Chapter 42

729 21 0
                                    

Dahil wala na rin naman ako maitatago pa kay Robin kaya sinabi ko sa kanya na pupunta na muna ako ng head quarter kahit wala pa siya maalala tungkol sa akin.

"Um, guys." Tumingin naman sa akin ang iba. "Paano ba mangligaw?"

Tumingin naman sila sa isa't isa bago binaling ang tingin sa akin.

"Masyadong common kung bibigyan mo ng flowers o chocolates si Robin." Ani Rocco.

"Why don't you ask your wife on a date?" Sagot ni Zion sa akin.

"If you're going on a date. Pwede kita matulungan diyan. I can ask my brother-in-law." Sabi naman ni Jake.

Isa pa lang chef ang bayaw ni Jake na dating detective.

"Thanks, Jake. Pero paano ba magyaya sa isang babae na makipag date?" Tanong ko sabay kamot sa likod ng ulo. "I never ask someone for a date before."

"Hindi mo ba dinadala sa isang restaurant ang mga babae mo noon?" Tanong ni Neil.

"Dinadala pero hindi ko naman iniisip na date iyon. Ang iniisip ko lang ay kumakain kami sa labas tapos hinahatid ko na rin siya sa kanila. That's all."

"Okay, never mind. Kailangan mo magpractice para tanungin si Robin na makipag date sayo."

"Ano ba dapat?"

"Huwag ka makinig sa mga iyan. Sa akin ka makinig." Tumingin ako kay Rocco habang tumatawa ito.

"Wow ah. Sige ikaw na ang may experience sa pangliligaw."

"Okay. Paano ba, Rocco?"

"Ganito ang gawin mo. Tanungin mo siya kung pwede ba siya dahil gusto mo siyang yayain kumain sa labas. Ganoon lang kasimple. Huwag ka nga lang kabahan."

"For my first date with Fannie. Siya ang nagyaya sa akin."

"Ibang klase ka, Neil. Pero hindi ko maalala na nagkaroon kami ng date ni Trixie bago kami kinasal."

"I never ask Sarah for a date before pero every weekend ay family bonding namin. Kaya bumabawi ako sa asawa at mga anak ko."

"Me too. I never ask Ella for a date before. Biglaan lang na naging kami, eh. Isang magic na girlfriend ko na siya pagkagising ko."

"Baliw ka talaga, Oliver. Pinsan ko iyan kahit kasal na kayo."

"Yeah but it's true, Zion."

"Okay, I will ask Robin for a date tonight. And beside, this is not our first date."

"Oh. Hindi naman pala ito ang first date niyong dalawa. Bakit hindi ka marunong magtanong sa kanya?" Tanong nila sa akin.

"Yung first date namin ay biglaan lang. It's not a dinner date either. Breakfast date kasi iyon."

"Breakfast date? Ngayon ko lang narinig na may ganoon pala." Natatawang sambit ni Neil.

"May ganoon, pre. If you're asking your love one's for a breakfast date. Imbes sa bahay kayo kakain ay sa labas pero pwede rin sa bahay para makatipid." Sabi naman ni Rocco.

"Ginawa mo na ba iyon kay Sarah?" Tanong ni Jake.

"Nah, sabi ko nga sa inyo I never ask her for a date. But we have our first, second and many date together. Sa bahay nga lang at pinaglulutuan ko si Sarah ng mga paborito niya."

"Tingnan mo ito si Rocco mayaman ang pamilya pero sobrang kuripot naman. Kahit ang asawa ay tinitipid rin." Natawa ako sa komento ni Zion.

"Magugulat na lang kung isang araw ay maubusan na ng makain sila Rocco dahil sa kakuriputan niya." Komento ko naman.

"Hindi papayag si Sarah. Lalo na nalaman kong buntis siya ulit."

"Talaga?" Hindi kami makapaniwala na kinatango ni Rocco.

"Sinurpresa niya ako noong anniversary namin."

"Tibay mo, pre. Akala ko wala ng balak sundan ang kambal niyo." Natatawang sambit ni Jake.

"Wala naman akong sinabing hindi na namin susundan ang kambal. Nangako si Sarah na bibigyan niya ako ng isang dosenang anak."

What the fuck?! Isang dosenang anak?! Yung totoo... nakadrugs ba itong kaibigan ko?

Nagpaalam na ako sa kanila na kailangan ko na umuwi. Sinabi ko kasi babalik ako before lunch.

Nakita ko si Robin sa garden habang nilalaro niya ang anak namin. Napangiti ako dahil ang sarap sa pakiramdam ng nakikita ko ngayon. Para bang gusto kong kuhanan ng picture ang mag-ina ko kaya nilabas ko ang phone ko para kuhanan sila.

Pagtapos ko kuhanan ay lumapit na ako sa kanila.

"Hindi ka ba pinagod ni Ry?" Binaling naman ni Robin ang tingin sa akin.

"Hindi naman. Mabait si Ryder."

Umupo na ako sa tabi ni Robin.

"Hi, bud. Namiss mo ba si daddy?" Nakita ko ang pagabot ng mga kamay nito sa akin kaya binigay na sa akin ni Robin si Ryder.

"Kahit wala ako maalala sa nangyari kahit rin ang tungkol kay Ryder ay walang makakaisip na hindi ko siya anak." Nakita ko sa gilid ng mata ko ang paglingon ni Robin sa akin. "Sana maalala ko na kayong lahat."

"Sana pero huwag mo biglain ang sarili mo." Nilingon ko siya sabay ngiti.

Bigla ko naalala ang tungkol sa pinagusapan namin kanina ng mga kaibigan ko sa head quarter. Wala naman sila masyado naitulong sa akin maliban kay Rocco pero nauwi rin naman kay Rocco ang usapan dahil sa pagbubuntis ni Sarah. Masaya ako para sa kanila.

"Um, Robin." Nakita ko ang paglingon ni Robin ulit sa akin kaya humarap na ako sa kanya. "P-Pwede ba kita yayain makipag date mamaya?"

"Sure. Pero paano si Ryder?"

"Don't worry, si manang na muna ang bahala kay Ry."

Masaya ako dahil pumayag si Robin na makipag date sa akin mamaya. Kahit wala siya maalala tungkol sa akin ay gagawa naman kami ng bago na magkasama. Ayaw ko naman pilitin si Robin na maalala niya ang lahat. Hindi ko rin naman sinabi sa kanya kung paano namatay ang mga magulang ko dahil ayaw ko sisihin niya ulit ang sarili niya.

Around 5 ay nagaasikaso na ako maligo dahil kailangan makarating kami agad sa restaurant para iwas traffic rin. Nang matapos na ako maligo at magbihis ay hinintay ko na si Robin sa ibaba pero binilin ko si manang na siya muna ang bahala kay Ryder habang wala kami.

"Bud, huwag ka maging pasaway kay manang ah." Bilin ko rin kay Ryder kahit hindi naman niya ako maiintindihan.

Lumingon ako ng makita ko si Robin na bumaba na ng hagdan.

"Let's go?" Tumango siya sa akin.

"Dada!" Lumingon ako kay Ryder na narinig kong umiiyak siya. Hindi pa nga kami umaalis umiiyak na.

"Sir, mukhang gusto sumama ni Ryder sa inyo."

Napakamot ako ng kilay dahil saan ka ba nakakita ng date na kasama ang anak. Tumingin ako kay Robin na kinatango niya.

"Ako na ang magpapalit ng damit niya." Kinuha na ni Robin si Ryder kay manang bago pa siya umakyat sa taas. "Shh.. Tahan na, baby. Isasama ka na namin ni daddy."

Ugh, failed. This supposed our first dinner date.

I Lay My Love On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon