kong gawin ngayon pero hahabol ako mamaya. O baka sa reception na lang ako dederetso."

"Damn it, Mig." Hindi ko alam kung ano ang problema ni Neil at binaba na niya ang tawag.

Tumingin ulit ako ng dress at may isang damit na umagaw ng atensyon ko. Siguro babagay kay Robin itong dress.

Pagkabili ko sa dress ay pumunta naman ako sa mga sapatos. Kahit dito ay nahihirapan ako pumili dahil sa daming babaeng kasama ko ay ang gusto nila terno sa suot nilang damit. Yung babagay rin.

Ilang oras bago pa ako nakapili ng babagay na sapatos sa damit na binili ko kanina kaya nagpasya na akong bumalik sa salon.

"Rae, pasuot mo rin sa kanya ang mga ito." Inabot ko sa kanya ang mga pinamili ko kaya bumalik na sa loob si Rae.

Umupo ako sa sofa habang tumitingin sa isang women's magazine.

"All done." Rinig kong sabi ni Rae kaya tumingin ako sa paglabas ni Robin.

Damn.

Napatayo ako sa kinauupuan ko dahil hindi ko inaasahan ganito kaganda ang kakalabasan kay Robin. Shit. Ang ganda pala niya kapag inaayusan.

"Huy, thank you pala dito ah. Nagabala ka pa."

Bwesit. Okay na sana pero panira kung paano siya magsalita, eh. Boyish pa rin.

"Pwede bang huwag kang ganyan kung magsalita kapag nasa harapan tayo ng mga kaibigan ko mamaya. Ayaw ko naman mapahiya sa kanila."

"Okay. Walang problema sa akin." Umiling na lang ako ng ulo.

"Tara na nga. Ilang oras na ang nasayang natin at paniguradong nasa reception na sila."

Habang nasa kotse kami papunta sa venue ng reception ay walang nagsasalita sa aming dalawa.

"Ano ba ang problema mo? Bakit may lalaking noong isang araw?"

"El es mi prometido. Y el me encontro." Kumunot ang noo ko dahil wala akong maintindihan na kahit anong salita. Ang language ang ginagamit niya.

"Ano?"

"Wala. Hindi pa ako handang sabihin sayo kung ano ang problema ko."

"Paano naman kita matutulungan kung hindi mo sinabi sa akin?"

I Lay My Love On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon