Chapter 12

654 24 0
                                    

Miguel's POV

Sumama na rin ako sa iba to celebrate Rocco's birthday. Ngayon lang ulit nagcelebrate ng birthday ang lalaking ito na kami ang kasama niya. Palagi kasi out of town or out of the country ito kasama ang pamilya niya.

What do we expect to the club? Ingay, amoy ng alak...

Pumunta na kaming lahat sa bar counter para umorder na ng maiinom namin. Out of place ako dahil usapang pamilya ang topic nila ngayong gabi. Nagsisi yata ako na pumayag sumama ah.

"Guys." Lahat sila napatingin sa akin. "I think I lost."

"You lost? Saan?" Takang tanong ni Jake.

"Sa pustahan."

Napatingin sila sa isa't isa at binaling ang tingin sa akin na para bang hindi naniniwala sa narinig nila.

"Seriously? Fuck. Hindi ka lang natalo, gago. Pinusta ko na hindi ka magseseryoso sa isang babae dahil kilala kita." Inis na sambit ni Neil. Kasalanan ko bang pumusta siya ng ganoon.

"Sino yung babae?" Tanong naman ni Rocco.

"Robin. I know her since we were kids."

"What?! Seriously?" Hindi silang makapaniwala.

"Pero ang pagkaalam ko ay umalis na ng bansa si Robin." Ani Zion.

"Yeah but I don't know where. Ang sabi lang niya sa akin ikakasal siya sa isang lalaki na hindi naman niya minahal noon. Sa isang salita force marriage."

"Hmm... I think we can help you, pre." Napatingin naman ako kay Oliver nang nagsalita siya.

"How?"

"Yeah. Nakuha ko agad ang gustong sabihin ni Oliver." Naguguluhan na ako. Ano ba ang gustong iparating ng dalawang ito?

"Zion and I going to locate her exact location. Kahit wala pa siya sa Pilipinas. Mapapadali ang trabaho kung madedetect natin ang GPS niya." Sagot ni Oliver.

Tumingin ako kay Rocco na dapat siya ang topic dahil birthday. Nasira ko yata ang celebration ng birthday boy.

"Rocs, sorry kung—"

"No, it's okay. I'm happy to hear that you're finally in love to someone. Kung kailangan mo ng tulong ay nandito lang naman kami para tulungan ka. Handa kami tumulong sayo."

I know that. I can't thank enough dahil nakilala ko silang lahat. Kung hindi ako pumasok bilang agent ay hindi ko silang nakilala.

"But for now let's enjoy our celebrant's birthday." Sambit ni Jake.

Nagkasiyahan kaming lahat ngayob kahit walang babae. Hindi na kasi sila pwede magsama ng babae kahit nga ako ay pinagbawalan na magsama ng babae dito.

"Kung seryoso ka kay Robin ay bawal ka na magsama ng ibang babae." Iyan ang palagi nilang sinasabi sa akin. Bad trip nga eh.

"Kung hindi mo magawa iyan ay hindi ka namin tutulungan ni Oliver." My god! Blackmail ito! Tangina naman. Nagsisi na talaga ako na sinabi ko sa kanila ang nararamdaman ko.

Pagtapos ng kasiyahan namin ay nagpasya na ang iba umuwi pero ako, imbes sa apartment ang deretso ay dumeretso ko sa bahay namin. Namiss ko na rin ang umuwi dito dahil matagal tagal na rin iyon.

Pagkarating ko nga ay patay na ang mga ilaw at nakalock din ang gate. Tumingin ako sa paligid baka may tao pero mabuti na lang wala kaya tumawid na ako sa bakod para makapasok. Para tuloy akong magnanakaw nito. Mabuti na rin may spare key ako sa main door.

Kinabukasan ay nagising ako sa ingay ni mama. Damn. Ang aga agad ang ingay na niya.

"Jusko. Miguel, hindi mo naman sinabi sa akin uuwi ka pala ngayon."

"Mama, can you leave my room? Ang aga aga, ang ingay niyo. I want to sleep."

"Okay. Iiwanan na kita dito para magpahinga ka na rin." Narinig ko ang pagsara ng pinto ng kwarto ko kaya nakatulog na ulit ako.

Nagising ako ulit at tumingin sa orasan. It's already 11:55am. Nakaramdam na ako ng gutom dahil siguro hindi pa ako kumakain ng agahan kanina and it's already late.

Bumaba na ako para pumunta sa kusina at nakasalubong ko si mama.

"Sabayan mo na ako kumain, anak." Sabi ni mama. Alam ko naman miss na niya ako dahil ilang taon na rin ako hindi umuuwi dito or let say minsan na lang ako umuwi.

Umupo na ako sa harapan ng hapag at kumuha na ng makakain.

"Anak, kailan mo ba—" I stopped her.

"Ma, stop right there. Hindi ako umuwi para iyan agad ang gawing topic natin. I'm tired of hearing that question."

"Alam mo naman gusto ko na magkaroon ng apo sayo. Wala na rin naman akong ginagawa."

"Tsk. Kung gusto niyo naman magkaroon ng inaalagaan. Bakit hindi na lang kayo mag ampon?"

"Miguel, anak. Ito lang naman ang hinihiling ko sayo. Sana tuparin mo naman bago pa ako mawala. Hindi na rin ako bumabata para samahan ka."

"Ilang beses ko bang sinasabi sa inyo wala akong balak magpatali but I'm trying to be serious in a relationship."

"Oh." Biglang sumigla ang mukha ni mama. "Sino iyan?"

"Si Robin, ma."

"Now you mention her again. You told me before you met her again."

"Yes. She's really pretty kaya siguro nagkagusto ako sa kanya noong unang beses ko siya nakita."

"That's good, son. Sana tuloy tuloy na iyan at huwag mo siyang sasaktan kung nagkatuluyan kayong dalawa."

Hindi ko masabi kay mama na ikakasal na si Robin sa ibang lalaki. Na in love ako sa isang babae na halos ikasal na. Fuck life.

"Since you're here. Bakit hindi mo dalawin ang papa mo mamaya?"

Dalawin si papa? Matagal tagal na rin ang huling dalaw ko sa kanya. Mabuti nga hindi ako dinadalaw sa panaginip dahil hindi na ako nakakadalaw sa kanya.

"Sure. I know you want to visit papa too."

Pumunta na kami ni mama sa sementeryo para dalawin si papa. Nilagay ko na ang binili naming bulaklak sa puntod niya.

"Ma." Tawag ko kay mama habang nakatingin sa puntod ni mama.

"Hmm?" Sagot nito sa akin.

"I really want to know how papa died."

"Are you sure?" Parang hindi makapaniwala si mama sa narinig niya.

"I'm sure." Tumingin naman ako kay mama. "O baka naman may kinalaman ako kung bakit namatay si papa."

"Ayon na nakausap ko noon may isang masamang tao daw ang gustong bumaril sa inyo and your father protected the both of you."

"Both of us? Sino yung isa?"

"Kapag nalaman mo kung sino ang isang bata ay baka magbago ang pakitungo mo sa kanya ngayon."

"What do you mean?" Kumunot ang noo ko kay mama pero hindi na siya umimik pang muli. "You mean the other kid is Robin?"

"Yes."

Ang ibig sabihin pala nito may kinalaman rin si Robin sa pagkamatay ni papa.

"Huli na dumating ang ama niya pero dinala naman kayo sa malapit na ospital ngunit dead on arrival naman ang papa mo. Maraming tama ng bala ang nakuha niya habang ikaw naman ay nagkaroon ng trauma at selective amnesia sa nangyari. Wala ka maalala sa nangyaring akisdente. Ayaw mo naman maalala ang mga iyon kaya hindi na kita pinipilit na maalala ang lahat kahit ang pagkamatay ng papa mo. Baka isisi mo pa ang sarili mo sa nangyari."

Ngayon malinaw na sa akin ang lahat. Parang gusto ko kausapin si Robin para alamin ang side niya. Pero paano? Hindi ko alam kung nasaan siya ngayon.

I Lay My Love On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon